March 7, 2009 - Sabado... Sobrang init. 2 pm pa lamang ay nakatambay na kami sa MOA upang mag ikot-ikot sa mall habang naghihintay sa nalalapit na reunion concert part-2 ng Eraserheads. Ang event ay pinamagatang Eraserheads: The Final Set. Ito ang continuation ng nabitin nilang Reunion concert noong November 2008 sa The Fort dahil sa naging karamdaman ni pareng Ely. Na excite ako ng sobra ng nabalitaan kong may pangalawang concert ang banda. Hindi ko kase nasaksihan yung una, pero okay lang kase noong sabado ay hindi ko na ito pinaligtas! Naganap ang makasaysayang concert sa open grounds ng MOA. Halos dalawang daang libo (200,000) ang nakisaya at naki rakenrol sa E'heads nang gabing iyon.
Ang aking Eheads LIMITED Edition Tee from Team Manila Lifestyle
Alas tres pa lang ng hapon ay nag sidatingan na ang limpak-limpak na Eheads fans. Meron din namang mga taong tumatambay lang sa tabing dagat - maganda kase ang view sa park, lalu na pag sunset. Habang naghihintay mag alas syete, nanood muna kami ng sine. Pag patak ng alas sais, halos hindi ka na maka abante dahil siksikan talaga...super! Para maiwasang mawalan ng malay ng dahil sa sobrang init, siksikan at ibat-ibang klaseng amoy, tumambay muna kami sa parking lot upang magpalit ng damit para sa concert at mag yosi break.
Bandang 7pm ay napagpasiyahan na naming maglakad patungo sa venue. Medyo malayu-layo pa galing ng parking lot. Ang daming tao!!! 'Buti na lang at iniwan na namin sa sasakyan ang aming mga relos, bag, wallet at iba pang mga mhahalagang kasangkapan. Hasel kase ito sa mga ganitong okasyon, at baka ma pick-pocket pa yan! Nang makapasok kami sa venue, ay hindi pa gaanong puno sa Gold-A section (second to the first) habang ang VIP area (first row) naman ay malapit na ring mapuno. Nang lumingon ako sa likod, sa Silver section at general admission ay namangha ako sa sobrang dami ng tao, parang woodstock. Ganyan kamahal ng tao ang Eraserheads! Kahit sobrang siksikan ay nagtiyaga sila upang mapanood ang 'kahuli-hulihang' (sana hindi ito ang last) pagsasama ng apat sa entablado. Anyways, very convenient ang pwesto namin, bukod sa malapit kami sa stage ay may space ka pa na puwede mong upuan habang hindi pa nag sisimula ang countdown. Napakalaki ng venue kaya maraming fans ang nakapanood ng concert. May mga stall sa palibot in case gusto nyong bumili ng pagakin at drinks. Naroon ang McDo, Tindahan ni Aleng Nena, Huling El Bimbo store etc.
8:20pm nag simula ang concert. Nag umpisa ang programa with the 'short' (acknowledgments for the sponsors na parang nobela) introduction ng mga MTV VJs (Ang ganda ng Diyosa!). Naiinip na ang bayan sa haba ng pinag sasabi ng mga VJs na 'to. Kaya sila-sila sa likod ay nag-umpisa ng mag countdown... mga limang beses na 7...6...5.....4....3....2.....1..... hanggang sa napagod na lang sila sa kakasigaw. Nang matapos na ang introduction, nag umpisa na ang kasiyahan ng i-play sa big screen ang isang maikling dokyu ng Eheads... and the countdown is on! Ibang klase rin ang naging countdown nila, I mean very unique. Check nyo sa vid. At pasensya pala sa quality ng video, bawal ang professional cameras and other recording materials kaya celfone na lang ang ginamit kong pang dokyument. Of course, hindi mawawala ang masigabong fireworks na dumagdag pa sa overall presentatyion ng Eheads... Magasin - opening song!
Maraming surprises ang inihatid ng banda. Kumanta si pareng Marcus ng kaniyang sariling version (reggae) ng 'Huwag Mo ng Itanong'. Hindi rin mapapantayan ang showmanship ni pareng Raimund. Sobrang hyper ito at sayang-saya sa kanyang pinag-gagawa sa stage habang kumakanta. Si pareng Buddy naman ay tahimik pa rin, pero hanep din sa mga maiikling punchlines at pag sesecond voice. At si pareng Ely ay wala pa rin kupas! Maganda ang set-up ng stage at ng production design. May isang parte sa concert na nag acoustic ang banda na parang nasa salas lang nakaupo at nag jajaming. Very kewl ang acoustic jam nila. Just like the good old days. Nag back-up pala sa percussions, keyboards at guitars si Jazz Nicholas, miyembro ng bandang Itchyworms. Maraming celebrities din ang naki rakenrol. Nandun si Aiza Seguerra, kuya Echo, Anne Curtis, Joanne Quintas, pareng Wendell at marami pang iba...as in madami!
I dedicate the "Pare Ko" video clip to John Oloks! This one's for you bro. Lahat kami ay napapatalon, napapakanta, napapasayaw at napapasigaw sa mga classic at sikat na mga kantang ginawa ng banda! Parang nag time travel ako going back to grade school and high school days. Sumisigaw kami ng group hug, at eto ang sabi ni Ely, "Kayo muna!" Tuwang-tuwa ang apat na para bang ayos na ang tampuhan at away na namagitan sa kanila. Kaya nabaliw ang mga tao ng kantahin nila yung "MInsan".
Walang halong plastikan. Nag uusap-usap sila at talagang nag eenjoy. Ngabigay din sila ng papugay sa namayapang si Francis M. Tinugtog nila ang chorus part ng original hit ni Kiko na Kaleidoscope World na talaga namang nakaka-tindig balahibo at nakakalungkot. Sumigaw ang Eheads ng Francis! Francis! Francis! Sumigaw din ang mga tao at binigyan ng masigabong palakpakan ang tinaguriang "the Man from Manila." Pag katapos ng kanta ay sumigaw si Ely ng "Mabuhay ka Francis!" Napag alaman na mag giguest sana si pareng Kiko sa Final Set concert, unfortunately, hindi na siya nakaabot. Too bad. Three Stars and a Sun, We bow down... Peace out Francis M.
Anyway, tinamad na akong mag video dahil gusto ko ng makirakenrol at makikantahan! Kaya yun....
Walang halong plastikan. Nag uusap-usap sila at talagang nag eenjoy. Ngabigay din sila ng papugay sa namayapang si Francis M. Tinugtog nila ang chorus part ng original hit ni Kiko na Kaleidoscope World na talaga namang nakaka-tindig balahibo at nakakalungkot. Sumigaw ang Eheads ng Francis! Francis! Francis! Sumigaw din ang mga tao at binigyan ng masigabong palakpakan ang tinaguriang "the Man from Manila." Pag katapos ng kanta ay sumigaw si Ely ng "Mabuhay ka Francis!" Napag alaman na mag giguest sana si pareng Kiko sa Final Set concert, unfortunately, hindi na siya nakaabot. Too bad. Three Stars and a Sun, We bow down... Peace out Francis M.
Anyway, tinamad na akong mag video dahil gusto ko ng makirakenrol at makikantahan! Kaya yun....
The best ang finale nila, ang kantang El Bimbo ang kanilang naging last song with matching spectacular fireworks display na tumagal ng 5 minutes sa kalawakan at makulay na confetti na nagsiliparan sa ere. Ang last act ng banda ay ang pagsunog ni Ely ng old piano na makikita natin sa Sticker Happy album. Sinunog ito at tinadyakan hanggang sa masira. Hindi ko alam kung anu ang eksaktong mensahe na gusto nilang iparating. Ito ba ay dahil naka pag move on na silang lahat? OK na ba talaga silang apat? Friends ulit? Friends forever? Anu man yun ay siguradong positive yun. At sa wakas ang minimithi ng lahat na mag group hug ang apat ay nangyari na!
WOW! The best ang naging reunion concert nila. Maraming surprises, pakulo etc... PEro ang pinaka importnate sa lahat ay makita uli ang apat na tinutugtog ang kanilang mga masterpieces na masaya at nag eenjoy habang ang fans naman ay nasasayahin din ng sobra! Isa ito sa mga makasaysayang pangyayari sa ating bansa at sa music industry. Ang pagka buklod-bukold ng mga living legends ng musika ng Pilipinas! NAKS! Sulit talaga... Uulitin ko ito... kung meron pang kasunod...SANA NGA...
WOW! The best ang naging reunion concert nila. Maraming surprises, pakulo etc... PEro ang pinaka importnate sa lahat ay makita uli ang apat na tinutugtog ang kanilang mga masterpieces na masaya at nag eenjoy habang ang fans naman ay nasasayahin din ng sobra! Isa ito sa mga makasaysayang pangyayari sa ating bansa at sa music industry. Ang pagka buklod-bukold ng mga living legends ng musika ng Pilipinas! NAKS! Sulit talaga... Uulitin ko ito... kung meron pang kasunod...SANA NGA...
ERASERHEADS FOREVER!
23 comments:
RAKENROL! Damn, I missed it. It would have been way much better if Francis M was there. Hope there will still be a third set, though this concert was dubbed as the final set. :(
Tol, talagang kaipuhan idedicate mo sako su pare ko?! hahaha. pero salamat. sana nakasabay man ako magiling. :(
Anyway highway, Eheads rocks! no one can deny it.
ps
pa-arbor kang shirt mo! hahaha.
kewl! thanks for sharing your e-heads experience Chayee! naks!
It's okay Jude. I will give the complete details of the concert when I come home this holy week (su Malipotokon na istorya, su ma feel mo nanggad.hihi). I would even sing some of their songs for you.hehe. It was one of the greatest shows I've ever seen my whole life... Goosebumps!!! Rakenrol! Eheads kita poreber! About the t-shirt, Arbor? No can do!:D hahahahaha! This is one of my treasures na tol...hihi. Kung may extra money lang kuta ako binakalan taka na... :(
plastikun ka charlie!!! admit it, maski may sobra kang money d mo man bklan c john oloks... lol... juk... aram ko man na luv mo sha... more dan prends... bwahaaha...
p.s.
anu man na dalawampu't daang libo?!hehe...
luv u chayee...
HAHAHAHA! Kung natugon ako ni Oloks babakalan ko talaga siya. Papirmahan ko pa kay pareng Ely!:D @ Yonabelles
P.S: X no yan si olops.:D Sinda na ngunyan ni FB the HB!
Bonggahon si Chayee. Poon kan magManila, pirmi nagaconcert. Sosyalon!
concert king baga ako! HAHAHA! Yan ang tgsasabing "passion for music". NAKS!!!
Fine. Whatever Chayee. Ang importante, rumdumon mo su utang mo sa'kong 3 tshirts. Hehe. :D One year na ito Tol. Annive na lamang!
OHHHHH SSNNNNAAAAAP!!!! Pag resign ko digdi gibuhan taka na... Balak ko na mag uli mga nuarin..
Dalawangput-daang libo ay ang bilang ng mahihina sa math@ YONABELLES!!hahaha! Dai ako sanay sa tagalog numbers eh. Sorry.HAHAHAHA!
alam na yan yonabelles. kung talagang gustong bakalan, pwede man gibuhan ki mejos. eheh. pero di bale, sabot man. maski haloy ng nagasweldo ki mil-mil, dipisil magkaigwang extra money ta sige sanang kailing ki concert. hahaha.
sin pag uli mo digdi, dara mo su 'feel' kang eheads concert ha. blow by blow na istorya pati mga kanta, may sampol. ta pag dae, remate ka samo! hahaha.
tas bago ka magresign, patanaon mo muna kami kang katas kang offshoring. ika bahala kang foods pag-pacaramoan ta sa holy week for our annual getaway. eu?! eu?! good! :D
thanks for reading my LJ. Kahit na nasa likod kami, ok lang sakin. Wala din ako nung una kasi pasahan ng baby thesis namin nun. pero masaya at nakapanood tayo ng 'final set' nila. Buti ka pa nakabili ng tshirt. di na kasi kami nakabili kasi 3 na kami nakaalis ng Lipa. hahah kaya yun di na din kami nakabili, pero okay na din kasi nakita ko silang live. Ang saya talaga blessed ang feeling ko at napanood sila. Katunayan hangang ngayon may hang over pa din ako ng concert nila. Ang galing kasi, nakakatuwa.
Hahaha at least nakita namin sila ng malapitan ng patapos na. Ayos na samin yun.
Tsaka tama ka! Walang halong plastican yun performance nila ngayon! Mukang ayos na sila. Nakakatouch. Wala na tampuhan. Kita naman sa mga galaw nila eh.
Eraserheads forever.
Okay. Quick question. Sisay si Jhisk? At ano ang tigagibo kan comment niya digdi. Feeling ko, nalost siya. Watchatink guys?
Si Jhisk ay isang blogger din. I read her post yesterday. It was an interesting story kaya nawili ako sa pag basa cuz eheads fan din siya. Thanks sa comment Jhisk. Visit na lang ako sa blog mo from time to time.
hahaha@peachay... talagang nag comment kung sisay itong jhisk, gare warang karapatan peach!
chayee!!!! t-shirt ko man!!!!
actually, gusto ko man ihapot kun sisay si jhisk... nainutan na ako ni jk... okay na man cguro ta garu shinorkat su jissika kalaka... eyo... wateber...
friend ko yan si jhisk... dai nindo pag iwalon ok.:D
nice! gari man sana yaon kami duman ta blow by blow ang concert coverage hehehe
Naghahapot man sana baga ako. Bako man ito maraot. Bako man sala su hapot ko. Kigkig baga ta di ko midbid. Wehehe. Pis!
ay prend palan ni Angelo. hihi. kigkig man ngani ako kung sisay sya. hahaha. nagmeet na kamo tol?! :D
hahaha! Dai pa padi...fan man pano kang eheads kaya friend ko naman. :D Are we kewl? Oryt!Kewl!
aw. sige, sana mameet mo na soon para mas cool ang jamming nindo. sound trip ki eheads myusik. eheh.
and sins prend mo si jhisk, prend mi naman. welkam jhisk sa aming munting tahanan. tuloy po kayo and endyoy sa adbentures ni angelo d suki and the rest of the gang. :D
hanep na urag kuta kaan na concert. kung may perak sana kuta pati journey banatan ko. salbakuta talaga.
Post a Comment