Wednesday, August 4, 2010

Ang Pagbabalik... Apir!*

...And We're Back!!!

Whew! Wow... kay tagal kong hinintay ang moment na 'to! Ang sarap ng feeling...parang nasa Astillero building lang ako diyan sa may Oro Site, sa aking workstation at nag uupdate ng blog na 'to... Brings back good ol' memories... Kumusta na mga fwends??? Wait, *apppiiirrr!* muna tayong lahat.. Arbee, simulan ang group hug!* What da fudge?! Naeexcite ako ng grabe, at medyo nanginging pa ang aking mga daliri sa pagpindot sa aking keyboard. Wow...

...Jesikka Kalaka, Koopsit, Mr. Festival, BUG, The Cool Dude, Angelo the Suki, FB Nacho, John Oloks, Aratsi, Jermoves, Pink Poknut, Yownabelles Shoesabelles, Dennis the Baker, atb!!! Waddup??!!
Anyhow, anu bang balita sa ating mga kababarrio? Sa tingin ko marami na tayong namiss tungkol sa mga kaganapan sa mga buhay-buhay ng ating mga kasamahan at friends from our old company. Puwes, Secret Ingredients is back para ihatid ang mga maiinit at maanghang na updates tungkol sa kanilang lahat! At siyempre asahan niyong lahat kayo'y maaliw... gaya ng dati!

Okay, sino ba una? :D


Teka, gusto ko lang ipakilala ang bagong hit na alkohol maliban sa ating pinakamamahal na GranMa... ang T. Ice! :D

Eto na! first up...

FB Nacho

Anu na kaya ang nagyari sa ating friend na look-alike ni Chuck Perez? Ayon sa masusing pagsisiyasat ng TSOKO, napag alamang nakatagpo uli ng bagong pag-ibig ang ating kaibigan... Congrats Arnold Kalaka! At napag-alamang masaya ang law student sa kanyang buhay ngayon.

Minsan, nagtext sakin si FB (TRUE STORY) nang ito'y napadpad sa Kamaynilaan, akala ko mangungumusta, hindi pala. Eto ang nasabi sa text, "Padi, may aram kang inuman digdi na nag seserve Matador?"

Wow...kewl! Talagang GranMa ang hanap! Ibig sabihin, tlagang love na love ni FB ang aming nakagawiang inuman session.
..................................



Cat aka Emily Rose/Kuting

Kahit saan mapadpad si Kuting, talagang dala-dala nya ang kanyang killer pout! :D Hindi pa rin nagbago ang fasiyonistang si Kuting, mas lalu pa itong naging trendy ng mamulat dito sa Kamynilaan... always ready to partey! Naging usap-usapan na ikakasal na daw ang dalagang ito! Kung totoo man yun, WOW sa wakas! haha! peash tayu! :D
......................................


John Oloks

Naging pursigido sa pagpapamacho itong si Oloks. Tingnan niyo naman ang kanyang new look, talagang makalaglag brief at mga sinampay. Kung inyong natatandaan, si John Oloks ay nalink sa ating starlet na si Jesikka Kalaka, at yun ay isa lamang MALAKING Tsismaks (literal) dahil si John Oloks ay nakatagpo na rin ng wagas na pag-ibig. Siya na lang ang tanungin nyo tungkol sa mga detalye. Nawiwili ang binata ngayon sa pag bibisikleta kung saan-saang kagubatan sa Bikol. Talagang kinareer na ni Oloks ang pagiging fit! Way to gow Oloks!
..................................................................



Pink Poknut

Oh yes, si Poknut ang may-ari ngayon ng sikat na lugar sa Legazzzpi, ang Embarcaderoo! :D Sa tagpong ito, pinagmamasdan nya ang kanyang mga ari-arian, kasama na ang sleeping lion. HAHA. Habang nag lilibot ang kanyang coastguard na nasa larawan, pinapakita ni Poknut ang kanyang blooming look at dress to kill! Pano naman kase, may nagpapasaya at nagpapatibok na sa puso ng dalagang ito! Yipee! Kung hindi nyo kilala, pwes, maglaro muna kayo ng MARIO Bros. :D

Ito pala ang isa sa kanyang mga lupain sa hindi pa nasabing lugar sa Kabikolan...

*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
..................................................................................


Bug Marley

Ang bise-presidente ng HTGS (Hard To Get Society) na si Bug ay "single" kamakailan ayon sa mga usapin. Ngunit ito ay inaasahang babalik sa "in a relationship" status pagkalipas ng ilang oras o araw lang. On and Off kung baga. Hehe. Ngunit malakas ang loob ni Bug kase noong nag usap kami, sabi niya sakin, "brek kung brek!" HAHA. Oops. Anyways, mahilig pa rin sa baril-barilan itong si Bug. Makikita sa larawan ang kanyang bagong armas na Bazookabelles. Madalas siyang nakikipaglaro ng Pulis VS Holdapper kina Yonabelles, Koopsit at Snow Bear. At GOOD NEWS! Napag alaman na si Bug ay tumigil na sa pagsinghot ng rugby. :D
...........................................................................

Food Trip! Yen at Jum

Woah! Kaya pala nagiging malusog ang mga friends natin diyan sa Kamaynilaan dahil sa walang humpay na pag fufood trip! Hehe. Hiyang kung baga! Dala na rin siguro ng polusyon at lifestyle sa malaking syudad kaya nagiging healthy tayo noh?! Sa larawan makikita si Yen at Jum, parehong sabik na sabik papakin ang mga foodies (Talap!) na handa sa bertday ng walang iba kundi si Yen! Belated pala! :D


********************************

Eto na muna for now. Pero abangan niyo mga kaibigan ang part 2 nito.


ABANGAN ANG SUSU...

4 comments:

peachy said...

love it! love it! love it! namiss ko ang mga ito. hehe. :D

LeVamp Yigae said...

aigoo! I love it! So funny pa rin. hehe. Welcome back Secret Ingredients Inc.!

Pinkisstah said...

hahahahha dai talaga ako pinaligtas ni Sharley!!!

welcome back SecIng!

frnz said...

hanep sana.. syempre ako enot.. abangan ang pagbawi... :)