Thursday, December 18, 2008

The Return of Cool Dude!

The Cool Dude

Anu na nga ba ang nangyari sa ating bidang si Cool Dude a.k.a. the Show Boy?! Halos tatlong buwan na ang nakalipas nung huli kong makita ang maliit na mamang ito; noong nag pa despidida ako sa bahay...maulan nun, ngunit sobrang saya ng aming jaming kahit ininjan kami ng iba. Napaso ang aking binti ng sobrang npakainit na tambutso mula sa tricy ni Papa Bear... pero nakangiti pa rin ako at tumatawa kasama ang kapwa lasinggero na sina John Oloks at si Cool Dude. Anyway, si Cool Dude, nag karoon ng comeback! At hindi lang basta-basta kundi BLOCKBUSTER!!! Oh yes, naging mabenta ang ating kasamahan na si Cool Dude sa 'pinilakang tabing.'

Ang pelikula niya ay ang pinakasikat at pinaka aabangang movie bago magtapos ang taong 2008! Yes mga kapatid...sinabi mo pa! Ang pelikulang Twoylight! Ginampanan ng ating bida ang papel ni Robert Pattison; ang bruskong bida, gwapito, tahimik, mabait at mysteryosong bampira ng nasabing pelikula. Marami ang inenhance kay Cool Dude bago magsimula ang shoot ng sensational film, eto ang ilan sa mga enhancements na 'inoberhol' sa kanyang physical na anyo:

* Additional 9 inches synthetic bone (extension) sa paa, spine at kamay (Cool Dude's actual height is 5'3" - Robert Pattison is 6 ft. tall).

* Hair color (from black to Chestnut brown/gold/dark brown)

* Eye color (from dark brown to light brown and blue green)

* Teeth (extra canine teeth)

* Body peel and scrub (from pinkish-white to Lungsi-white)

WOW naman! Pero kahit ganito karami ang enhancements na ginawa sa kanyang katawan, lumabas pa rin ang natural na pretty-cool Dude face. Sa height lang talaga nag kaalaman! HAHAHAHA!!! Pagmasdan niyo at ikumpara si Cool Dude na natural sa Cool Dude na nasa Twoylight... See?

Congrats kay Cool Dude! Uulit-ulitin ko ang pelikula mo!

MERRY CHRISTMAS EVERYONE!!! See you on December 27!!!

Monday, December 15, 2008

History

Wala lang. Wala akong magawa eh. Kaya nagtitingin ako ng mga pektyur. Share ko lang. 


Share naman kayo. Your turn. :D

Friday, December 5, 2008

Happy Birthday Alex Oasis!

Isang sobrang gabing maulan, nagtipon-tipon ang tatlong ugok. Hindi ko na babanggitin kung sino sila. Basta't nagsama-sama sila at nagkasayahan. Maya-maya'y nagkaayaan na kumain sa labas. At dahil sa ganung oras eh mami at Tiya Bita na lang ang bukas, nagtuloy sila sa Legazpi at naisipang sa mamihan na lang tumuloy.

And lo and behold! Mga dating kaopisina ang tumambad sa kanila. At dahil dun, nalibre sila ng napakasarap na mami courtesy of Alex Oasis! Yahoo! Kinantahan siya ng napakapopular na birthday song na...
Tentenententen... Happy, happy birthday. Sa'yo ang uh-uh-uhm. Sa'yo ang uh-uh-uhm. Happy, happy birthday. Sana'y ma-uh-uh-uhm mo kami! Happy birthday Alex! :)

At dahil diyan, eto ang pagbati ng Secret Ingredients sa kanya...

HAPPY BIRTHDAY ALEX OASIS!


Alam ko corny itong post na ito dahil ako ang nagsulat. Pero care na. Haha.

Thursday, December 4, 2008

REUNION Update

So far, from a faraway land, as far as the eye can see, medyo padami na ng padami ang nag confirm na sasama sa REUNION XMAS Party. Sana mag apila na rin yung iba para ma finalize na lahat. Thanks!

Heto ang mga natatanging nilalang na nagkumpirma na para sa darating na reunion (kasama ang kanilang "pledge of loyalty" according kay Mr. Festival):

1. Pauline Rose Galias - Jesikka Kalaka
2. Cecil
3. Wattsy
4. Mayan
5. Dennis the Baker - 2 cases of ice cold BEER!
6. A.Con (Almonte, Con)
7. Mrs. Lyn
8. Mr. Festival - prijidir keyk
9. Talie aka POKNAT
10. Yhen
11. John Oloks
12. Lion King Boy Kupsit
13. Miss FAITHful
14. Haring Tsinelas
15. KKRRRR
16. Angelo d Suki - Bicol Express
17. Raziella d Hot Momma - 1 case of ice cold BEER!
18. Bug Marley

We were thinking na much better kung outing ang drama, like sa resort...Carmela's (hihi), Manhattan...etc. Yung medyo accessible sa gabos. And the tentantive date is on the 27th of December? Ok ba ang date? Bale Saturday 'to...We can start at around 5 in the afternoon and up to sawa. Parang bottomless iced tea! If you have any comments, violent reactions or himumutok ng dibdib, feel free to share it with us.

And we're now open sa mga pledge of loyalties nindo... Dalhin kung anung kaya nyong dalhin, at least may simpleng bagay tayong mai share kahit papano sa party right? Christmas is all about sharing diba?! NAKS! Kahit anu... like rice, roasted chicken, softdrinks, Matador, beer, chips, boy bawang (su sa plastic 50 pieces), tenderloin tips, tinapa, lechon, pusit, alimango, landagon na yellow fin, Videoke machine (:D), adobo, gulay na antak, mariguzu, pakbet, chopseuy, Baileys, litro pack na iced tea, pitsel, shot glass, spoon and fork, ice (dakul), de lata, batag, arangita, sugpo, pansit, bihon, spaghetti, longganisa (care of RJ) and last but not the least, bring yourself...at ang inyong pagmamahal! NAKS!

Anyway, update ko na lang kung sino pa mag cconfirm para sa reunion....

See yah!

Tuesday, December 2, 2008

BATCHOY...

I was reading several of JK's write-ups at Atomicgirl.net when this post instantly drew sadness on my face. It was about this woman, a really nice woman who never failed to make our yummy batchoy as delectable as ever, served with a warm smile and accomodation. Yes, our group was very much welcome to their place, the RCT. And this woman, "Tiya", never failed to greet us with a smiling face. We often visit the place at around 5 in the afternoon, and leave after 3 hours or more, until we can decide where to enjoy our Matador nights. You can always spot Tiya walking around the compound, or computing bills and serving food to other customers.

I've been thinking about those happy afternoons when we were still working together, or even those disappointing jobless days. Anyhow, we never felt so good, jolly and satisfied during those times when we were like sharing funny or corny stories (courtesy of JK), laughing like crazy or just plain hanging out with the gang waiting for our smokin' hot batchoys to be served on our small table with a huge umbrella...it was like a garden resto set-up, which is cool. The mosquitoes were there too, and I guess they were enjoying as well. But we got used of their stinging bites as months passed by.

I was informed by JK and Jho d' Sexy about the sad news one sunny afternoon. And I was like, "What?!" I was instantly saddened and felt so weak. Tiya was sick... And her stay here on earth will soon be over. Days have passed and Tiya's time... finally arrived. We all prayed for her soul to find eternal peace and happiness. And we are very sure that she's in good hands wherever she is right now...with God of course.

Friday, November 28, 2008

ISTORYA FESTIVAL

Thanksgiving pa rin sa Isteyts at sa kasalukuyan ay wala pa rin akong task. Ang saya-saya! Thank you! Wala akong ginawa kundi tumambay sa poolside, uminom ng 3-in-1 coffee and smokes. Parang buhay-pensyonado ang drama. At habang nakatunganga ako dito sa harap ng aking kompyuter, naisipan kong gumuhit ng mga obra gamit ang programang Paint. Ginuhit ko ang aking mga kaoipisna para mag pa impress!HAHAHA! Sabi nila noon nung na-diskober pa lang nila na artist si Angelo D. Suki, "Wow! Ang galing naman ng mga taga Legazpi, alam mo napaka talented mo... ba't 'di ka nag apply as cartoonist!" Sabi ko, "Meron ba nun dito?" Meron pala talaga...kaso nga lang Hentai! Whoah...sabi ko huwag na lang at hindi ko ginagamit ang aking gift sa ka-imoralan! HAHA! Alam mo namn tayo, "holesum!" Heto ang aking mga nagawang caricatures:

PAALALA: Ang mga nasa larawan ay sadyang mga cartoon character talaga ang mga itsura!LOL






Yun lang, share ko lang naman.....

***************************************************

Noong nakarang linggo, naalala ko nung bumili ako ng grilled pusit at BBQ sa isang tindahan sa QC. May dumating na isang ale kasama ang kanyang anak na babae. Maganda ito, at balak ding bumili ng mga inihaw. Katabi ko sila habang hinihintay kong maihaw ang inorder ko. Nagtanong ang ale sa mamang nag tutuhog ng karne, "Sir, anu po ito?" sabay turo sa isang trey. Sumagot si kuya, "Ah yan po? Chicken ass ho yan!" Napatawa ako ng sumagot ang ale, "Aay! Ang laswa naman." Sabay tanong sa kanyang anak na girl na aking naka eye-to-eye contact habang nakangiti, "Diba yan ang paborito ng kuya mo?" Sumagot ang babae, "oo ata."

"Sige po, kukuha ako ng lima...alin ba dito yung malaman?" sabi ng ale.

Ayos! Nang iabot na ng mama ang aking inorder na pusit at BBQ, ako'y naglakad na patungo ng sasakyan. Shots nanaman as usual!:D

**************************************************************

Sa nag daang linggo, sa apartment, panay ang praktis nila Arachi, Juliet and Nikki kasama ang iba pa nilang mga ka department sa YUES OTOFARTS! Bu@#$*!@! hahahaha! Bitter pa rin sa tarantadong kumpanyang yan! Anyway, nag papraktis sila ng sayaw para sa Danz Showdown sa kanilang X'mas party. P30,000 ang cash prize kung sino man ang mananalo. Si Mr. Festival naman ay hindi naki join sa kanyang department para sa competition. Naalala ko tuloy nung busy rin tayong nag papraktis after work or during weekends para sa Sports Fest and yung sa xmas party. Wow... those were the days. Naalala ko tuloy nung nagpapractice kami ng Carol of the Bells at hindi namin makuha-kuha ang tamang blending. HAHAHA. The best nga pala talaga yung presentation ng kuntent spearheaded by the one and only John Oloks! Yung may bluelight at white gloves... Napag usapan kase namin yun ni Luis, kaibigan namin ni OLoks nung Sunday. Enjoy na enjoy tayo nung xmas party diba..haaay. Pero unfortunately 'di umatend si JK! HAHAHA. JK the KJ! Pinagpalit ang party para sa mga ____!HAHAHAHA! at si Haring T dahil sa kanyang karamdaman sa bituka.

Eto ang mga naalala kong mga natatanging costumes na talaga namang panalo:

Badong - Final Fantasy? Cloud tama?
Mr. Suave (Jhong) - Jack Sparrow
Yonabelles - Ice Queen
Arachi - Papanikula
OLoks - Will Turner?(basta si Pareng Orlando Bloom)
FB - Spiderman kuno! HAHAHA! (Dapat si Bagwis eh tsk)
Mga Fairies - Talie, Razhiella, etc
Mga Princess - Mitch, Glenda...basta marami princess..
Jam - Sailormoon...:)
Homar - Knight in a shining armor from a long time ago...(courtesy of metallic papers)
Chief Carol - demonyita
Cecille - the pregnant Angel
Dennis d' Baker & Jirl - Pharoah and queen of E-jeep
Mr. Festival - Logan or Wolverine
Bug Marley - unidentified object hahaha
Si Otobot - Transformers! HAHAHAHAHHAHAHAHAHA! Walang ka effort effort!
Nikki - posessed doll
Juliet - dwarf...cuton man
Mech - Kung Fu panda

Sino pa ba? Lahat naman kase magaganda...;)

Ay yung God of Fire na sizzling hot...sino yun? ahum!

**********************************************************

Wow... Di nyo ba ito namimiss mga kapatid?? Alam kong namimiss niyo na ang mga pagmumukha namin, mga taga Barrio Maepep at iba pa! Wait, alam nyo ba kung nasaan si Chicken Dance Master? Wala na ako balita eh...

************************************************************

REUNION

Eto nag gagawin natin ok...mag dangog mga aki....para ma determine kung pira majoin sa reunion (kase kaipuhan maaraman kung pira maiba para makapg decide kung sain ang venue. Ta kung diit man sana, sa house na lang kita!HAHA. Joke..) mag comment po kamo with your name of course and isurat kung willing kamong mag attend. Pls. indicate kung when kamo available between Dec. 26-30, 2008. Ok? Pls. cooperate...Let's make this happen! Kaya mag comment na kung majoin ok?! Let's do thhhiiizzz! See yah!

P.S: 6am na.... urulian na kami..wla lang...wara pang laog sa lunes.Yahoo!

Thursday, November 27, 2008

Pang Ali sa Alamag 2

ZUP?

Hello guys! How are you doin'? Naks! English yun ah...sunggo! Malapit na ang X'mas break, ako'y hindi na makapaghintay sa aking nalalapit na pag uwi sa aking home sweet home. Kanina ay natanggap ko ang email galing sa aming COO...hindi ko alam kung ano yun. Anyway, wala akong task today so I decided to write something here sa home sweethome blog natin. Thanksgiving day sa Isteyts, dito walang ganyan...bakit kaya? Hmmmm, sabi kase ni mommy, dapat araw-araw daw tayo mag bigay pasasalamat sa maykapal para sa lahat ng blessings at pang-kabuhayan showcase na natamo natin ngayong taon at sa mga nagdaang dekada. whooo! Tama naman si mama, kaya sabay-sabay tayong mag THANK YOU kay God! Wow, pink!

Anyway, mahaba-haba ang bakasyon ko, sabi dun sa email, starting December 24 wala na kaming pasok, hanggang New Year na yun. Ibig sabihin matagal-tagal din akong mamalagi sa aming tahanan sa Binitayan! Ay wait, parang duda ako dun sa sinabi ko, I'm sure lagi akong nasa labas nyan with the gang of course. Pero siyempre family comes first...Tambay muna sa house, then lakwatsa na sa gabi. Habang ginagawa ko itong blog ay naka smile ako. Baket? Kase naman, makikita ko na sina mama, papa, kuya, ate, ditse, mga pamangkin, kapitbahay....and of course... KAYO! Sana nga matuloy REUNION natin. Anu kaya kung inaasikaso na ito ni kumareng YONA? Sabi ng tropa, nabawasan na daw ang drinking sessions nila nung ako'y umalis ng ka-Bikolan...B.I. daw kase ako sabi ni FB, JK atbp! na inaamin ko rin! Pero duda ako sa mga taong 'to kase balita ko, ganon pa rin sila, mga talamak sa ALAK! Tsk tsk...lalu na nung nabasa ko yung post ni JK DITO at yung post naman ni Oloks DOON! Pakibasa ng comments 'dun kay Jesika Kalaka at medyo may mapupulot tayong konting kakikiligan! Whoohoo! Ang isang tao kase diyan ayaw pang aminin na may H.D. siya dito kay Anek!

Gusto ko nga palang i-congratulate si Shammy dahil 3 months na sila ng BF nya! Yahoo! Si Bug Marley naman ay nag-isolate ng sarili sa Gubat Sorsogon. Irerehab daw nya sarili nya kase gusto na nyang tumaba. Congrats din kay Jho d' Sexy dahil nakapasok na siya sa SUNCELL, and kay Zarah din. Naks, 24/7 call & text! Sino pa ba? Ooohhh... kay FB pala, ang HB ng tropa. Tsk tsk...what have you done pare? May sinend pala sakin si TSOKO correspondent 'Bug' na mga classic pix, na hindi na publish noon. heto sila....
X X X X X X X X


Waw! Alimango!!! Yan yung time na gumimik itong sina JK, Miss Lyn, Dennis the Baker, Bug Marley atbp sa nayon at hometown ni Yonabelles. Naalala ko, nag text si JK at nag papainggit! Dami daw Seafoods, at paborito ko 'to unfortunately. Pero ok lang. Anyway, sa larawang ito, mapapansin natin na sarap na sarap sila kay Mr. Crab & friends... sa sobrang sarap yata eh nag karoon ng mild stroke itong si JK! Tsk tsk, highblood na kase, humirit pa ng isa! Yan tuloy...Woah! Scary part 2!HAHAHAHAHA!


John Oloks.... Wala pa ring kupas itong kaibigan kong 'to! This was during the Sportfest last year... At nag champion ang Blackies!!! Remember? Sisay ang maurag??! Hooo!hooo!hooo!hooo! Tapos sasagot ang Tough Team Wears Pink ng "Get Get AAAwww!" ...at susundan ng Blackies, "US wholes!!!!" Whoooo! The best yun diba? Enjoy tayo nun, lalu na yung game na may talong at kamatis. Waw, nag enjoy ako nun kasama si LALA! LOL!!!!! oops, and who sealed the victory for the Blackies?? uhum...the swimming champ, ala Michael Phelps!:D


Jer, I'm sorry bro... Ideya 'to ni Bug Marley! Moving on... Eto yung nag outing kami sa Rizal Beach sa Sorsogon. Natatandaan ko, enjoy na enjoy kami dito. Marami foods..nalasing si Mr. Suave at hinahanap yung adobo! Dito ko rin una nakilala ng husto ang mga taong ngayon ay malapit na sa aking puso...super NAKS!!!

last...














This was after our Xmas party sa Pepperland! Nag after party kami sa Chik'n... Marami kaming nag jam...and guess what?? May special appearance ang Pout Celebrity na si Miss Angelina Jolly! At siyempre, 'di na rin namin napigilan ni Oloks na makipag sabayan sa Pouting Goddess!!!! AAWw! (TRIVIA: Angelina Jolly's lips weighs 5 kilos... each!)LOL!!!

Psst... Kita-kits sa Xmas break!!!! Miss You All!

Wednesday, November 12, 2008

WARA LANG...Just A Post! Pang Ali sa Alamag!

I'M BACK!!!

Nem, anu na? May reunion palan! Si Kalaka nanaman ang may pakana ng mga planong ito... good idea though! Sh@$! I miss you all! Saru-saruon ko (spontaenous typing ini)... Si Cool Dude para sa kanyang never-fading coolness, Oloks; pare ko syndrome, Bug Marley and his dredz, JK and her kakornihan, Manay Razh at mga adventures natin sa oAzyz, FB Nacho and his super dooper kagwapuhan, si Jho at ang kanyang Daraguenyang diction, si Yona with her killer pout, si Emil pag wasted, Koopsit and the BK products of course, si Mr. Broon pag buyong, Sally.........whew!that Gurl, si Tander (hain ka na?), su mga hot mommas namely Wendz (BBgurl#1), Mina (NAKS), Wattsy, mga Good Girls na sina Ruth and su sarong kaiba nya. Ma birthday na palan si Miss Marlboro Green sa Friday, mapa inom siya samo sa apartment sa Sabado! Greet nyo na lang sya. Sisay pa ang dai ko na-mention? Kay Badong, Alex Oasis and sa gabus na Hot Pappas, si Blu palan kumusta na? Yududoooy! HAHAHA! Shet malilingawan ko si Kung-Fu Panda Mech!!! May reunion man daw su pag duman sa Jovellar...Oh my god, POKNAT!!! Talie and her pink everything! Kay Sharm na nag papara gayun na sana. Kina Aileen and company.. Wait.....kay Jamilla :D, kung nasaan ka man, here na me! Ces, ka chat ko pag banggi...sisay pa, si Mr. Suave!!! Puwede ko bang ibaling sa iba, Jhong? Tol, full tank ha, nag promise ka! Thanks Caltext. Give me a K, give me an R..what do we have? KKRR!! KR musta? Si Maricon aka A.Kon palan ang balita ko pirmi daa may hangover! Tsk tsk! and sa gabus na dai ko namention paxenxa na. Su mga yaun man dgd sa Manila dai ko na isabay ta nag kahiriling ko naman mga pandok kaini.

Si ART MATABAON NA AS IN!!! Pati si Jeremy!
Anyway, going back to the reunion, sisay ma shoulder kang expenses?? Salamat PEACH!!! Iyo an ang makwartahon ta grabe sideline..Sangkatutak ang kliyente, (dai mag utik nag sabi ka samo..)

Miss ko naman palan ang BATCHOY!!!! chili sauce na lintian na harang! WhhoooH!!
Sain daw magaganap ining reunion? Manhattan? Pasain na ining tg ttype ko...Oh wait, ishare ko man mga pics ko digdi sa bago kong company..hehe.. wait, upload ko lang......

uni na oh...

puro kami mga bakla digdi!HAHAHA


gabus sinda mga video editor. and guess what kung anu account ninda?! PORN PORN PORN!!! Ang naka white ang supervisor ninda...mahilig sa airsoft, Bug Marley and Kupsit, pamidbid ko kamo.

Ang aming pantry....

The famous Echo/Jomari pose!

part pa ng pantry sa luwas...3 days pa lang ako kaini digd pero feel @ home na ang drama! hihi...pwede ka mag swim kung gusto mo ma pasma!

Yan man sana..hahaha. wara lang, share ko lang. Balik naman kita sa Reunion.....Ang share ko 3 kilos of Bicol Express! Aus na yan? Dapat may kanya-kanyang dara! and kung sisay gusto mag sponsor kang alak tapos videoke, much better! Si peach na ata ang ma sagot kaini.

Iyo man sana..

At least may post na na medyo may diit na kamugtakan!:D

Ingat kamo gabus...

Abangan ang pag babalik ng Panday!

Soon.....

*
Bye!
Ingat!
God Bless!
Mwahuggs!
HAHAHAHA!
Pitog0 the Best JAm
Balik kita sa Paguriran
tc!
tc!
14344!

MERRY CHRISTMAS IN ADVANCE!!!

PS: su mga nag iiriwal, mag bati na ngaya!yehey!

Para Naman Kay...

Mina! Happy birthday!
Balita ko ika ang maluto sa pagkaon sa MBS Tek / USAP reunion?


Sobrang late na. Pero it's the tot dat counts. Anyway, magtagapost man tabi an iba diyan ta iaralamag na ining blog ta. :)

Saturday, November 8, 2008

Tantanantantan!

Happy birthday Mommy Lyn!

Miss you na... Kumusta naman ang La Mesa Ecopark birthday party natin diyan? :)

Monday, November 3, 2008

Namimiss Niyo Na Ba Ang Mga Mukhang Ito?

retrenched US Auto Parts employees

Kung namimiss niyo na sila at ang iba pang wala sa larawan na yan, aba'y magplano na tayo ng reunion. Sabi nga ni Yonabelles, sa December daw ito gaganapin. Wala pang petsa. Wala pang lugar. Basta gusto nila ng reunion. Kaya ngayon, magsimula na tayong magplano. Leave a comment. Wala pa akong panahon maglagay ng survey. :p

Thursday, September 25, 2008

Sa Anak Ko, Kung Sakaling Mawala Ako Bigla At Hindi Ko Masabi Sa Iyo To

*galing sa peyups*

Anak, sa maniwala ka o sa hindi, ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko.

Kahit hindi kami naging mag-asawa ng nanay mo, sana huwag kang magtatampo kung ikasal kami sa iba at magkaroon ka ng mga bagong kapatid. Magmahalan kayo bilang magkakapatid, at huwag ninyong gawing telenobela ang buhay ninyo dahil sa walang kakwenta-kwentang bagay.

Mahalin mo ang nanay mo. Wala siyang ibang inisip kundi kapakanan mo. Kung paluin ka man niya o sigawan, ito ay dahil may nagawa kang hindi sang-ayon sa mga prinsipyo niya. Itanong mo kung bakit ka niya pinapagalitan. Kung mali naman talaga, huwag mo nang ulitin.

Piliin mong mabuti ang mga kaibigan mo. Huwag sumali sa barkada na may iisang stereotype. Huwag sumali sa barkada na puro jologs, puro conio, puro bakla, puro nerd, puro manginginom, o puro manyak. Siguraduhin mong nakikita mo ang lahat ng klase ng tao sa barkada mo. Mas marami kang matututunan sa kanila kesa sa TV o sa bahay mo. Marami silang maituturo sa yo na hindi namin kaya, o hindi appropriate na kami ang magturo.

Maging fluent ka sa written and spoken English. Pag-aralan mong mabuti ang subject-verb agreement. Huwag kang matakot mag-consult sa dictionary o thesaurus kapag may hindi ka naiintindihan. Kasi anak, darating ang araw, makakaapak ka sa ibang bansa, at sigurado akong marami kang makakausap na hindi makakaintindi ng Tagalog. Kahit saang sulok sa mundo, makakahanap ka ng nagsasalita ng English.

Gawin mo ang lahat para matuto kang mag-gitara. Pag-aralan mo ding kumanta ng nasa tono. Kahit saan mo kasi dalhin ang gitara, maaaliw ka e. Isipin mo yung mga bulag. Hindi sila nakakapag-Playstation. Hindi sila nakakapag-Internet. Hindi sila nanonood ng TV, at hindi sila nakakapag-enjoy sa mall. Pero bigyan mo sila ng gitara at pakantahin mo, matutuwa sila. May kuryente man o wala, mapapasaya ka ng gitara.

Makinig ka sa mga kanta ng Beatles. Kapag naging aware ka na sa pag-develop ng musical style ng Beatles, kahit anong genre kaya mong i-appreciate. Sa kanila ka matututong magsulat ng poetry, at sa kanila mo rin matututunan kung paano lagyan ng music ang poetry na ito. Saan ka nakakita ng banda na lampas 30 years nang naghiwalay, patay na ang ilan sa mga miyembro, pero sikat at ginagaya pa rin? Beatles lang ang makakagawa nun, anak.

Pagdating mo ng college, huwag mong kakalimutang subukan lahat ng kalokohan sa mundo. Bakit college? Kasi kung high school ka magiging sira ulo, mawawalan ka ng options sa college. Baka sa walang kwentang money-centric computer institute ka bumagsak. Mag-aral ka ng mabuti sa elementary at high school. Dapat makapasok ka sa UP, Ateneo, La Salle, o UST. Dapat maganda yung course mo. Sa college, balansehin mo yung academics mo tsaka kalokohan. Gumimik ka pero pasukan mo lahat ng klase mo kinbukasan. Huwag magpakalasing kung wala kang siguradong uuwian at kung walang aalalay sa yo pag sumusuka ka na. Wag maadik sa droga. Sumubok kang mag-marijuana pero subok lang. Kung dadating yung panahong hindi mo na mapigilang makipag-sex, siguraduhin mo lang na gaganda ang lahi natin kung sakaling mabuntis mo yung makaka-sex mo. Practice safe sex. Wag mong kakalimutang mag-survey ng lugar kung may camera o wala. Kawawa naman ang nanay mo kung malalaman niyang may scandal ka.

Huwag mong gawing trial and error ang pagkakaroon ng girlfriend. Alamin mo muna kung ano ang kaya mong ibigay sa isang relationship, at kapag nalaman mo na, doon ka maghanap ng isang babaeng magiging masaya sa mga maibibigay mo. Pakinggan mong mabuti ang mga kuwento ng girlfriend mo. Alamin mo kung ano ang mga gusto niya at mga ayaw niya. Huwag mong sisigawan. Dahil ang babae, kapag pinakinggan mo siya at alam niyang nirerespeto mo siya, mamahalin ka nun habambuhay.

Pagka-graduate mo, iwanan mo na ang mga araw na umaasa ka pa sa ibang tao para mabuhay. Matuto kang mag-ipon. Alamin mo kung tama yung kinakaltas sa sweldo mo. Pinaghirapan mo yang pera na yan. Huwag mong hayaang kunin na lang ng kung sinu-sino. Bago ka gumastos, lagi mong itanong sa sarili mo kung ang bibilhin mo ay isang NEED o isa lamang WANT.

Sana maging accountable sa lahat ng ginagawa mo. Oo, hindi maganda ang sitwasyon nung dumating ka sa mundo. Pero sana sa paglaki mo, huwag mong sisisihin ang mga pangyayaring ito kaya ka nagrerebelde o nalulugar sa masamang landas. Ang buhay mo ngayon ay dahil sa desisyon namin na mabuhay ka. Pero tandaan mo to: lahat ng mangyayari sa buhay mo e dahil sa mga desisyon mo.

Anak, marami pa akong gustong sabihin sa iyo. Buti na lang naitanong ko sa isang kaibigan ko kung ano ang kaisa-isang advice na maibibigay niya sa anak nya, at eto yung nasabi niya sa kin. Sa lahat ng maibibigay kong advice, eto ang pinakamahalaga:

LEARN.

Huwag kang matakot matuto. Matuto ka sa Discovery at National Geographic channels. Matuto ka sa library. Matuto ka sa Internet. Matuto ka sa news. Matuto ka sa Bible, Koran, at teachings ni Buddha.

Matuto ka sa mga pagkakamali namin ng nanay mo. Matuto ka sa mga kaibigan mo.

Matuto ka sa mga pagkakamali mo.

Saturday, September 13, 2008

SCARY...

Guys, medyo boring posts namin lately, courtesy of the corny queen herself, JK!!! HAHAHA! Joke lang. ''GOBIL" lang yan amiga!

Anyway, ang inyong matutunghayang video ay isa lamang sa mga nakalap na paranormal activities dito sa mundong ibabaw. Habang wala tayong magawa sa buhay, mag enjoy muna tayo sa panonood ng natatanging eksenang ito na ubod ng kanguraspakan!HAHAHAHA!!!

WARNING: Not for the faint-hearted... Ihanda ang inyong sarili sa isang nakakakilabot na engkwentro!..........

z
z
z
z
z
z
z
z
z
z
z
zz
z
z

z
z

Thursday, September 11, 2008

Fiftieth Birthday?

Ano nga ba at Fiftieth Birthday ang title ng post na ito? It's like he's not so Farang Bata anymore. Or is it a Fersonal Bisyo to stay old? I know what I'm writing is fo Fucking Boring pero I don't care. I just wanna say that a Filipino Beer-drinker is having his birthday. Sino nga ba?

a. Fharlie Boma
b. Feonel Baya
c. Folops Boderos
d. Fona Bespinosa
e. Fexter Baldon
f. Falie Buenaagua
g. Farang Bangag ang nagsusulat - wala sa mga choices noh!

And so sino nga? Ang kulit anek? Siya.


GIF animations generator gifup.com

And so...

HAPPY BIRTHDAY FB!

Tuesday, September 9, 2008

Mas May Lumalandi Pa Kay Lando!

Yiz. May mas lumalandi pa sa ating malanding Lando, a.k.a. Bug Marley.


*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*



Salamat kay Green Pinoy.

Thursday, September 4, 2008

Trivia Sa Kantang 'Happy Birthday'

Wala lang. Naaliw lang kasi ako. Kasi sabi ng prof ko noon sa BroadComm, kailangan mo pa daw kumuha ng pahintulot para lang gamitin ang kantang 'Happy Birthday' sa isang pelikula, palabas, o commercial.

Eto ang nahanap kong depinisyon ng kantang ito sa Wiki:
"Happy Birthday to You," also known more simply as "Happy Birthday," is a traditional song that is sung with joy to celebrate and commemorate the anniversary of a person's birth. Per the Guinness Book of World Records, "Happy Birthday to You" is presently noted as the most well recognized song in the English language, followed by, yet just as well liked, "For He's a Jolly Good Fellow" and "Auld Lang Syne". The song's base lyrics have been translated into at least 18 languages.
Kaya yun. Wala lang. Tapos aliw na aliw pa ako sa kantang Happy Birthday ng Click Five.

Hey you
I know I'm in the wrong
Time flies
When you're having fun
You wake up
Another year is gone
You're twenty-one

I guess you wanna know
Why I'm on the phone
It's been a day or so
I know it's kind of late
But Happy Birthday

Yeah yeah whoa
I know you hate me
Yeah yeah whoa
Well I miss you, too
Yeah yeah I know
I know it's kinda late
But Happy Birthday

So hard
When you're far away
It's lame but I forgot the date
I won't make the same mistake
I'm so to blame

So now you know
Don't hang up the phone
I wish I was at home
I know it's way too late
But Happy Birthday

Yeah yeah whoa
I know you hate me
Yeah yeah whoa
Well I miss you, too
Yeah yeah I know
I know it's kinda late
But Happy Birthday

It's not that I don't care
You know I'll make it up to you
If I could, I'd be there

Yeah yeah whoa
Yeah yeah whoa

Well I miss you, too
Yeah yeah I know
I know it's kind of lame
But Happy Birthday

Yeah yeah whoa
I know you hate me
Yeah yeah whoa
Well I miss you, too
Yeah yeah I know
I know it's kind of late
But Happy Birthday
To you

Ay teka. May taong may birthday ngayon? Talaga?

Happy birthday Con!




Ang Pagdadalaga ni Lando (aka Bug Marley)

Eto si Lando. Kilala din natin siya bilang Bug Marley.
Isa siya sa mga manunulat ng Secret Ingredients. Isa din siyang taong nakadreads at mahilig sa Gudang.

Siguro dahil sa kanyang trabaho, o dahil gabi siya kumakayod, o marahil sa medyo late niya makuha ang kanyang sahod at wala na siyang makain, o dahil siya'y kadalasang natatamaan sa ErSopt, o siguro dahil katol na lang ang kanyang tinitira, isang malaking pagbabago ang naganap kani-kanina lamang. Siya'y biglang nagdalaga.

GIF animations generator gifup.com


Say niyo ngayon mga sister? :p

Ang magdelete kaini, lapa. Wahaha!

Tuesday, September 2, 2008

Pa-GET TOGETHER Echos

Umuwi si Mr. Festival kamakailan para sa fiesta sa kanilang nayon at para painumin ang mga uhaw na mga camels sa oasis na forty-eight years nang hindi nakakatikim ng serbesa...











wala lang...










Gusto ko lang naman ibahagi sa mga hindi nakadalo sa munting kasiyahan ng gabing iyon ang mga kaunting larawan na nakalap ng TSOKO...










...na forty-eight years din ang pag-upload...

Monday, September 1, 2008

Ingat Sa Mga Nilalagay Ninyo Online

Ingat po tayo sa mga nilalagay ninyong impormasyon online. Maaaring hindi niyo nga credit card number (tulad ko na walang credit card) pero ang ibang impormasyon na ayaw niyong ipangalandakan (tulad ng birthday niyo) eh wag niyo nang ipagkalat.

Kanina lamang at wala akong magawa, nagsesearch ako sa Gugul ng kung anu-ano. Siyempre, isang dokumento ang tumambad sa monitor ko. At nang aking buksan, aba! Files ng WayPek! Aba, aba, aba. At makikita mo dito ang pangalan ng mga miyembro, ang YM ID (ctc?), ang selpon number (wer u? d2 n me.), address, email, at birthday (inuman na!). Ayan. Sige. Ano masasabi niyo? Kasi ako, ayoko na ganito nakikita ang aking mga impormasyon. Kakatakot. Malay mo may bigla na lang pumunta sa bahay niyo dahil alam ang full address mo. O di ba?

Kung alam niyo keyword na ginamit ko, baka makuha niyo ang same file. Diretso download pati. O kung gusto niyo malamang kung anong impormasyon ninyo ang nasa Internet, try niyo gamitin ang pangalan ninyo o kung ano mang keyword na related sa inyo. Wala lang. Tignan niyo kung anong madiskubre ninyo.

Anyway, happy birthday sa mga September babies:
  • Badong - 08
  • FB - 11
Haha. Madulag pa kamo?

This public service announcement was brought to you by the Labor Day holiday in the US at kami'y naririto at nagtatrabaho. Waaaahhhh! :(

Tuesday, August 26, 2008

Pakinabangan Natin Ang Secret Ingredients!

At dahil lahat tayo ay naging bahagi na ng buhay natin ang Secret Ingredients, pakinabangan din natin siya ngayon. Sa lahat po ng may mga blog diyan na dating kasama sa trabaho na gusto i-add ang blog nila sa blogroll, mag-iwan na lamang po ng mensahe. Ilagay ang mga sumusunod na impormasyon:

1. Pangalan ng may-ari ng blog
2. Ang URL at ang anchor text ng blog mo.

Ilagay po ang lahat ng ito sa comments at hindi sa cbox.

Marami pong salamat. :D

By the way, bisitahin niyo din bago kong blog sa atomicgirl.net. Hehe.

Magkano ang Halaga ng Pangarap Mo?

Narinig mo na ba 'to: “Libre lang ang mangarap.”


Pag mukhang walang direksyon
ang buhay mo, sasabihin nila, “wala ka man lang kaambi-ambisyon!”

Pag andami-dami mong gustong gawin, sasabihin naman nila, “ambisyoso ka!”

Ayos ba?

May mga nagtatagumpay sa buhay, may sumisikat at nalalaos, may gumaganda ang buhay pansamantala ngunit pagkatapos ay bumabalik sa dati at kung minsan ay mas masahol pa.

Tignan mo yung kapitbahay mong nag Saudi o kaya’y pumunta sa Dubai at Italy o kaya si ate sa Hongkong. Wag na tayo lumayo…. Musta kaya ang buhay sa call center sa bandang Libis o Ortigas? O yung teller ng banko sa Makati. Ano ba ang kasalukuyang sinasalamin ng buhay nila. Kaginhawaan? Kasaganahan? O kahirapan pa din.

Marahil marami ang nangarap sa buhay. Kahit siguro yung kaibigan mong ewan, marahil ay may pangarap din ngunit libre nga ba ito? At kung libre, bakit madami pa din ang di nakakaabot sa kanilang mga pangarap. Kasya ba ang take home pay mo? Musta ang credit card mo? Max up na yung pangatlo?!

Palagay ko hindi libre ang mangarap. Tulad na lang ng kalayaan, subukan mong isalin sa ingles ang salitang ito – freedom. Libre nga ba ito? Kung libre ito, bakit may Ninoy, bakit may Evelio Javier, at madami pang nagbubuwis ng buhay? Tsk tsk. Nakakatuwa ang paggamit ng ating mga salita.

May kakilala akong nag-Saudi. Nakapag pundar ng bahay, umabot sa mahigit isang milyon ang nahawakang pera. Tuloy tuloy na sana pero nalulong sa droga, nawala lahat ang kabuhayan. Nangarap ba siya? Marahil. Pero somewhere along the way, nawala ang focus niya.

Tapos si Manong Ed, istokwa, bata pa tumira na sa palengke. Sabi sa kanila, “black sheep” ng pamilya. Di na inintindi ng magulang. Ang batang palaboy-laboy sa palengke ng Surigao, kamuntik naging sundalo, kamuntik din nakatapos ng engineering at nag-mekaniko. Nasaan na siya ngayon? Nag-abroad na, tangay ang limang kaibigan at kapamilya. Saan kaya niya hinugot ang kanyang lakas upang makaalis sa palengkeng naging kanlungan niya habang siya ay nag-iisa?

Listen, yung nanay ng friend ko at age 44, nag-nursing. San na siya ngayon? Nag to-tour na. She has all the money to do just that. Ano! matanda ka na? Eto isa pa. Yung lola ng friend ko, nag retire at age 65. Bumalik sa skul, kumuha ng Law. Sabi ng mga apo at anak, “Matanda na kayo. Pahinga na lang kayo sa bahay.” Sagot niya, “Ubingak pay! (bata pa ako).” Nakinig ba siya? Hindi! Ayun pumasa sa bar, lawyer na ang lola! Whew!

Ano, hihirit ka pa?

Minsan sa isang seminar, lumapit sa akin ang isang clerk, may konting luha at lungkot sa kanyang mga mata. Sabi niya, “Labing pitong taon na akong clerk, wala pang nangyari sa buhay ko!” Ako ay namangha at nabagabag. Anlalim nun ah! I got scared. Sabi ko, “Anong ginawa mo? Madami namang seminar na pwedeng puntahan, libro na puedeng basahin o kaya panibagong skills na pwedeng pag-aralan.” Ang kanyang tugon ay nakakalungkot. Sabi niya, “Busy ako sa work eh!” She was practically imprisoned sa lamesa niya for 17 years! Kaya ang mas malalim na tanong, “Are we busy with the right things? Does it make us grow? Does it make us a better person? May mas magandang pupuntahan ba ang ginagawa natin sa susunod na mga taon?”

Ang karayom, pag tinusok sa'yo ay masakit. Mararamdaman mo ito. Kaya ang karayom itinali ko sa isang steel rod at itinusok sa dibdib niya, at sinabing, “Tignan mo yang isang officemate mo. Dati clerk din siya, ngayon Systems Administrator na. Pareho kayo ng simula diba?”

The desire to dream starts from the heart, it is a daily decision to be where you want to be. It is owning it. ‘Tol, wag ka umasa sa mana mo o kaya sa gobyerno o sa Boss mo. At the end of the day, commodity ka lang. Ang buhay kasi is buy and sell kaya dapat alamin mo ang tunay mong halaga baka na syo-shortchange ka! Bilhin ka ng boss mo sa halagang Php10,000 tapos ibebenta ka sa halagang Php100,000. Yan ang harap harapang prostitusyon!

Ask yourself. Masaya ka ba where you are? Ok ka na ba diyan? kumusta lineage ng pamilya mo? Is that what you want to see in your generation? Sabi ng isang guard sa akin noon. Junie, security guard na lolo ko. Security guard din tatay ko, kaya security guard na din ako. Sabi ko, “Ayaw mong maging chief of police?” But really, kung yung nagdaang henerasyon sa pamilya mo e puno ng kakulangan, would you even dream and act to change it? O you resign to it and say, “Eto ang kapalaran ko.”

Simulan mo. Minsan masarap maging discontent. Wag mong isiping bata ka pa o matanda ka na o may kakulangan ka. Ala akong pinag-aralan eh. Mahirap lang kami. Wala kaming pera. O nagpapadala ka sa mga taong nagsasabing, “Sama-sama na lang tayo dito!” This one really scares me! O nagsasabing, “Ambisyoso ka!” ‘Tol, at the end of the day, di naman sila ang magpapakain ng pamilya mo eh. Try mong utangan sila. It’ not about lacking in resources, it is about resourcefulness.

I started losing friends when I realize may mga taong excess baggage sa buhay natin. Minsan may nakilala ako, sobrang nega. Sala sa init sala sa lamig. Laging may problemang dala. Minsang kasama ko sabi niya, “Bat di mo ako kinakausap?” Sagot ko naman, “There is nothing good to say!” Lagi akong nagtatanong, “Is this person going to make a good influence sa buhay ko?” Syempre, yan din ang lagi kong tanong sa sarili ko.

Choose your friends. An eagle can not fly if he is dressed like a turkey. And you can’t go to the same school as the duck’s school.

Tignan mo if they have grown in the past few years kasi may tinatawag na Law of Association. Are they excited about life or they see it as drudgery? Are you in survival mode or is your life accelerating? Pareho ba max up credit card niyo? Do you hear more complaints than movements? Ang bakasyon ba mas pinagpla-planuhan kaysa sa buhay? Is happy hour better than growing together? There must be what they call the next level kasi ang buhay hindi dress rehearsal. Kaya if you see yourself in the bar every weekend with your friends, you better run away from them!

Start within you. Change the way you see things. Look at your life as a new canvass. Choose the colors! Wag mo nang balikan yung nakaraan. Di mo na mababago yun. Yung ngayon at bukas, may magagawa ka pa. Dapat may internal change muna. You have to start with your character. Be a better person everyday. Lahat ng gagawin mo should have an impact hindi lang sa buhay mo kundi sa mga taong nasa paligid mo. Everyday decision yan.

Pag-align na yung character mo, pag tama yang puso mo, everything will come into focus. Mas magaan ang buhay mo. Then yung sinasabi nilang, the whole universe will collide to give you what you deserve will definitely happen. Remember, the universe respond to deserved, not need, not want.

Finally, stretch yourself and your life like a rubber band. You will never know what your potentials are until you stretch yourself hard enough it's gonna break you. Don’t let anyone live your life and drive you where they please. Like a boss with a stick and a carrot dangling at the other end. The only person who can tell you na hanggang diyan ka lang is yourself so the competition is not between you and the other person. It’s the devil inside you that doesn’t want you to grow.

Make a decision to change wherever you are. Don’t wait for someday. Someday, someday, someday. Remove that from your vocabulary and say NOW IS THE TIME TO CHANGE!

Sama sama tayong mangarap. Mahal ang mangarap pero halika, I’ll walk with you. Ano, kelan tayo magsisimula?


You already know everything you need to know about success. All you have to do is to put the remote control down, scoop that bag of chips away, get out from the couch and do something!



Guys, I was inspired by this article na na-receive ko sa email. Thought it will inspire you also so I'm sharing this with you. With most of us having our own career after our USAP Legazpi City Office days, I hope and pray that we will all be successful.. in our own right.. in His time..Ü

Maktub!

Thursday, August 14, 2008

Date?

Meron nga ba talagang nagdate na hindi namin alam? Hmmm... Sa pangangalap ng TSOKO ng mga impormasyon tungkol sa mga luma-love team sa ating dating opisina, may nakita silang isang larawan. Hmmm... Ano sa tingin niyo?

Monday, August 11, 2008

Pasig Jam

Pagkatapos ng aking interview sa isang kumpanya sa Ortigas, dali-dali akong sinundo ni Mr. Festival sa megamol. At nagpasya rin kaming makipag meet kay fat-boi slim na si Arachi the Pout Master sa Shangrila! Doon na kami kumain at pagkatapos ay dumirecho kami s akanilang apartment...

Parang reunion ang naganap. Nagkita-kita kami ni Mr. Lover boi, Tock n Roll, the Rabbit Master, Nikki, France (pfft!), Juliet etc. As usual, hindi makukumpleto ang gabi kung wala si GranMa! LOL! Eto yung naging jamming...




The Blabstreet Boys And Gays!




Arachi Took Center Srage!

THat's all for today!;) I miss Home so bad...:'(

Sunday, July 27, 2008

Secret Ingredients ETC Goes To Manila: The Adventures of Angelo D. Suki & Friends (SPECIAL EDITION)

Ang Simula ng Paglalakbay ni Angelo (uhum)

Ang head ng Sec. Ing. ETC's TSOKO team na si Angelo D. Suki ay dumayo pa ng Maynila upang kumustahin ang mga natatanging nilalang na ngayon ay nagsisimula ng kanilang panibagong buhay sa malaking syudad. Umalis ng madaling araw ang layas na si Angelo, bitbit ang kaniyang bag at kanyang killer smile... Dito nagsimula ang kanyang adventure! Ang kwento ay ilalahad ng mga kwelang images at mga videos na sobrang nakaka aliw. Check it out!

*******************************************************

MGA KAGANAPAN

Napagod kaka stroll ang tropa...naks, sosyal ang drinks ng dalawang dalaga, tsk tsk!




ooops!!! What do we have here? Uhum..Sino ba sila?Ask Jeremy a.k.a. the Lover Boi na lang!


Oh yes!!! Isa sa mga new found friend ng mga boys...Lalapit ba si Lover Boi o hindi?


Never mind! Masyadong mailap si Miss... Karen yoohoo..:D



Let's get the party started - Dennis


Naks naman! Iba ang tama ng Senadora. Tsk tsk..FYI, siya lang ang nag red horse saamin! Astig!



Clash of the Crablet and The Shrimp!



Phoebe calling her Legaspi friends!


Ang taba na ni Arachi!!!!:D


Wow! Ang cool na cool na Zen ultra-modern gadget ni Arachi ay pinag piyestahan ng mga rockers! Anu pa nga ba kundi PORNO clips!!!

The supreme Pout Master... Arachi Rey



Mr. Festival & the Pout Pioneer


Dennis & Cardz...mahaba-habang inuman!


*********************************************************************************



Bagets 3!

***********************************************************************************




Messages para sa mga Legaspi friendships!:D

**********************************************************************************




Party Time!!!!

*****************************************************************************




Ang pinaka favorite ng mga boys!!! It's Showtime!

*******************

Waw...ang saya namin diyan, as in! Alam kong memorable ito kay Dennis, Lover Boi at sa lahat ng aming nakasama sa gimik na itoi! Sana next time, kasama na yung iba..Hanggang sa muli, enjoy... at ako'y matutulog muna..bugbog sa byahe eh.. Mwah!!!

Monday, July 21, 2008

Pekeng Mariachis

Y entre tantas noticias
Y chismes de barrio
Resulta que eres tú
Siempre lo más importante

Aunque querer olvidarte
Sea mi filosofía
Te llevo pegada a mí
Como calcomanía

Cómo olvidarte
Si estás en cualquier parte
En la sonrisa del niño
En la rutina del viejo
En la canción de la radio

Cómo olvidarte
Si te llevo conmigo
Como canguro a su cría
Como el sol trae el día
Como un tatuaje

Whoah!!! Wait a minute... Do I sound different today?! Why am I speaking puro Espanyol ala mehikano? It's in the blood, I guess...and in the nose too! Para bailar la bamba Para bailar la bamba Se necesita una poca de gracia Una poca de gracia pa'mí y pa' ti Ay Arriba y arriba. Ay arriba y arriba por ti seré por ti seré por ti seré. Wow talaga!

This has something to do with our post today... the second music video of Dos Por Kwatro! Talaga naman! HAHAHA! Ang mga pekeng Mariachis na ito ay nagpasiklab ng kanilang talento hindi lang sa pagkanta kundi ang kanilang pagmaster sa lengguaheng espanyol o latin. Hindi ito fake, inuulit ko, kanila pong boses ang maririnig nyo... obvious naman sa buka ng kanilang mga bibig. Hehehe. Check this out, in other words... Adios patria adorada!LOL!

Sunday, July 20, 2008

Our First Music Video!!! HAHAHAHA!!!



Dahil sa walang mahanap na trabaho ang mga bruskong binata na sina Angelo D. Suki, FB Nacho Libre, Cool Dude at si Pedring, nag seryoso ang grupo sa larangan ng musika. Kinareer ng apat na binata ang singing at doon na discover ang kanilang mga talento.

