Friday, June 27, 2008

Kumusta Na Ang Tropa?


June 18, 2008, kung hindi ako nagkakamali, ay ang pinaka malungkot at masaklap na araw sa ating mga buhay-buhay... sa ating samahan... sa ating tinatawag na 'munting opis'. Bumaha ng luha at naging emosyonal ang karamihan sa natanggap na balita. Ang buhay nga naman, kung kelan pa naging matatag at masaya ang ating samahan, sa isang kisap mata, ang lahat ay naglaho! p%!@&#$*!

The Class of 2008

Hindi lang sa nawalan tayo ng pang kabuhayan showcase, ang pinakamasakit at nakalulungkot na pangyayari ay magiging iba na ang takbo ng ating buhay...hindi na katulad ng dati na masaya, tawanan araw-araw, yosi break tuwing alas nuebe, tanghali at alas dos ng hapon, turbo mode sa kakahabol sa backlogs at iba pang masasayang alaala. Nakaka miss ang salu-salo sa 'fantry', pag timpla ng kape kasama si Kung Fu Panda Master, at siyempre, ang mga katrabaho natin na sa pag lipas ng panahon ay napamahal na sa atin bilang isang kaibigan, lil'/big sis or bro, lover?hmmm at higit sa lahat, isang kapamilya!


Isa ako sa maraming napaiyak sa nangyari. Naibuhos ko na ang aking sama ng loob kasama si Bug Marley, Poknat at iba pa. Pati ang bruskong si JK ay hindi rin napigilang mapa krayola. Nung una ko pa lang nakitang lumuha ang aming pinakamamahal na bisor na si Ziella, ay agad ng nanghina ang buong katawan ko...tsk tsk, as in nanlambot. Anyway, it's time for us to move on! And alam kong kayang-kaya natin 'to. Back to zero uli tayo, but not totally zero dahil kahit papano naman ay may budget pa rin tayo habang nagsisimula ng panibagong chapter sa ating mga buhay-buhay! Haaaaayyy... Nakaka miss na! :'(

Group Hug!!!:)

Ang Secret Ingredients ETC ay magpapatuloy pa rin sa pagpapalaganap ng ibat-ibang kalokohan. And guys, comment na lang po sa mga gustong mangumusta and sa may mga gustong magshare sa inyo, feel free lang! This is our home sweet home! Yabyu all!

Wednesday, June 18, 2008

...

I am feeling sad right now. Well, all of us are feeling sad. Wala munang gaguhan ngayon. Kasi mukhang gago mga itsura natin so far. Kasi naman, kayo ba naman mawalan ng trabaho, matuwa ka pa? O siya. Paalam sa mga friendship. Magkikita pa naman tayo, di ba? Magkakaroon tayo ng reunion every year. Para masaya, di ba?

Ano pa nga ba ang sasabihin ko? Hmmm... Goodluck na lang sa ating lahat. Ang hindi pumunta sa farewell party mamaya, pangit! Haha. Okay. Sige. Kita-kits mamaya sa Manhattan. Dun natin ilabas ang ating sama ng loob. Ang hindi umiyak, pangit ulit! :p

I love you guys!

Tuesday, June 17, 2008

Pout To Da Maks 3

Wow! Ilang araw lang ang nakalipas at heto nanaman tayo sa pinaka malinamnam at pinaka malutong na portion ng Sec. Ing. ETC, parang Boy bawang! Maliligayahan uli tayo sa mga bagong Power Pout Looks na hatid sa atin ng mga natatanging pouting pipz na maaring katabi na natin ngayon o andiyan lang sa tabi-tabi. Kung ang ikalawang yugto ay nagbigay sa atin ng isang "maliputok" na tawanan, ang part 3 ay nakasisigurong mas pinakwela!

Dito sa ikatlong yugto ng P.T.D.M., asahang iba't-ibang mukha ang masisilayan, at siyempre, hindi pa rin pahuhuli ang mga batikang Pouting Masters na lagi nating nasusubaybayan dito. So brace yourself kagaya ng kay JK na worth 50K, at ihanda ang sarili... Let's Pout It Out Loud!




*******************************************

Fish Lips Pout

Ito ang pout na kadalasang nakikita sa mga kikay. Ngunit sa panahon ngayon, kahit mga bruskong lalake na gaya kay Oloks ay puwedeng-puwede na ring gamitin ang Fish Lips pout. Sa katunayan, ang look na ito ay mas nakaka akit pa kumpara sa lips ni Juday! Madalas, ganito rin ang porma ng mukha ng mga golden gays!

