Sunday, July 27, 2008

Secret Ingredients ETC Goes To Manila: The Adventures of Angelo D. Suki & Friends (SPECIAL EDITION)

Ang Simula ng Paglalakbay ni Angelo (uhum)

Ang head ng Sec. Ing. ETC's TSOKO team na si Angelo D. Suki ay dumayo pa ng Maynila upang kumustahin ang mga natatanging nilalang na ngayon ay nagsisimula ng kanilang panibagong buhay sa malaking syudad. Umalis ng madaling araw ang layas na si Angelo, bitbit ang kaniyang bag at kanyang killer smile... Dito nagsimula ang kanyang adventure! Ang kwento ay ilalahad ng mga kwelang images at mga videos na sobrang nakaka aliw. Check it out!

*******************************************************

MGA KAGANAPAN

Napagod kaka stroll ang tropa...naks, sosyal ang drinks ng dalawang dalaga, tsk tsk!




ooops!!! What do we have here? Uhum..Sino ba sila?Ask Jeremy a.k.a. the Lover Boi na lang!


Oh yes!!! Isa sa mga new found friend ng mga boys...Lalapit ba si Lover Boi o hindi?


Never mind! Masyadong mailap si Miss... Karen yoohoo..:D



Let's get the party started - Dennis


Naks naman! Iba ang tama ng Senadora. Tsk tsk..FYI, siya lang ang nag red horse saamin! Astig!



Clash of the Crablet and The Shrimp!



Phoebe calling her Legaspi friends!


Ang taba na ni Arachi!!!!:D


Wow! Ang cool na cool na Zen ultra-modern gadget ni Arachi ay pinag piyestahan ng mga rockers! Anu pa nga ba kundi PORNO clips!!!

The supreme Pout Master... Arachi Rey



Mr. Festival & the Pout Pioneer


Dennis & Cardz...mahaba-habang inuman!


*********************************************************************************



Bagets 3!

***********************************************************************************




Messages para sa mga Legaspi friendships!:D

**********************************************************************************




Party Time!!!!

*****************************************************************************




Ang pinaka favorite ng mga boys!!! It's Showtime!

*******************

Waw...ang saya namin diyan, as in! Alam kong memorable ito kay Dennis, Lover Boi at sa lahat ng aming nakasama sa gimik na itoi! Sana next time, kasama na yung iba..Hanggang sa muli, enjoy... at ako'y matutulog muna..bugbog sa byahe eh.. Mwah!!!

Monday, July 21, 2008

Pekeng Mariachis

Y entre tantas noticias
Y chismes de barrio
Resulta que eres tú
Siempre lo más importante

Aunque querer olvidarte
Sea mi filosofía
Te llevo pegada a mí
Como calcomanía

Cómo olvidarte
Si estás en cualquier parte
En la sonrisa del niño
En la rutina del viejo
En la canción de la radio

Cómo olvidarte
Si te llevo conmigo
Como canguro a su cría
Como el sol trae el día
Como un tatuaje

Whoah!!! Wait a minute... Do I sound different today?! Why am I speaking puro Espanyol ala mehikano? It's in the blood, I guess...and in the nose too! Para bailar la bamba Para bailar la bamba Se necesita una poca de gracia Una poca de gracia pa'mí y pa' ti Ay Arriba y arriba. Ay arriba y arriba por ti seré por ti seré por ti seré. Wow talaga!

This has something to do with our post today... the second music video of Dos Por Kwatro! Talaga naman! HAHAHA! Ang mga pekeng Mariachis na ito ay nagpasiklab ng kanilang talento hindi lang sa pagkanta kundi ang kanilang pagmaster sa lengguaheng espanyol o latin. Hindi ito fake, inuulit ko, kanila pong boses ang maririnig nyo... obvious naman sa buka ng kanilang mga bibig. Hehehe. Check this out, in other words... Adios patria adorada!LOL!

Sunday, July 20, 2008

Our First Music Video!!! HAHAHAHA!!!



Dahil sa walang mahanap na trabaho ang mga bruskong binata na sina Angelo D. Suki, FB Nacho Libre, Cool Dude at si Pedring, nag seryoso ang grupo sa larangan ng musika. Kinareer ng apat na binata ang singing at doon na discover ang kanilang mga talento.

Pumirma ng 1-year Contract ang grupo worth P12,000 each per album, na siya namang pinagkasunduan ng grupo na kilala sa pangalang... Dos Por Kwatro! Ang bandang walang instrumento!

Narito ang kanilang very first music video na prinoduce ng Soni-VMG Wreckords... Check this out!!!!:D

Friday, July 18, 2008

Ano Nga Bang Namimiss Ko?

retrenched US Auto Parts Legazpi employees

Isang buwan na ang nakakalipas nang maganap ang makasaysayang pangyayaring ito. Hay naku. (Halos) Lahat ay mawalan ng trabaho. Pero, nagkaroon pa kami ng kapal ng mukha na magsaya. Like this picture over the top. See? Happy smiling faces. Which is good. Hehe.

Pero siyempre, may mga crayola incidents din. Na hindi natin mapipigilan. Ikaw ba naman mawalan ng trabaho na biglaan at wala kang choice kundi tanggapin yun? Di ka ba naman maiyak or kahit na maluha about dun? Oh well. Sabi nga ni TSOKO Angelo D. Suki:
Isa ako sa maraming napaiyak sa nangyari. Naibuhos ko na ang aking sama ng loob kasama si Bug Marley, Poknat at iba pa. Pati ang bruskong si JK ay hindi rin napigilang mapa krayola. Nung una ko pa lang nakitang lumuha ang aming pinakamamahal na bisor na si Ziella, ay agad ng nanghina ang buong katawan ko...tsk tsk, as in nanlambot. Anyway, it's time for us to move on! And alam kong kayang-kaya natin 'to. Back to zero uli tayo, but not totally zero dahil kahit papano naman ay may budget pa rin tayo habang nagsisimula ng panibagong chapter sa ating mga buhay-buhay! Haaaaayyy... Nakaka miss na! :'(

So ano na nga ngayon ang namiss ko tungkol sa aking buhay sa opisinang yun?
  • Namimiss ko ang mga araw-araw na kulitan
  • Namimiss ko na gumising ng mga 6am
  • Namimiss ko yung bundy clock
  • Namimiss ko yung log-in sa computer. 0097 (di ko na nga tanda) ata ang login ko. Di ko na matandaan. Namimiss ko din kapag naghahang yun. Namimiss ko din pag nakakalimutan kong maglogout. Hehe.
  • Namimiss ko ang locker ko. Punung-puno ito ng basura at kung anu-ano na kailangan ko pang umuwi ng bahay nung mawalan tayo ng trabaho para kumuha ng plastic. Namimiss ko din ang mga tsismisan sa locker pa lang.
  • Namimiss ko si Chief Carol at si Ate Gie na iniinterview ko kun may mga bossing. Para at least alam ko kung safe ako lumabas na hindi rin sila napapagalitan.
  • Namimiss ko ang mga palikuran na kung saan marami na ang naganap. Haha.
  • Namimiss ko ang unlimited na supply na tubig. Although minsan, nagkakaroon ng drought. Kasi naman. Hindi agad nirerefill. Kaya ayan. Pag lunch, ubos ang tubig. Kung hindi naman, hindi malamig. Hay naku.
  • Namimiss ko pag may mga taong may masakit o kailangan ng gamot, hahanapin ako kasi may dalang akong 'drug store'. Kasi naman, kahit Mefenamic o Biogesic, wala sa opisina. Ang saya.
  • Namimiss kong manalamin sa mga cubicles. Hehe.
  • Namimiss ko ang pila tuwing maglalogout. Tapos kapag sobrang bagal, tsismis to the max yan. O kaya maggagaguhan na may feeding program o kaya offline ang bangko at hindi makapagwithdraw.
  • Namimiss ko ang pagpila na ng time card ko ng maaga kasama sila Phoebe at Mister Suave at Alex. Hehe. Pero nang malaunan, di na ako naglalogout kapag lunch. Bakit ba?
  • Namimiss ko ang mga bigla na lang magwaYM sa'yo dahil lang walang magawa.
  • Namimiss ko ang magtrabaho na may katabing makukulit.
  • Namimiss ko ang mga lung exercises namin ni Mek na tipong magkatinginan lang kami ay tatawa na kami. Tapos pag sobra nang maingay, aalis na yan si Mek at lilipat ng station. Pero pagkaalis niyan, magwaYM naman at mangungumusta.
  • Namimiss ko ang yosi break na kung saan marami na rin ang tumambay, nakitambay at nabugang usok kahit na may no smoking sign na nakapaskil. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin malaman kun san na napunta yung no smoking sign na yun.
  • Namimiss ko ang makipagchat with a straight face kahit na tawang-tawa ka na. Dahil ayaw mong manggulo ng mga katabi mo o dahil pinag-uusapan niyo ang kung sino man sa mga katabi niyo. *peace peeps*
  • Namimiss ko ang paggreet ko ng 'Good morning' sa kung sino man na makita ko pag dating ko sa opisina.
  • Namimiss ko yung bench sa labas. Gandang tambayan yun. At minsan pa eh sa sahig na rin ako nauupo. Mas masaya dun.
  • Namimiss ko ang mga automatic concerts na nagaganap tuwing magkakasama. May blending pa yan c/o Angelo D. Suki. O kaya ang umagang-umaga pa lang na pagbirit kasama si FB Nacho Libre ng mga Aegis na kanta.
  • Namimiss ko ang mga kakaibang files na nisesend sa'kin. Like midi files. Mga pinagtripan na picture gamit lamang ang paint. Mga kantang sobrang asteeg like Tiny Bubbles. Ang mga ganun. Pag mga report, di na ako masyado natutuwa diyan.
  • Namimiss ko ang lunch break. Ang pag-iigib ni Boy Kupsit ng tubig hindi galing sa dispenser kundi galing sa baso ng ibang tao. Sosyal.
  • Namimiss ko ang ingay sa pantry tuwing nagtatrabaho ako.
  • Namimiss ko maglaro sa king.com. Tapos naiinis pa sa'kin mga katabi ko dahil gusto na rin nilang gumaya.
  • Namimiss ko makipagtsismisan sa mga people.
  • Namimiss ko makitang tulog ang aking seatmates to the right.
  • In fernez, namimiss ko ang mga keywords minsan. Yung listahan lang. Hindi yung content.
  • Namimiss ko ang pagtambay sa opisina hanggang kung anong oras ng gabi dahil hindi makapag isip kung saan gigimik.
  • Namimiss ko ang videoke nights. Namimiss ko ang mga impromptu dances nila Mister Suave, Haring T, at Yonabelles. Namimiss ko tuloy ang Green Palm - ang isa sa mga places to be.
  • Namimiss ko ang mga reklamong naririnig ko dahil sa suweldo. Haha. Namimiss ko ang paghihintay sa pagdating ng suweldo.
  • Namimiss kong marinig ang ingay sa pantry. Namimiss ko nga ang pantry. Papasok ako ng 8am. Magbibreakfast hanggang 9am. 9am, yosi break. Tapos ang lunch break, simula 11am hanggang 1pm. Ganun katagal. Tapos break ulit na mga 2pm or 3pm. Sosyal.
  • Namimiss ko ang mga confe.
  • Namimiss ko kayong lahat! Sobra.
Hay... Tama na. Sobrang dami na. Tsaka medyo seryoso itong post na ito. Di ko alam kung bakit. Siguro nagrereminish (according to CoolDude) lang ako.

Kayo? Ano namimiss niyo?

Ang Pagbibinata NI JK (SPECIAL EDITION daw)


Malaki ang naging presensya ni JK sa barkadahan (speaking literal) at sa ating munting ofis noon. Isa sa mga namimiss natin sa dalagang-ama na ito ay ang kanyang makagibang-dibdib na halakhak, ang bungisngis sa kanyang mukha maghapon, ang kanyang mga napaka korning jokes at ang never-ending singing festival.


Ang 'special post' (daw) na ito, na sadyang hinintay ni JK noong nakaraang linggo pa ay narito na! Walang iba kundi ang selebrasyon ng kanyang pagbibinata. Noong nakaraang July 10, araw ng kanyang kapangakan, ay sinalubong na ito ng sangkaterbang text messages at greetings galing sa kanyang mga gutom at uhaw na mga friendships. Nag umpisa ang lahat sa District Ofis ng DP habang naghihintay ng basketball game ang binatang-ina (mahilig ito sa mga bsketbol players). Biglang dumating ang cute na cute na si Poknat na may dalang cute na box at kasama nito ang isa sa mga espesyal na tao sa buhay ni JK... si John Oloks! Ang alam ng lahat ay nasa Maynila itong Kimerald die hard (pero alam kong nandito na siya). In short, sinorpresa ng maliit na dalaga ang kaniyang friend...

Pose bago Blow



Blow blow blow... and make a wish! (lovelife?)


Aba aba, naki-blow din ng candle ang pretty girl na si Jho D. Seksi! Pagbigyan!

Cake eating time


Ini-slice na ni Master Chef Kiko ang cake at pinagpasapasahan na ito ng tropa. Nanguna sa pagpapak ng cake si Jho D. Seksi na talaga namang sarap na sarap sa kaniyang kinakain!

Hapi Berday Mamu! - Kai-Kai a.k.a. lil' Po

***********************************************************

THE CELEBRATION


Ang nakatakdang araw ng selebrasyon ng kapanganakan ni JK ay dumating na. Sinugod ang party house (thanks kay Ate Pinx) ng tropapips na kinabibilangan nina Tanging Ina Yonabelle w/ kids, the Chef and First Lady, Angelo D. Suki, Cool Dude, Bug Marley, FB Nacho Libre, Poknat, Jho D. Seksi, Mike Monggopie, Pedring, Jamil, Haring T, Teyon, JK's cousin at siyempre, si John Oloks!


Tuwang-tuwa ang mga bruskong binata dahil umaapaw ang alak, iced tea at sangkatutak na pulutan na karamihan ay Donated By (mandatory). HAHAHAHA! Joke lang...

***********************************************************************
SPECIAL GREETINGS

Happy Birthday Bro! - from: John & Ringgo
******************************************************


Ang dalawa sa mga featuring na pulutan! Yummy!

***********************************************
Ang mga sususunod na tagpo na ating matutunghayan ay hango sa mga aktwal na mga pangyayari sa isa nanamang makasaysayang kaganapan sa buhay ni JK! Check it out!

Katsoob! Katsoob! Naka Tsiken Joy ang Cool Dude!


Scary!!!


Another Cool Kupsit Product...



The Gift!



The Not-So-Cool Dude

Love Triangle?;))




Ang Tanging Ina... Yonabelles



the early birds


Syet ang saket!

Sleep my darling Bebe!

Once again, Happy Birthday to Miss Pauline Rose Galias aka atomic girl, Jesikka Kalaka, Fred Flinstones, the Mob, the Group, the Heavyweight, pound for pound, extra large, go big time etc...HAHAHAHAHAHAHA!!!!


P.S: Belated Happy Birthday din kay JEREMY, and kay JULIET ''babygurl" Advanz... at sa mga nakalimutan kong batiin... HAPPY BIRTHDAY! Let's all be happy!

