Isang buwan na ang nakakalipas nang maganap ang makasaysayang pangyayaring ito. Hay naku. (Halos) Lahat ay mawalan ng trabaho. Pero, nagkaroon pa kami ng kapal ng mukha na magsaya. Like this picture over the top. See? Happy smiling faces. Which is good. Hehe.
Pero siyempre, may mga crayola incidents din. Na hindi natin mapipigilan. Ikaw ba naman mawalan ng trabaho na biglaan at wala kang choice kundi tanggapin yun? Di ka ba naman maiyak or kahit na maluha about dun? Oh well. Sabi nga ni TSOKO Angelo D. Suki:
Isa ako sa maraming napaiyak sa nangyari. Naibuhos ko na ang aking sama ng loob kasama si Bug Marley, Poknat at iba pa. Pati ang bruskong si JK ay hindi rin napigilang mapa krayola. Nung una ko pa lang nakitang lumuha ang aming pinakamamahal na bisor na si Ziella, ay agad ng nanghina ang buong katawan ko...tsk tsk, as in nanlambot. Anyway, it's time for us to move on! And alam kong kayang-kaya natin 'to. Back to zero uli tayo, but not totally zero dahil kahit papano naman ay may budget pa rin tayo habang nagsisimula ng panibagong chapter sa ating mga buhay-buhay! Haaaaayyy... Nakaka miss na! :'(
So ano na nga ngayon ang namiss ko tungkol sa aking buhay sa opisinang yun?
- Namimiss ko ang mga araw-araw na kulitan
- Namimiss ko na gumising ng mga 6am
- Namimiss ko yung bundy clock
- Namimiss ko yung log-in sa computer. 0097 (di ko na nga tanda) ata ang login ko. Di ko na matandaan. Namimiss ko din kapag naghahang yun. Namimiss ko din pag nakakalimutan kong maglogout. Hehe.
- Namimiss ko ang locker ko. Punung-puno ito ng basura at kung anu-ano na kailangan ko pang umuwi ng bahay nung mawalan tayo ng trabaho para kumuha ng plastic. Namimiss ko din ang mga tsismisan sa locker pa lang.
- Namimiss ko si Chief Carol at si Ate Gie na iniinterview ko kun may mga bossing. Para at least alam ko kung safe ako lumabas na hindi rin sila napapagalitan.
- Namimiss ko ang mga palikuran na kung saan marami na ang naganap. Haha.
- Namimiss ko ang unlimited na supply na tubig. Although minsan, nagkakaroon ng drought. Kasi naman. Hindi agad nirerefill. Kaya ayan. Pag lunch, ubos ang tubig. Kung hindi naman, hindi malamig. Hay naku.
- Namimiss ko pag may mga taong may masakit o kailangan ng gamot, hahanapin ako kasi may dalang akong 'drug store'. Kasi naman, kahit Mefenamic o Biogesic, wala sa opisina. Ang saya.
- Namimiss kong manalamin sa mga cubicles. Hehe.
- Namimiss ko ang pila tuwing maglalogout. Tapos kapag sobrang bagal, tsismis to the max yan. O kaya maggagaguhan na may feeding program o kaya offline ang bangko at hindi makapagwithdraw.
- Namimiss ko ang pagpila na ng time card ko ng maaga kasama sila Phoebe at Mister Suave at Alex. Hehe. Pero nang malaunan, di na ako naglalogout kapag lunch. Bakit ba?
- Namimiss ko ang mga bigla na lang magwaYM sa'yo dahil lang walang magawa.
- Namimiss ko ang magtrabaho na may katabing makukulit.
- Namimiss ko ang mga lung exercises namin ni Mek na tipong magkatinginan lang kami ay tatawa na kami. Tapos pag sobra nang maingay, aalis na yan si Mek at lilipat ng station. Pero pagkaalis niyan, magwaYM naman at mangungumusta.
- Namimiss ko ang yosi break na kung saan marami na rin ang tumambay, nakitambay at nabugang usok kahit na may no smoking sign na nakapaskil. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin malaman kun san na napunta yung no smoking sign na yun.
- Namimiss ko ang makipagchat with a straight face kahit na tawang-tawa ka na. Dahil ayaw mong manggulo ng mga katabi mo o dahil pinag-uusapan niyo ang kung sino man sa mga katabi niyo. *peace peeps*
- Namimiss ko ang paggreet ko ng 'Good morning' sa kung sino man na makita ko pag dating ko sa opisina.
- Namimiss ko yung bench sa labas. Gandang tambayan yun. At minsan pa eh sa sahig na rin ako nauupo. Mas masaya dun.
- Namimiss ko ang mga automatic concerts na nagaganap tuwing magkakasama. May blending pa yan c/o Angelo D. Suki. O kaya ang umagang-umaga pa lang na pagbirit kasama si FB Nacho Libre ng mga Aegis na kanta.
- Namimiss ko ang mga kakaibang files na nisesend sa'kin. Like midi files. Mga pinagtripan na picture gamit lamang ang paint. Mga kantang sobrang asteeg like Tiny Bubbles. Ang mga ganun. Pag mga report, di na ako masyado natutuwa diyan.
- Namimiss ko ang lunch break. Ang pag-iigib ni Boy Kupsit ng tubig hindi galing sa dispenser kundi galing sa baso ng ibang tao. Sosyal.
- Namimiss ko ang ingay sa pantry tuwing nagtatrabaho ako.
- Namimiss ko maglaro sa king.com. Tapos naiinis pa sa'kin mga katabi ko dahil gusto na rin nilang gumaya.
- Namimiss ko makipagtsismisan sa mga people.
- Namimiss ko makitang tulog ang aking seatmates to the right.
- In fernez, namimiss ko ang mga keywords minsan. Yung listahan lang. Hindi yung content.
- Namimiss ko ang pagtambay sa opisina hanggang kung anong oras ng gabi dahil hindi makapag isip kung saan gigimik.
- Namimiss ko ang videoke nights. Namimiss ko ang mga impromptu dances nila Mister Suave, Haring T, at Yonabelles. Namimiss ko tuloy ang Green Palm - ang isa sa mga places to be.
- Namimiss ko ang mga reklamong naririnig ko dahil sa suweldo. Haha. Namimiss ko ang paghihintay sa pagdating ng suweldo.
- Namimiss kong marinig ang ingay sa pantry. Namimiss ko nga ang pantry. Papasok ako ng 8am. Magbibreakfast hanggang 9am. 9am, yosi break. Tapos ang lunch break, simula 11am hanggang 1pm. Ganun katagal. Tapos break ulit na mga 2pm or 3pm. Sosyal.
- Namimiss ko ang mga confe.
- Namimiss ko kayong lahat! Sobra.
Kayo? Ano namimiss niyo?
No comments:
Post a Comment