*************************************************

The A.Con Pout

Ang A.Con pout ay pinauso naman ng ating lawmaker, from her name itself, miss A.Con! Ito ay ina-apply tuwing ang bibig ay puno ng pansit special. Ang mga labi ay mapapansin na nag mamantika at limitado lang ang guhit ng ngiti dahil baka pumuslit ang isang piraso ng pansit lapad.

********************************************************

Goddess of Ice Pout

Wala na yatang mas bobongga pa sa look na ito! Naks, costume pa lang, festival na! Ang power pout na ito ay hindi magiging mabisa kung wala kang sapat na creativity upang makabuo ng isang costume na talaga namang dress to kill! At ang pinaka importanteng tip para magaya ang Goddess of Ice pout.......lakihan ang butas ng ilong ala kingkong!

******************************************

Bagwis Pout

Ang mala San Miguel na pinoy superhero na si Chak Perez ay muli nanamang sumaklolo sa mga nangangailangan. Kahit wala ng espada at panangga ang ating bida, ang mga masasamang loob ay walang panama sa lupet ng hagupet ng killer pout na ito!

*******************************************

The Werxwell Pout

Sa kaniyang bakanteng oras, hindi aakalain ng marami na si Mr. Werxwell ay isa palang secret agent ng MIB (Mikrobyo Inspeksyon Bureau)! Kung ang Bagwis pout ay malupet, ang Werxwell pout naman ay sing tindi ng Mister Masel! Isang yupi lang ng mga labi at kurap ng mata, ang lahat ng mikrobyo ay dedbol kahit saan mang sulok ito magtago! Tsk!

***********************************

Turista Pout

Sakali mang maisipan mong mag out of town o mag bakasyon sa mga astig na resort, kakailanganin mo ang Turista pout! Ito ay proven and tested na ng ating kasamahang si Dennis the Baker! Ang look na ito ay effective kung makikipag eye-to-eye contact ka sa mga foreign tourists...One look at talaga namang lalapit sayo ang mga white chicks, latina pati na rin mga German Sheperds! hihi

***********************************************

Ganda Lalake Pout

Kung sa effectiveness, mag kasing bisa ito ng Fish Lips pout; hindi nga lang alam kung para sa gurlet o sa boylet ang panama nito! Ganun pa rin, mabisa itong pang-akit kung gusto mong "ibaling sa iba" ang iyong pagmamahal! Give me a K!

******************************************

Transform & Roll Pout

Kahit isang natatanging otobot ay puwede ring ipamalas ang kaniyang killer look. Tsk tsk. Ito ang pinaka malupet na secret weapon na puwedeng itapat sa mga Desetpikons!

*****************************************

The Real Kung-Fu Panda Pout!

Sa wakas ay natagpuan din ng TSOKO ang genuine Kung-fu Panda pout! Ang look na ito ay natagpuan sa kahabaan pa ng Mongolia suot ng walang iba kundi si Mo...ang X ni JK! Ang kodak na ito ay sadyang ni resize na, ngunit tila naka zoom pa rin!

*************************************************

Closed Eyes Angelina Jolly pout

Sa ikalawang pagkakataon, ang Angelina Jolly pout ay kasama pa rin sa ating top 3 pouts of the week! Yun nga lang, may konting pagkakaiba ito sa ordinaryong AJ pout. Medyo madrama ito at puno ng passion, lust, ngunit dati pa rin ang timbang ng lips which is half kilo each... Let's eat!

***********************************************

Welcome To Bohol Pout

Hindi magiging kumpleto ang bakasyon sa Bohol kung hindi niyo bibisitahin ang TarsYer Farm. Dito nakatira ang pinaka rare at endangered kind ng nasabing specie na kilala sa tawag na "The Pouting Tarsyer".Ito ang pinaka atraksyon sa nasabing lugar na kamakailan lang ay napasama sa Top 100 most Incredible Animals sa Diskoberry Tsannel!

****************************

Congratulations sa mga taga hanga ng Boston Celtics! (plastik!) haha

Monday, June 16, 2008

Wala Ba Kayong Mga Kamay? (Episode 2)

Kumusta mga repapips? Andito na tayo sa Wala Ba Kayong Mga Kamay? (Episode 2). Nakapagpractice na ba kayo ng mga dating pose? Dapat lang kasi may pangalawang set na ng mga pose na dapat niyong matutunan.

