Kung kaya nagsimula ang araw na iyon nung dumating ang ating may birthday. Mukha siyang walang tulog at mukhang lasing pa. Sabagay, sino ba naman ang hindi papasok sa opisina ng lasing at antok kung alas-tres na ng umaga natapos ang inuman dahil sinalubong ng mga tropapips ang kanyang araw ng kapanganakan. Mahilig talaga itong si Angelo D. Suki sa magarbong selebrasyon. Pero gustong-gusto din naman namin ang ganun. Haha.
Sa opisina, hindi ko alam kung natulog siya maghapon tulad ng dati niyang ginawa. Pero nang dumating ang alas-tres ng hapon, nagpakain si Angelo D. Suki. Hindi siya ang kinain. Nagpaluto siya ng pansit sa isa din naming tropapips. Masarap as usual ang pansit. Siyempre pa, hindi na nawala ang inumin. Oo, hindi alak ang pinainom ni Angelo D. Suki. Kasi nasa opisina pa raw kami. Maghintay daw kami kasi mamayang gabi ay ang kanyang Birthday Concert. Kung ano man yun, hanggang ngayon, hindi ko pa malaman kasi English yun eh. You know.
Siyempre, nung gabi na, dumagsa ang mga uhaw sa alak sa Chef's Haus kung saan ilang bote ng Matador ang tumambad sa amin. Hindi lang Matador ang naroon kundi pulutan, iced tea, at beer din. Ang bilib nga ako kay Angelo D. Suki dahil lahat ng nakalatag sa mga mesang inukupa ng mga nagsipuntahan ay lahat donated by. Ang ideyang iyon ay malapit ko na rin isagawa. Haha. At dahil dun, isang bow sa iyo Angelo D. Suki. Asteeg nga eh.
Ayaw ko nang isa-isahin ang mga nangyari ng gabing iyon. Tignan niyo na lang ang mga larawan sa baba at mag-iwan ng koment kung ano man ang inyong mga maikukuwento tungkol sa mga tao sa larawan.
Basta marami ang nalasing. Marami ang nakikanta. Marami ang nabusog. At tumanda si Angelo D. Suki. Haha. Para sa iyo Angelo D. Suki, sana'y linggo-linggo ay kaarawan mo. Para masaya.
No comments:
Post a Comment