Monday, May 26, 2008

JK's Rival


ang makulay na debut album cover

Kung may Lavinia at Doreen Pineda, Mara Clara, B1 & B2, Julio at Julia and of course, FPJ at Romy Diaz, siyempre hindi pahuhuli ang Jesika Kalaka at Yonabelle rivalry. Matagal-tagal na ring nagbabanggaan ang kapwa starlet. Sino ba naman ang makakalimot nang kanilang "showdown" sa "dance floor" ng Pitogo Beach Resort. Chos! Kung experience ang pag-uusapan, lamang lang ng bahagya ang superstar na tubong Bulan, Sorsogon dahil sa nakalipas na pitong taon, dalawang tropeyo na ang kanyang natanggap habang ang superstar from Barcelona (sorsogon) naman ay isang tropeyo pa lamang. Lumalabas na medyo mas masipag itong si Yonabelle aka Johny Bravo kesa kay JK.

Buweno, ang rivalry ng dalawa ay umabot sa larangan ng musika. Kung sa darating na linggo ang launching debut album ni Jesika Kalaka, humabol at nag recording na rin itong si Yigae. Magaganap ang kanyang album launching sa lunes, June 2, 2008 sa bangketa ng Daraga Market-Market (malapit sa estasyon ng tren) kung saan darating ang mga special guests na si Dennis the Baker, Bert the Cybermen at marami pang tinitingalang mga persona from showbizniz. Ang debut album ni Yonabelle ay pinamagatang "No More Extra Rice" na hango sa kanyang personal na mga karanasan. Sa kanyang debut album, may isang track kung saan may special number ang sikat na si Cool Dude. Ito ay ang remix ng "Dino 'Ko Aasa Pang Muli" at 'Popepopepe-PoPo.' May duet din kasama ang world-renowned stage actor na si Haring Tsinelas. Inaasahang magiging matagumpay ang kanyang album launching next week.


There can only be one...

Hindi maitatanggi na ang dalawang superstars ay malulupit pag dating sa kantahan. Aasahan ng mga fans na magiging kwela ang kanilang rivalry. Mabibili rin ang copy ng "No More Extra Rice" sa lahat ng Muslim Music Outlets sa buong bansa.

Special Promo: Buy a copy of Yonabelle's album with autograph at the nearest Hong Eterp. and get a free poster of Kimerald;)

P.S: Yonabelle o JK? Your choice, your music!

Safe........

1 comment:

Anonymous said...

kung base sa pout, dai ki madaog kay yonabelle...