*********************
Hands to heaven pose. Madali lang gawin ang pose na ito. Itaas lang ang mga kamay at iwagayway. Siyempre, depende sa saliw ng tugtog na pinapakinggan niyo right at that moment. Ang saya, di ba?


*********************
How hot is that girl pose. Bakit nga ba how hot is that girl? Tanungin niyo si Angelo D. Suki. Kung ita-try niyong gawin ang pose na ito, beware na lang at baka di niyo kayanin ang reaction ng ibang tao. Tularan niyo na lang itong babaeng ito na sobrang ganda. Wala siyang paki kung ano man ang sabihin ng iba.


*********************Kamutin ang ulo pose. Kagaya ng ibang pose sa nakaraang post, madaling gawin ito. Puwedeng gamitin ang pose na ito kapag kunyari ay may iniisip o kapag wala ka nang ibang maisip na pose.

*********************Kuneho pose. Maaari niyo rin tawaging rabbit pose ito. Kahit na anong mukha o mood, puwede ito. Ang cute nilang dalawa, di ba?


*********************Puso-puso pose. Ang galing naman! Hindi ko naisip na puwede palang gawin ito. Ngayon, kung gusto ninyo itong gayahin, huwag kayong matakot. Go lang. Hindi kailangang in love ka o tuwing Valentine's lang ito. Kahit na anong oras, puwede ang puso-puso pose. Puwede niyo nga rin palang gawin ito na mag-isa.

*********************Masakit ang ulo pose. Para kahit na parang binabarena ang ulo mo, puwede ka pa ring magpacute sa pamamagitan ng pose na ito. Warning: Hindi lang masakit ang ulo ang puwede gumawa nito.

*********************
Mini-Me pose. Kilala niyo si Mini-Me? Ganyan na ganyan ang pose niya. Ang galing, di ba? Kunyari lang na isusubo ninyo ang maliit na daliri sa bibig. Kunyari lang.


*********************One year old pose. Kapag tinatanong ang bata kung ilang taon na siya, ganyan ang pose nila. Kaya siya tinawag na one year old pose. Para siyang Talie pose ngunit hindi lang nakasabay yung isang daliri.

*********************Pa-shy pose. Kahit hindi ka shyness, maaari mong gawin ang pose na ito. Props nga lang ang kailangan mo. Panyo o kaya tissue. Pero kung wala na, kahit tuwalya, okay lang. Vilma Santos, isdatchoo?

Friday, June 13, 2008

Happy Father's Day Festival

Gusto kong handugan ng isang makalaglag-pusong mga tula ang lahat ng mga responsable at mapagmahal na mga daddy, papa, dada, pa, dad, 'di, tatay, papu, pops... sa lahat ng ama sa buong mundo, this one's for you PAPA...:)

Reminder nga pala, medyo nakakatouch 'to, kaya ihanda nyo na ang inyong tissue o panyo... ginawa ko itong post habang pinakikinggan ko ang kantang "Butterfly Kisses," kaya medyo tatagos ito sa puso nating lahat!


To my father, on father's day
by Caroline falzon


On this day the world is celebrating, The special man to whom it's dedicating, A day for praising and appreciating, A day for loving and commemorating. My dear father, I too would like to give you praise, Though a day of celebration, Is never enough to compensate, Is never enough to appreciate, Is never enough to congratulate, The man who's life to me still dedicate. I really feel so lucky to have you as my dad, Even though I am no longer that cuddly little girl. For what I have become today, I owe it all to you, Treasured memories in my life I have, are all because of you. I only wish I still make you feel proud, I try my best to never let you down. Not only on this day, but all the year around, I wish for you the very best to never let you down. So just relax and enjoy your day, Take a deep breath and celebrate, A toast to you and to all your great deeds, May God bless you and in His care keeps.

Eto pa...

Holding onto another day
by Jayjay


To many you are just a guy
A guy who drinks A guy who likes to pull pranks To many you are just another divorced parent But to me you are more To me you are the moon To me you are the sun To me you are the doctor To me you are a taxi driver To me you are nothing more than my father and my best friend! To many you are a guy who likes to yell But to me you are A father A mother A best friend And my comforter You help me to see When the days go dark You help me hold on To everything that i am not To everything i have yet to become I'm hanging on to another day I'm hanging on to the words you say! Dad i love you I hope you never forget that I hope you and i say this Way forever I hope that you still love me no matter what i do! I hope you hold onto everything i say And hold onto another day! Dad thanks for being my father as well as my mother Thanks for being my taxi driver, my doctor...and my best friend! I know we drive each other NUTS but dad i still love you! HAPPY FATHERS DAY!!!

