Thursday, May 29, 2008

Disturbing Behavior II

Sa nakaraang DB1 chapter, marami tayong nadiskubreng kagila-gilalas na mga kaganapan. Umaapaw ang kasiyahan sa Pitogo! Sa unang yugto ay ginimbal tayo ng ating bagong kasamahan na si Badong 'd Chicken Dance Master. Akala nating lahat na ang binatang ito ay misteryoso, 'di naman pala kundi isang kenkoy din katulad ni Cool Dude. Mabuhay ka Badong!

Ngayong araw ay pagtutuunan natin ng pansin ang chapter 2 ng Disturbing Behavior kung saan mas lalung pinakulay, pinabongga at pinakwela ang mga tagpo, saan pa, kundi sa Pitogo! HAHAHA!

Chapter 2...

Moral Support From Sto. Niño?

Abala ang lahat para sa pangalawang laro ng timbilding, ang electric fence. Ang lahat ay nagtatalo at nag iisip kung anong pinaka mabuting strategy para manalo sa napakahirap na larong ito. Bale ang electric fence ay may boltaheng 000000 Kilowatts at may laking 2 1/2 square-feet. Tsk. Bakas sa mga mukha ng team members ang hindi mai-drawing na pag-aalinlangan. Pero teka lang...may isa nanamang aparisyon na naganap! Nag pakita ang mahal na sto. niño sa Pitogo! Anu kaya ang dahilan ng kanyang pagpapakita? Tsk...

Success!

Naging matagumpay ang first attempt ng team 2! Kitang-kita sa mga reaksyon ng mga members ang sobrang galak na nagdulot ng tears of joy kay miss Faithful. Wow, at si badong...at ang kaniyang famous Chicken Dance! Si Watsy ay napatalon at ang iba naman ay nakalulon ng buhangin sa sobrang gaslaw!


Pinagpasa-pasahan

Lahat ng miyembro ng team ay kinakailangang makatawid sa electric fence. Ang susunod na sasabak ay si ALAL. Medyo takot ang dalaga at mistulang napapaluha, sino ba naman ang gustong makuryente? Sa sobrang dedication, ginawa pa rin nya ang nararapat! Pinag-pasapasahan ng mga bruskong boys ang dalaga! At ito'y matagumpay! Shoot!

Pasan Ko Ang Mundo!
Pinagpawisan sa kili-kili ang mga bruskong lalaki ng team 1...Dito nakita ang tunay na kahulugan ng teamwork ng dahil kay RK! NAKS!

Haayaah!!!

Ehem! Naks naman! Inapply ni Angelo D. Suki ang kanyang Kung-Fu Panda moves sa tagpong ito. Hindi nyo nalalaman na si A.D.S. ay kababata ni Kung-Fu Panda master Rita Avila sa Jovellar (all things trivia). Sa kasamaang palad, 'di sya nagtagumpay...tsk. Liit naman kase ng square!HAHAHA!

Run Salvy Run!

Ang pinakahuling tatawid sa fence ay si Salvy. Mabangis na pumorma ang bruskong binata malayo sa fence, pumorma ito at sabay tumakbo ng matulin. Ang akala ni Salvy ay babalda sya sa string ala Shadowcat..tsk tsk..hindi nangyari ang inaasahan, subalit naging matagumpay pa rin ang Team 1!

JK and Misslyn

Anu ba 'tong hand gesture? Medyo may pagka-naughty! Anu kaya ang sinisimbolo nito? Ito kaya ang opposite ng Pitogo?hihi...o ang sign ng JK fans club? Oops, andiyan pala si Broon, ang president ng JK Fans Club at hairstylist ng starlet!

Ang Dating Doon?

Habang nag sisiyesta ang karamihan, hindi naiwasang mag sharing ng magagandang balita ang tatlo sa mga pinaka bagong miyembro ng Dating Doon. Sila ay sina Sister Mina, Poknat (ang taga-basa) at si Sister Kung-Fu Panda (interpreter ng mga pipi't bingi). Basa kapatid!

Spot The Difference

Pag masdan kung alin sa anim ang may pagkakaiba? Siyasatin mula ulo, bewang hanggang pata, ay paa pala.

Ang babaeng nasa bandang likuaran naman ay abala sa pag kokodak sa kaniyang sarili.

Emily Rose, is that you?

Ang fasyonista at marikit na si Kuting ay mistulang nasapian ng masamang espiritu ng kaniyang malanghap ang mabantot na amoy na nanggagaling sa kubeta? Sino kaya ang suspetsado?

Senadora Sa Damuhan

Sa sobrang nakaing extra rice, hipon at bicol express, 'di na nakayanan pa ng Senadora ang tawag ng trono! Sa kasamaang palad ay may gumagamit ng kubeta. Agad syang tumungo sa malapit na damuhan. Sa sobrang pag mamadali, sya'y natalisod at saka nya naramdaman na false alarm lang pala.

Yen @ 3pm

Ang tagpong ito ay nakuha bandang alas tres ng hapon habang nag papahinga ang lahat sa kanilang mga kabana. Nakalimutan ng magandang dalagang ito na inumin ang kaniyang 2pm daily medication. Nalipasan na ito kaya ganito ang nangyari sa kanya.

Normal stage

Nabigyang lunas ni Boy Kupsit ang cute na babaeng si Yen. Balik na ito sa kanyang normal na pag-iisip. Salamat sa mga nakolektang mahiwagang buru-buskay sa dalampasigan, buti na lang at may background sa Major in Spiritual Healing itong si Kupsit. Tuwan-tuwa naman si Yen at handa na itong pumarty anytime habang si Miss Faithful naman ay napaiyak sa sobrang tuwa!

Diyan nagtatapos ang ikalawang yugto ng Disturbing Behavior! Hanggang sa susunod!!! Kita-Kits sa Pitogo! :D

No comments: