Wednesday, May 28, 2008

Disturbing Behavior I

Hanggang ngayon, hindi pa rin maalis sa ating isipan ang mga kaganapan na nangyari sa Pitogo Beach resort. OH Yes, Sa PITOGO! Malaki ang Pitogo...oops, ang ibig kong sabihin, malaki ang naging dulot ng mga pangyayari sa Pitogo sa ating mga buhay-buhay. Dito natin nakita ang ating mga potensyal, talento at natutunan nating ipakita ang tunay nating pag uugali at kilos sa ating mga kasamahan.

Narito ang ilan sa mga "unguarded moments" na kuha sa mga aktwal na kaganapan sa Pitogo. ;)
Marahil ay nalaman nating lahat ang tunay na kulay ng mga nilalang na ito! HAHAHA!

The Sandwhich

Performance level ang ipinakita ng ating all-time bida na si Cool Dude sa tagpong ito. Sarap na sarap din ang kasayaw nyang si Badong na tila nanggigigil at gustong papakin ang walang kamuwang-muwang na si cool dude, habang si FB Nacho Libre naman ay patuloy sa pag giling!

Show Me Your Moves

Natapos na nga ang sandwhich dance na talaga namang inenjoy ng tatlong binatilyo. Namangha si Cool Dude ng pakitaan siya ni Badong ng isang exotic maneuver...the Chicken dance!

Bring it On!

...Nang matutunan ni cool dude ang sayaw, agad itong humataw at ipinagmayabang ang kanyang latest move, habang ang pioneer ng chicken dance ay busy sa pagtuturo sa ibang mga bruskong binata.

Mrowkmak Move

Napakagat-labi itong si Mr. Baliza ng gilingan siya ni Badong ng isang ala Macheteng sayaw. Ow Yeh!

Please don't stop the Music

Hindi na talaga maawat ang dalawa! Mas lalu pang naging makulay at creative ang kanilang steps ng gumamit na si Mr. Baliza ng props...Wow! Dancing Festival!

:O

Waw! Si Ms. Marlboro humahataw! Feel na feel nya ang kanta na talaga namang nag pa Pout sa kanyang mga labi!


Shake badebadedanza!

Aba't may tinatago palang electrifying move itong si MAM, naka pout pa! Hanep sa twist and wiggle na agad namang sinabayan ng Chicken Dance ng walang iba kundi si Badong! Showdown na 'to!

Kung-Fu?

Naks naman! Ang birthday girl ng gabing iyon ay humataw din. Inintroduce ni Rita Avila ang kaniyang Kung-Fu Panda move na siya namang pinag aralan ni Angelo D. Suki. Ang sayaw na ito ay nag originate pa sa Jovellar na hango sa mga cute na mga galaw ng isang huggable Panda..:D

Last but not the Least.............

What's Up Doc?

WoW! May gwapo... Kilig Festival! LOL. Sa huling yugto ng sayawan, hindi nag pahuli itong si ARj. Ipinakita nito ang kanyang itinatagong dancing moves...ang dancing rabbits! Ang kanyang kamay ay sumisimbolo ng dalawang kunehong sumasayaw. Ito ang kabaliktaran ng Rak N Roll move \m/ na pinasikat naman ni pareng Jason!

Buweno, dito nagtatapos ang chapter 1 ng disturbing behavior. Kita-kitz sa Pitogo!

2 comments:

Anonymous said...

nice one! ayos ang kung fu panda moves! hahahaha..peace pands! sexy nya in fairness

Anonymous said...

OMG! papa rj in da haus! RJ, i luv yah!!! woot!