Badong theHot Papa

Daddy Alex


Daddy Bernz

Daddy Joel


Macho Papa Jong

Big Daddy


Papa Homar & Papa Suave


Happy Father's Day!!!

Wala Ba Kayong Mga Kamay?

Kapag may piktyur-piktyur, kadalasan nating makikita ang Talie pose. Eh wala na bang bago? Hindi naman puwedeng ganon at ganon na lamang ang pose natin. Dapat, may iba naman. Sa pagsasaliksik ng TSOKO, nakahanap ang pangkat na ito ng mga ebidensiya na hindi lamang Talie pose ang puwedeng gawin natin tuwing may piktyur-piktyur. Ihanda ang inyong mga kamay at maghandang gayahin ang mga sumusunod na pose para sa mga susunod na piktyuriyal.


****************************
Ninoy Aquino pose. Tinatawag din yang 500php pose. Puwedeng gamitin ang pose na yan with different moods. Puwedeng kapag nagpapacute, puwedeng kapag namomroblema, o kung trip mo lang.

****************************
Aiza Seguerra pose. Abuchikik days. O di ba? Ang cute.

****************************
Aja pose. Kahit na siya ang nagpauso ng Talie pose, may iba pa rin siyang pose na alam. At ito nga ang aja pose. Mas kilala ang pose na ito ngayon sa pangalang Tira-Tira pose.

****************************
America's Next Top Model pose. Kadalasan itong ginagawa ng mga gustong maging mowdehl. Tinatawag din minsan itong pose na ito bilang Amuyin ang Kilikili pose.

****************************
Aprub pose. Kahit na napakatagal na may ganitong pose, hindi siya masyado ginagamit dahil napakapangit kung nakapose ka ng ganito eh ang itsura mo eh hinding hindi naman aprub. Buti na lang magaling magdala ng kahit anong pose itong si Haring Tsinelas.

****************************
Bad breath pose. Kahit wala kang bad breath, puwede mo namang gamitin ang pose na ito para maiba naman. Minsan, ginagamit ito kapag madumi ang ipin mo o kaya kung medyo nagpapacute ka. Pwedeng gamitin din itong pose na ito with different expressions.

****************************
Bagong taon pose. Bakit bagong taon pose ang tawag dito? Kasi ganyan ang itsura ng mga taong napuputukan tuwing bagong taon. Asteeg di ba?

****************************
Teka lang, may tawag ako pose. Ito ang pose na ni-master ni Angelo D. Suki noong nagkaroon ng bonggang-bonggang selebrasyon ng araw ng kapanganakan ni Yonabelle. Mula gabi hanggang mag-uumaga na ay yan ang kanyang pose. Medyo mahirap gawin ang pose na ito sapagkat kailangang may props ka na celphone at kailangan mo ng kakaibang facial expression.

****************************
I've got my eye(s) on you pose. Medyo madali lang gawin itong pose na ito kasi kahawig siya ng Talie pose.

****************************Barrio Maepep pose. Pakibasahin na lamang po ang ibig sabihin ng pose na ito sa mga nakaraang pose.

****************************
Guwapo pose. Hindi ibig sabihin na dahil babae ka ay hindi ka rin puwedeng magguwapo pose.

****************************
Yan na muna sa ngayon ang mga pose na ipractice ninyo. Abangan na lamang ninyo ang Wala Ba Kayong Mga Kamay? Second Edition. Kung may alam pa kayong mga pose, email niyo kami!

Thursday, June 12, 2008

Pout To Da Maks II

Sa wakas, thousanaires na uli tayo! Congrats sa ating lahat. Anyway, andito nanaman tayo sa pinakabagong segment ng Secret Ingredients ETC...ang Pout To da Maks part 2. Sa ating ikalawang yugto, ibat-ibang mukha ang ating makikilala, mga panibagong entries na muling mang aakit sa atin...gamit ang kanilang mga Power Pout Looks!

Sino ba naman ang hindi mabibighani sa mga labing mapupula na puno ng kariktan? Juicy lips ika nga! Dito natin masasaksihan ang ibat-ibang uri ng Power Pout na talaga namang makalag-lag brief! Hindi ko na papatagalin pa dahil ako mismo ay excited na! Heto na ang mga natatanging nilalang suot ang kanilang mga mapang-akit na pout 2 da maks...

