Friday, June 27, 2008

Kumusta Na Ang Tropa?


June 18, 2008, kung hindi ako nagkakamali, ay ang pinaka malungkot at masaklap na araw sa ating mga buhay-buhay... sa ating samahan... sa ating tinatawag na 'munting opis'. Bumaha ng luha at naging emosyonal ang karamihan sa natanggap na balita. Ang buhay nga naman, kung kelan pa naging matatag at masaya ang ating samahan, sa isang kisap mata, ang lahat ay naglaho! p%!@&#$*!

The Class of 2008

Hindi lang sa nawalan tayo ng pang kabuhayan showcase, ang pinakamasakit at nakalulungkot na pangyayari ay magiging iba na ang takbo ng ating buhay...hindi na katulad ng dati na masaya, tawanan araw-araw, yosi break tuwing alas nuebe, tanghali at alas dos ng hapon, turbo mode sa kakahabol sa backlogs at iba pang masasayang alaala. Nakaka miss ang salu-salo sa 'fantry', pag timpla ng kape kasama si Kung Fu Panda Master, at siyempre, ang mga katrabaho natin na sa pag lipas ng panahon ay napamahal na sa atin bilang isang kaibigan, lil'/big sis or bro, lover?hmmm at higit sa lahat, isang kapamilya!


Isa ako sa maraming napaiyak sa nangyari. Naibuhos ko na ang aking sama ng loob kasama si Bug Marley, Poknat at iba pa. Pati ang bruskong si JK ay hindi rin napigilang mapa krayola. Nung una ko pa lang nakitang lumuha ang aming pinakamamahal na bisor na si Ziella, ay agad ng nanghina ang buong katawan ko...tsk tsk, as in nanlambot. Anyway, it's time for us to move on! And alam kong kayang-kaya natin 'to. Back to zero uli tayo, but not totally zero dahil kahit papano naman ay may budget pa rin tayo habang nagsisimula ng panibagong chapter sa ating mga buhay-buhay! Haaaaayyy... Nakaka miss na! :'(

Group Hug!!!:)

Ang Secret Ingredients ETC ay magpapatuloy pa rin sa pagpapalaganap ng ibat-ibang kalokohan. And guys, comment na lang po sa mga gustong mangumusta and sa may mga gustong magshare sa inyo, feel free lang! This is our home sweet home! Yabyu all!

3 comments:

Anonymous said...

June 18, 2008, kung hindi ako nagkakamali, ay ang pinaka malungkot at masaklap na araw sa ating mga buhay-buhay...

comment: talagang ngkakamali k po chayee kasi june 19 po yun...

neways, nkklungkot nmn n post..and timing p n 1st day nmin d2 s ilog...nakakamiss kayo..huhuhu..waaahh!!!wala kayong katulad...

dex said...

I'd like to share something I posted back in Nov. 24, 2007, when I marked my 4th year in this company:

I feel lucky that I have found more than just acquaintances here but friendships that will hopefully last even beyond the portals of the company. These are the people I have come to love as my second family, the people I look forward to seeing every day. These are the bunch of crazies whose idiosyncrasies and quirks not only amuse me but also teach me valuable lessons in dealing with people, in dealing with life.

Many of them have moved on to follow their own paths. And who knows, maybe I’ll also follow them and finally find myself embarking on my own big adventure. Change is inevitable; but while we are still together I would like to say a big thank you to each one of you: for being more than just an officemate, for being a friend, for being a family.


Full Post here

Anonymous said...

Panalo talaga si Dennis! Sabay plug ng blog. Haha. :p