Wednesday, May 21, 2008

Birthday Speech


Ako with the Rockstar ;)

Matagal tagal na rin bago ko uli maisipan na maghandog ng isang marikit na post dito sa aming Secret Ingredients corner. Hindi ko maipapangako na matutuwa kayo sa aking ilalathala, subalit, nais ko lang ipadama ang galak kong pasasalamat sa mga nilalang na nagmamahal sa akin. Ang aking pamilya, mga kaibigan, katrabaho at katropa, kasama na rin ang mga taong nasaktan ko at mga nag paiyak sa akin.

Sa aking ika 25th kaarawan, naramdaman ko ang higit na pagmamalasakit ng aking mga close friends. :D. Naka tanggap ako ng isang napaka cute na cake at isang original Adidas basketball shorts na aking gagamitin sa Huwebes. makakatulong ito sa aking mga lateral moves at shooting. Kaninang umaga, ipinagluto ako ng aming katulong ng isang napakasarap na sotanghon. Kahit mali-late nako, hindi ako nag atubiling dumampot at kumain ng isang platito. Masarap siya, lalu na yung mga itlog ng pugo(Quail egg) .

Bago ko makalimutan, bago nag alas dose ng hating gabi kagabi (tama ba), sinalubong ko kasama ng aking mga magigiting na kaibigan ang aking kaarawan. Sila ay sina FB Palacio aka Nacho Libre, Ryan RaknRoll, Dynes the Cool Dude, Mike the Cutipie, Chef Kiko, Jo d' Sexy, Jessika Kalaka, Pinkista, Luis oink-oink at si Buddy Love. Tumagay kami ng dalawang litro ng brandy, at apat na bote ng red horse na may kasamang Krispi Nakols at litson manok. Binati ako ng aking mga kaibigan thru text pag sapit ng alas dose. Panay naman ang kanta ng B-day song ang aking mga kasama na siyang ikinagalak ko ng sobra. Sino pala si Angelo D. Suki? Sounds familiar.

Buweno, birthday ko pa ngayon! Ako'y uuwi muna at bibili ng pagkain para pang blow-out ko mamaya sa bahay. Sa ganitong paraan, mararamdaman ko ang aking pag asenso. LOL. At medyo sumasakit nanamna ang tiyan ko, ako'y magpapahinga na para sa aking Birthday concert @ the Chef's House. See you there na lang! Salamat sa inyong lahat! Love you Guys! Happy Birthday din kay Rhiz!

3 comments:

Anonymous said...

ito nga ay isang madramang paghahayag ng isang mabuting kaibigan na nagdiriwang ng kanyang ika pilak na kaarawan..

nawa'y pagpalain ka lagi ng Buong Maykapal sapagkat ikaw ay natatangi at mabuting kaibigan na walang pag iimbot na laging nagpapasaya sa aming lahat. Maligayang Kaarawan sa iyo Chayee! mahal ka namin! amen ^-^

Anonymous said...

whew! hirap humugot ng mga hindi matarok na Tagalog terms! wehehehe

Bug said...

chayeee...
yun lang...
wara pa ako maisip na maray na i-comment. pag natapos ko na sana siguro gabos na kaipuhan ko tapuson. hehehe