Wednesday, July 16, 2008

Jump Shot Festival


Wow, ang ganda naman ng larawang ito! Kinuha ito malapit sa bangin, sa lubak-lubak na kalsada papuntang Manito (salamat sa artistic eyes ni Angelo.hihi). Maganda ang mga sceneries dito, lalu na kapag palubog na ang araw. Pero hindi ito ang tatalakayin natin sa episode na ito! Ito ang kwento ng isang 'grupo' (read: Jesikka Kalaka) kasama ng mga pinipitagang nilalang na sina Dennis the Baker, John Oloks, Miss Lynn, Mr. Festival, Poknat at Angelo D. Suki. Dumayo ang grupo at ang tropa sa Manito Albay para maki fiesta sa bahay ng kasamahan nilang si Phoebe. At siyempre, isa lang ibig sabihin nyan... FOODS!!! As in maraming Foods. At dito rin ipinamalas ng tropa ang Jump Shot na talaga namang usong-uso ngayon!

the 'group(JK)' with the gang

Nahirapan ang tropa na hagilapin ang bahay ng host na si Phoebe. At dahil na rin sa mga masisikip at lubak-lubak na kalsada na sa ngayon ay under construction pa rin, medyo matagal-tagal din ang nilakabay nila. Sa kabutihang palad ay nahanap din sa wakas ng grupo at ng tropa ang Big Sister House! Sinalubong kami ng sandamukal na potahe at desserts. Waw talaga as in!


MMMMmmm...yummy! Parang boxing ang bakbakan! Naka ilang rounds ang tropa pabalik ng hapag kainan. Pagkatapos ng ilang oras ay na solve na rin ang mga tiyan nila sa wakas!


Marami-rami din ang nalamon ni JK. Sa katunayan maraming sumabit na karne sa kaniyang 50K braces. Pero wala itong panama sa kaniyang hinliliit!

It's Jump Shot Time!


Sa kagustuhang magpatunaw ng taba, nag pasya ang tropapips na maglakad-lakad papuntang pier at mag sight-seeing. Maganda ang view ng makarating sila sa pampang. Kitang-kita ang Mayon at napaka aliwalas ng hangin. Siyempre, bitbit na nila ang camera para sa picture-taking spree!

Here we go! Jump Shot time!

Ready...Set...

Ready to take off na ang grupo at ang tropa. Iwinagayway na ni Mr. Festival ang kaniyang mga kamay na tila handa ng lumipad anytime... Si John Oloks naman ay nag iistretching habang si Angelo ay kumukuha ng bwelo...

Go!

Naging effective ang warm-up ni Oloks. Mataas ang kaniyang elevation sa jump 1. Si Poknat ay 'di gaanong naka take off. Si JK ay ganun din dahil sa daming nakaing extra rice. Maganda ang initial leap ng host na si Phoebe habang si Mr. Festival, Angelo at Miss Lynn ay nahuli.

2nd Attempt

Sa pangalawang pagkakaton ay humugot na ng extra energy ang mga hindi nag tagumpay sa first jump. Sa tagpong ito ay naki join na ang jump shot master na si Dennis. Kung mapapansin nyong lahat, si Miss Lynn ay todo-bwelo na sa tagpong ito, pati na rin si Mr. Festival...

Success!!! almost...

Naks!!! Ang ganda ng porma (huwag lang titingin sa tiyan ni JK, HAHAHAHA). Wow, ang astig naman ng mga paa ni Poknat, pang anime! Lahat ay naging successful, maliban na lamang kay Phoebe na hindi matagumpay sa kaniyang 2nd jump. Wow, way to go Baker! Oh wait, saan napunta ang leeg ni Miss Lynn??

One more time...:))

Back 2 Base

Napagod rin sa wakas ang bibong tropa. Sa tagpong ito ay pabalik na sila sa bahay ng host para as usual, kainan nanaman! At gumawa pa ng Mango shake ang mga host na talaga naman yummilicious! Bumiyahe na ang tropa bandang alas kwatro ng hapon na may bitbit pang mga kakanin na bigay ng host....At diyan nagtatapos ang isa nanamang masayang araw ng barkadahan... Nakaka miss na...

Anyway, ingat kayo lagi. We love you all!!! Hanggang sa muli!

guys, magtaga comment man:)