Friday, May 23, 2008

Cool Dude Turned Show Boy: Remembering The Pitogo Night

the cool dude

Nagsimula ang lahat ng lumubog ang araw sa karagatan ng Pitogo Beach resort. Si "Cool Dude", ang ating bida, ay masugid na hinanda ang mga kinakailangan para sa isang kasiyahan sa gabing iyon. Masipag, galante at maasikaso etong si cool dude. Nang makuha ang baso, shot glass, pitsel at iba pang mga kasangkapan para sa inuman, dito na nagsimula ang transpormasyon ng ating bida...

ang namumulang si cool dude (after 3 shots)

Naging masaya ang pulong-pulong ng mga mag kakatrabaho at magkakaibigan sa Cabin 5. Mas naging kwela pa ang kwentuhan ng mag pasabog si FB aka Nacho Libre ng mga makatindig-balahibong mga "quotes" na binigkas ni Romy Diaz sa kaniyang mga pelikula:

FB: "Maghubad ka na nene!" at "hehe...yan ang gusto ko, lumalaban!hehehe!"

Naaliw ang lahat lalung-lalu na si Zarah. Sa sobrang saya ng jamming ay naisipan ng magkakaibigan na bumuo ng isang Fight Club. First match: Cool Dude vs Bug Marley. Heto ang ilan sa mga tagpo.

Ang bakbakang cool dude at Bug Marley kasama ang mga kasapi ng FC

Pagkatapos ng laban, naubos na rin sa wakas ang isang litrong GranMa at dumating na rin ang inorder ni Angelo D. Suki...prinitong manok at adobong pusit. Nang biglang...

G


...isang maliit na tinig ang narinig mula sa pinto."Oist, duman na lang daa mag irinom sa hall." Si G pala! Napagpasyahan ng grupo na lumipat na sa function hall para sa second round ng inuman. Dali-dali nilang binitbit isa-isa ang mga pangkabuhayan showcase.

Sa Function Hall...

Si cool dude (after 13th tagay)

Dito na nagsimula ang "transformation" ng ating bida. Hindi akalain ng lahat na si cool dude ay isa rin palang Show Boy. Nang kantahin ng isang content writer (allen) ang 'Di Na Ako Aasa Pang Muli', biglang tumayo si cool dude at inagaw ang mikropono na hawak ng walang puwang na binata. Walang-hiyang bumirit ang cool dude at lumapit sa kanyang babaeng sinisinta...(aaaaaaayyyy)


Miss Marlboro Green

Heto po ang ilan sa mga linya ng kanta:

Ilang gabi na akong lito
‘Di ko maisip kung bakit nagkalayo
Mahal kita ngunit mahal mo siya
Ang hinihiling ko lamang mahalin ka niya

CHORUS
‘Di na ‘ko aasa pang muli
Kung ikaw ay babalik, saka na lamang ngingiti
Tandaan mong mahal kang talaga
Tanging ikaw lamang ang nasa aking alaala

INTERLUDE

Naglalakad, hawak-kamay
Tila bang ligaya n’yo’y walang katapusan
Ang nakaraan nating dalawa
‘Di ko na makita sa ‘yong mga mata

[Repeat CHORUS]

BRIDGE
Sa iyo sana’y maghihintay
Ito ang gusto ko sa habambuhay
Ngunit…

Pagkatapos ng mapanlaglag-brief na awitin ng ating bida, ang sumunod na mga eksena ang bumulantang sa lahat! Nag hubad ng T-shirt ang cool dude sabay umakyat ng long table at nag ala Giggolong sayaw na ikinabaliw ng karamihan. Hahahahhahahahahaha! Todo ang tawanan nina Jesika at Arnold Kalaka sa mga sandaling iyon, pati na rin ang lahat na nakasaksi sa mga pangyayari. (hindi kami pinayagan ng MTRCB mag post ng mga lawaran kuha sa eksena ng mga pangyayari dahil sa mga malalaswang imaheng nakita!)

Heto na lang...Ang Kasagsagan ni Cool Dude a.k.a. The Show Boy @ Pitogo!


No comments: