Tuesday, May 27, 2008

The New Red Horses Ad

Bangboo

Naging maugong ang pagtanggap ng taong-bayan sa napiling endorser ng Kolt Portipayb beer. Ito'y walang iba kundi ang Bangboo, ang pinaka sikat na rock band sa ating bansa ngayon. Matatandaan na ang Kolt Portipayb ay laging naka promo sa karamihang bar at beerhouse na ating mapupuntahan sa iba't-ibang sulok ng Filipinas... 4+1! Kahit medyo mapanghe ang lasa pag walang ice, okay lang sa mga lasenggo dahil ito'y mura at sumisipa rin. Maganda ang naging epekto ng bandang Bangboo sa produkto. Naging matagumpay ang ad campain ng kumpanya sa nakaraang taon at marami na rin ang naimpluwensyahan na lumaklak at mag avail ng kanilang promo. Astig naman diba?

ang red horses

Pero anu nga bang beer ang pasok sa panlasa ng mga astig at cool na noypips? Siyempre dun tayo sa malakas ang sipa! 'San pa kundi sa Red Horses beer! Mas tumindi pa ang appeal ng 'beer ng bayan' ng gumawa ito ng isang bukod-tanging ad campaign. Kung ang Kolt Portipayb ay may Bangboo, hindi naman pahuhuli ang Red Horses. Tampok sa kanilang latest ad ang mga sikat na personalidad sa ating industriya.

Ito'y pinangungunahan ng ating all-time bida na si Cool Dude aka Show Boy. Tampok rin ang sikat na si FB Nacho Libre at ang rakistang si Ryan ng Left Handed F! Ang tatlo ay napili para iindorso ang produkto dahil sa kanilang taglay na karisma sa publiko. Gwapo, talentado at mga astig. Walang panama ang album ni JK at Yonabells dito! :D \m/. Ang bagong ad ay may temang "Red Horses, Ito Ang May Tama!". Kitang-kita naman sa kanilang mga pagmumukha diba?hihi...Marhay na Aga!

No comments: