Monday, May 26, 2008

JK's Debut Album

the album cover

Hindi natin maipag-kakaila ang talento ng ating kasamahan na si Jesika Kalaka. Umaga, tanghali, hapon hanggang lumubog ang araw, naririnig natin ang kanyang makalaglag-brief na boses mula sa kaniyang kinauupuan. Maliban sa kanyang mala-higanteng tawa (kalaka), talagang talentado itong si JK. Ang kanyang mga influences ay sina Lianne Rhymes, Jessa Zaragosa, Tina Paner at Pelita Corales.

At the age of two, nasaulo na nya ang kantang 'Twinkle-twinkle Little Star" na talaga namang nagpamangha sa kanyang mga magulang. Hindi lubos maisip ng kaniyang mama na ang gatas ng kambing ay mabisa para ma-enhance ang skills ng isang bata. Kaya hanggang naging makulit at malusog na 4th grader itong si JK, patuloy pa rin itong lumalaklak ng milk. cool.:D

Nang makarating ng hayskul, patuloy na hinasa ni JK ang kanyang talento sa pagkanta. Sumali ito sa mga aurora prosesyon bilang isang 'kantora' sa kanilang barangay tuwing bakasyon at sa mga amateur singing contest sa kanilang probinsya.

'Di naglaon, naging sikat si JK sa larangan ng musika at ngayon ay pinag aagawan na ng mga talent scouts. At sa wakas, pumirma ito ng P3,000.00 1-year deal sa isang sikat na recording company. At sa darating na linggo, ang kanyang pinakaka abangang album ay ilalaunch na. Ang "JK Learns How To Pluck". Ang album ay hango sa makulay na buhay ni JK. Sa kaniyang mga kanta ilalathala ang kanyang mga karanasan sa buhay, lalung-lau na ang kaniyang mga "first-time" experiences. Ang debut album ay nagkakahalaga ng P40.00. Pwede itong tawaran ng P35 at 25 pesos ang pinaka sagad. Mabibili ito sa Hong enterp. at sa lahat ng Muslim Music outlets sa buong bansa.

Tangkilikin ang sariling atin! JK, we are proud of you!

3 comments:

Anonymous said...

wow! ur gonna be like so sikat nah JK! omg tlga! like so woohoo! m sooo inggeeeet!

Anonymous said...

Ohmigod. I so wanna buy this album. It's like so cheap. Could I get this for like 10php only? It's gonna beat David Cook's. I so think so.

Anonymous said...

go for d gold record JK! or better pakyawon mo na para mg quadruple platinum ang album mo lolz