Pumirma ng 1-year Contract ang grupo worth P12,000 each per album, na siya namang pinagkasunduan ng grupo na kilala sa pangalang... Dos Por Kwatro! Ang bandang walang instrumento!

Narito ang kanilang very first music video na prinoduce ng Soni-VMG Wreckords... Check this out!!!!:D

Friday, July 18, 2008

Ano Nga Bang Namimiss Ko?

retrenched US Auto Parts Legazpi employees

Isang buwan na ang nakakalipas nang maganap ang makasaysayang pangyayaring ito. Hay naku. (Halos) Lahat ay mawalan ng trabaho. Pero, nagkaroon pa kami ng kapal ng mukha na magsaya. Like this picture over the top. See? Happy smiling faces. Which is good. Hehe.

Pero siyempre, may mga crayola incidents din. Na hindi natin mapipigilan. Ikaw ba naman mawalan ng trabaho na biglaan at wala kang choice kundi tanggapin yun? Di ka ba naman maiyak or kahit na maluha about dun? Oh well. Sabi nga ni TSOKO Angelo D. Suki:
Isa ako sa maraming napaiyak sa nangyari. Naibuhos ko na ang aking sama ng loob kasama si Bug Marley, Poknat at iba pa. Pati ang bruskong si JK ay hindi rin napigilang mapa krayola. Nung una ko pa lang nakitang lumuha ang aming pinakamamahal na bisor na si Ziella, ay agad ng nanghina ang buong katawan ko...tsk tsk, as in nanlambot. Anyway, it's time for us to move on! And alam kong kayang-kaya natin 'to. Back to zero uli tayo, but not totally zero dahil kahit papano naman ay may budget pa rin tayo habang nagsisimula ng panibagong chapter sa ating mga buhay-buhay! Haaaaayyy... Nakaka miss na! :'(

So ano na nga ngayon ang namiss ko tungkol sa aking buhay sa opisinang yun?
  • Namimiss ko ang mga araw-araw na kulitan
  • Namimiss ko na gumising ng mga 6am
  • Namimiss ko yung bundy clock
  • Namimiss ko yung log-in sa computer. 0097 (di ko na nga tanda) ata ang login ko. Di ko na matandaan. Namimiss ko din kapag naghahang yun. Namimiss ko din pag nakakalimutan kong maglogout. Hehe.
  • Namimiss ko ang locker ko. Punung-puno ito ng basura at kung anu-ano na kailangan ko pang umuwi ng bahay nung mawalan tayo ng trabaho para kumuha ng plastic. Namimiss ko din ang mga tsismisan sa locker pa lang.
  • Namimiss ko si Chief Carol at si Ate Gie na iniinterview ko kun may mga bossing. Para at least alam ko kung safe ako lumabas na hindi rin sila napapagalitan.
  • Namimiss ko ang mga palikuran na kung saan marami na ang naganap. Haha.
  • Namimiss ko ang unlimited na supply na tubig. Although minsan, nagkakaroon ng drought. Kasi naman. Hindi agad nirerefill. Kaya ayan. Pag lunch, ubos ang tubig. Kung hindi naman, hindi malamig. Hay naku.
  • Namimiss ko pag may mga taong may masakit o kailangan ng gamot, hahanapin ako kasi may dalang akong 'drug store'. Kasi naman, kahit Mefenamic o Biogesic, wala sa opisina. Ang saya.
  • Namimiss kong manalamin sa mga cubicles. Hehe.
  • Namimiss ko ang pila tuwing maglalogout. Tapos kapag sobrang bagal, tsismis to the max yan. O kaya maggagaguhan na may feeding program o kaya offline ang bangko at hindi makapagwithdraw.
  • Namimiss ko ang pagpila na ng time card ko ng maaga kasama sila Phoebe at Mister Suave at Alex. Hehe. Pero nang malaunan, di na ako naglalogout kapag lunch. Bakit ba?
  • Namimiss ko ang mga bigla na lang magwaYM sa'yo dahil lang walang magawa.
  • Namimiss ko ang magtrabaho na may katabing makukulit.
  • Namimiss ko ang mga lung exercises namin ni Mek na tipong magkatinginan lang kami ay tatawa na kami. Tapos pag sobra nang maingay, aalis na yan si Mek at lilipat ng station. Pero pagkaalis niyan, magwaYM naman at mangungumusta.
  • Namimiss ko ang yosi break na kung saan marami na rin ang tumambay, nakitambay at nabugang usok kahit na may no smoking sign na nakapaskil. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin malaman kun san na napunta yung no smoking sign na yun.
  • Namimiss ko ang makipagchat with a straight face kahit na tawang-tawa ka na. Dahil ayaw mong manggulo ng mga katabi mo o dahil pinag-uusapan niyo ang kung sino man sa mga katabi niyo. *peace peeps*
  • Namimiss ko ang paggreet ko ng 'Good morning' sa kung sino man na makita ko pag dating ko sa opisina.
  • Namimiss ko yung bench sa labas. Gandang tambayan yun. At minsan pa eh sa sahig na rin ako nauupo. Mas masaya dun.
  • Namimiss ko ang mga automatic concerts na nagaganap tuwing magkakasama. May blending pa yan c/o Angelo D. Suki. O kaya ang umagang-umaga pa lang na pagbirit kasama si FB Nacho Libre ng mga Aegis na kanta.
  • Namimiss ko ang mga kakaibang files na nisesend sa'kin. Like midi files. Mga pinagtripan na picture gamit lamang ang paint. Mga kantang sobrang asteeg like Tiny Bubbles. Ang mga ganun. Pag mga report, di na ako masyado natutuwa diyan.
  • Namimiss ko ang lunch break. Ang pag-iigib ni Boy Kupsit ng tubig hindi galing sa dispenser kundi galing sa baso ng ibang tao. Sosyal.
  • Namimiss ko ang ingay sa pantry tuwing nagtatrabaho ako.
  • Namimiss ko maglaro sa king.com. Tapos naiinis pa sa'kin mga katabi ko dahil gusto na rin nilang gumaya.
  • Namimiss ko makipagtsismisan sa mga people.
  • Namimiss ko makitang tulog ang aking seatmates to the right.
  • In fernez, namimiss ko ang mga keywords minsan. Yung listahan lang. Hindi yung content.
  • Namimiss ko ang pagtambay sa opisina hanggang kung anong oras ng gabi dahil hindi makapag isip kung saan gigimik.
  • Namimiss ko ang videoke nights. Namimiss ko ang mga impromptu dances nila Mister Suave, Haring T, at Yonabelles. Namimiss ko tuloy ang Green Palm - ang isa sa mga places to be.
  • Namimiss ko ang mga reklamong naririnig ko dahil sa suweldo. Haha. Namimiss ko ang paghihintay sa pagdating ng suweldo.
  • Namimiss kong marinig ang ingay sa pantry. Namimiss ko nga ang pantry. Papasok ako ng 8am. Magbibreakfast hanggang 9am. 9am, yosi break. Tapos ang lunch break, simula 11am hanggang 1pm. Ganun katagal. Tapos break ulit na mga 2pm or 3pm. Sosyal.
  • Namimiss ko ang mga confe.
  • Namimiss ko kayong lahat! Sobra.
Hay... Tama na. Sobrang dami na. Tsaka medyo seryoso itong post na ito. Di ko alam kung bakit. Siguro nagrereminish (according to CoolDude) lang ako.

Kayo? Ano namimiss niyo?