**********************************************************************

2 cute little pout

Wow! Ang birthday girl na si Senadora at ang pinkistang si Poknat ay walang alinlangang ipinamalas ang kanilang killer pout habang si Dennis the Baker naman ay nagka stiffed-lips sa kaka smile!

Sweet Brusko Pout

Anu kaya ang nakita ni Homie at siya'y biglang napapout? Ito ba ay dahil sa kaniyang nakaing Bicol express? O ang tinga ng prinitong manok na natrap sa kanyang mga ngipin?



Pout ala Mommyoh!

Kahit busing-busy sa pagpapak ng pananghalian itong si Mommyoh, hindi ito naging hadlang para ipamalas niya ang kanyang power pout! Hindi lang isa kundi dalawang nag uusbungang pout poses! Napag alaman ng TSOKO na pagkatapos makuha ang kodak na ito ay dali-daling lumaklak ng tubig si Mommyoh dahil sa nakabarang buto ng chicken sa kanyang lalamunan! Kaya pala naka taas ang kilay...

The G's Pout

Hindi kumbinsido si G sa kanyang narinig na joke galing kay Dancing Rabbit master Arj, kaya binigyan na lamang ito ng isang Art Paper Pout (APP) na ibig sabihin ay..."Whatever!" Taray ng lola mo.:D

Oops Pout

Sa hindi sinasadyang pagkakaton ay nakunan ng kodak ang pinaka-tinatagong killer look ni Shamitos...ang Oops Pout! Lagi nya itong ipinamamlas pag nakikinig sa mga R&B songs.

the drunkard's pout

Hindi talaga maitatanggi na masarap ang Red Horses bir na siya namang paboritong laklakin ni Mr. Broon! Maganda ang epekto ng Red Horses, napapapula nito ang labi ng sinu mang bruskong lalake. Tingnan niyo naman ang lips ni Mr. Broon at parang isang malinamnam na makopa na kahit sinong Eba ay hindi makakapag pigil na papakin ang mga labi ni Broon! Hindi magiging epektibo ang look na ito kung hindi mo sasamahan ng isang mapang akit na beautiful eyes!:D

Pa demure Pout

Ang singing sensation at ang former no.1 sa Pout to da Maks top 10 ay hindi pa rin paaawat sa pagpapamalas ng kaniyang mga killer looks. Ang pout na ito ay hindi alintanang mas "buskad" sa naunang yugto. Subalit, isa pa ring wagi ang kanyang demure pout na talaga namang kababaliwan ng mga bruskong menchu!

Sarap Asim Pout

Hindi na napigilang mapa pout ni Pranz dahil sa nalanghap nyang masangsang na amoy na parang inihaw na sibuyas na kadalasan nating naamoy sa burger! Bakas sa mukha ng dalaga ang 'di maipaliwanag na sensation dala ng misteryosong sarap asim scent na nanggaling sa kilikili ng hindi nakilalang suspek.


Pa kiss Pout

Ito ay isa sa mga pinaka cute at pinaka effective na Power Pout Looks! Ang mabisang pout na ito ay sadyang malakas ang appeal...kaya nitong makipagtukaan sa isang daang lips sa loob lamang ng isang minuto! Astig! BABALA sa mga dalagita: Huwag magpapadala sa look na ito at baka yan ang maging sanhi ng pagka Loka de amor...so powerful talaga!

No Look Pout

Ang No Look Pout ay pinauso ng ating kasamahang si Cyber-Men. Ito ay kadalasang nakikita sa mukha ng machopapa kapag nakakakita siya ng flash drive at mga nag dadownload ng movies, mp3s at iba pa! Ito rin ang kaniyang expression kapag mag cchange power!


Pout ala Angelina Jolly

Last but not the least... Ang pinakapipitagang pout ngayong linggo na matyagang siniyasat ng TSOKO...Ang Angelina Jolly pout! Lahat ay mapapasigaw ng, "Labi pa lang, ulam na!" Ang mga labing ito ay tumitimbang ng half kilo each..pwedeng-pwede ng iihaw at papakin kapag nasa outingo inuman! Oh yeah! Salamat sa impormasyon at detalye courtesy of Oka Tokat!

Abangan ang part 3 sa susunod na kabanata ng...Pout To Da Maks!!!

HAPPY BIRTHDAY GLADY & GLENDA!!! mwah!

Have a happy weekend pipz! Withdraw time!