Wag lumimot. Wag magpatawad.
Isang napakagandang pelikula ang dapat ninyong panoorin. Bagong-bago ito at kasalukuyang pinapalabas sa pinakamalalaking sinehan dito sa ating mundo tulad ng Elvic Theatre at Gem Cinema.
Tungkol ito sa isang barbero na ang pangalan ay Benjamin Barker. May asawa siyang napakaganda at may anak silang babae. Nakatira sila sa London. Dahil maganda ang asawa ni Benjamin Barker, inakusahan siya ng isang makapangyarihang tao na gumawa ng isang nakaririmarim na krimen. Ginawa ito upang makuha ng taong ito ang kanyang asawa at anak.
Labing limang taon si Barker ikinulong sa isang malayong lugar. Nung siya'y lumaya, bumalik siya sa London at iniba na niya ang kanyang pangalan. Siya na si Sweeney Todd ngayon at nais niyang maghiganti sa taong nagpakulong sa kanya. Sa pagbabalik niya, nakilala niya ang isang biyuda na may-ari ng isang karnehan. Nalaman niyang namatay na ang kanyang asawa at ang kanyang anak na dalaga na ngayon ay nasa pag-aalaga na ng taong kinamumuhian niya.
Para makahiganti, nagbukas si Sweeney Todd ng isang barberya sa taas ng karnehan ng kanyang kaibigang biyuda. At doo'y nagsimula na siyang maghasik ng lagim sa mga taong ginawan siya at ang kanyang pamilya ng masama.
Siyempre, hindi pa diyan nagtatapos ang kuwento. Mas nakakaaliw na nakakahindik kung kayo mismo ang manonood ng pelikulang ito. Hindi mo siya maaaring bilhin sa debede. Kaya't ayain mo nang manood ang mga kaibigan at pamilya mo. Huwag lamang kayong manonood ng busog at baka masuka kayo dahil sa mga eksenang inyong mapapanood.
Pinagbibidahan nila Helena Bonham-Carter, Alan Rickman, Timothy Spall, Sacha Baron Cohen, Jamie Campbell Bower, Laura Michelle Kelly, Ed Sanders at ng ating bidang si...
Haring Tsinelas
No comments:
Post a Comment