Thursday, March 26, 2009

Summer Outing


Mainit na naman ang klima. San tayo pupunta ngayong Holy Week? It's time to unwind for a day and spend some time with friends and former colleagues.

Leave a comment na lang kung anong suggestion niyo kung san magandang pumunta? Target date natin ay Maundy Thursday. :)

Wednesday, March 18, 2009

This is Baguio, Let's Dance!!!

LET'S DO THE LOKOMOSYON... BAGUIO STYLE! LOL

Secret Ingredients Goes To Baguio (EXCLUSIVE)

Sa Luzon, sa Visayas at sa Mindanao, saan mang sulok ng mundo... nariyan at nakakalat ang mga natatanging nilalang ng Secret Ingredients! Sa pakikipag-ugnayan ng TSOKO team, ang lahat ng adventures ng SI Etc family ay nasusubaybayan kahit saan man sila magpunta. Tatlong linggo na ang nakakalipas ng umakyat ng ka-Baguiohan ang ilan sa mga kasapi ng SI. Ito ay kinabibilangan nina Dennis the Baker, Senadora, Bhem and her Fafa, Mr. Festival, Mrs. Lynn, Nyz, Ryz atbp.

Heto ang ilan sa mga moments na kuha ng TSOKO... SI Etc invasion in Baguio City!

click image para mabasa ang dialogues.:)

**************************************************************************


isang native tribe na matagal ng naninirahan malapit sa Mine's View park...

Ay mali! haha. Sila pala ito. OMG... I'm so sorry! Talaga naman kaseng bagay na bagay sa kanila ang tribal outfit na ito. At may kasama pang mga hand gestures na talagang native na native. Maliban na lamang kay MR. Festival na walang alintanang ipinakita ang kaniyang Tribal Pout!

*********************************************************


Andito pa rin tayo sa katribuhan ng Mine's View park... Nag kanya-kanya na sila sa kanilang pag poproject...

Hehe..Kewl!

Si Datu Gandang-Hari y Pestibal

********************************************************************************



WOW!!! From Gandang-hari to Bad bOy.. aka the liver lover boi! Kita nyo naman ang sakop ng lupain ni Mr. Festival, sandamukmok na kabundukan at rancho ng mga Yokabays... "Paliguan ang mga kabayo!"

*****************************************************************************


DOGLAS and the Boondocks

Siya ang pinaka sikat na aso sa Baguio, si Doglas. Halos lahat ng bakasyonista na napapasyal sa park na ito ay nag papakuha ng kodak kasama ang celebrity dog. Maamo at sobrang bait nitong si Doglas. Mahilig ito sa bones... buti na lang hindi pinapak si Nyz..hahaha!

************************************************************************
JUmP ShoT FesTival... Baguio StyLe!

Anu kaya ang binabalak ng grupo na mistulang may inaabangan sa tapat ng The Mansion? Alam na... It's....


WoW! Successful! Bakit parang nawala ng saglit yung leeg ni Mrs. Lynn? Nice jump Festy!


Heto Pa!!!!



Ganda naman ng take off ni Mr. Festy with matching props habang si Mrs. Lynn ay parang nakuryenteng palaka sa ere. haha! Nice elevation Nyz and Senadora!;)

****************************************************************************

Hidden Soldiers!




WHOAH! Ang laki naman ng KARGADA ni Dennis the Baker! Ready to fire na ang binata sa anu mang engkwentrong magaganap....


...Ganun din si Senadora..."Sige, iputok mo! Putok!"

*********************************************************************


Pedestrian Jump Shot! Late nanaman sa take off si Mrs. Lynn...and where's your neck?HAHA

**********************************************************

Senadora's Dream Came True?


Dito na ba makakatagpo ng wagas na pag-ibig ang ating kasamahang si Senadora? Let's see..

*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
The Hunt for Mr. Right is ON!



Nakahabol kaya ang Senadora?...


Very well, sana nag enjoy kayo sa isa nanamang nakaka aliw na adventures dito sa ating home blog. It's good to be back! 'Til next time!;)

Saturday, March 7, 2009

Eraserheads: The Final Set 03/07/09 - I Was There!

March 7, 2009 - Sabado... Sobrang init. 2 pm pa lamang ay nakatambay na kami sa MOA upang mag ikot-ikot sa mall habang naghihintay sa nalalapit na reunion concert part-2 ng Eraserheads. Ang event ay pinamagatang Eraserheads: The Final Set. Ito ang continuation ng nabitin nilang Reunion concert noong November 2008 sa The Fort dahil sa naging karamdaman ni pareng Ely. Na excite ako ng sobra ng nabalitaan kong may pangalawang concert ang banda. Hindi ko kase nasaksihan yung una, pero okay lang kase noong sabado ay hindi ko na ito pinaligtas! Naganap ang makasaysayang concert sa open grounds ng MOA. Halos dalawang daang libo (200,000) ang nakisaya at naki rakenrol sa E'heads nang gabing iyon.

Ang aking Eheads LIMITED Edition Tee from Team Manila Lifestyle

Alas tres pa lang ng hapon ay nag sidatingan na ang limpak-limpak na Eheads fans. Meron din namang mga taong tumatambay lang sa tabing dagat - maganda kase ang view sa park, lalu na pag sunset. Habang naghihintay mag alas syete, nanood muna kami ng sine. Pag patak ng alas sais, halos hindi ka na maka abante dahil siksikan talaga...super! Para maiwasang mawalan ng malay ng dahil sa sobrang init, siksikan at ibat-ibang klaseng amoy, tumambay muna kami sa parking lot upang magpalit ng damit para sa concert at mag yosi break.



Bandang 7pm ay napagpasiyahan na naming maglakad patungo sa venue. Medyo malayu-layo pa galing ng parking lot. Ang daming tao!!! 'Buti na lang at iniwan na namin sa sasakyan ang aming mga relos, bag, wallet at iba pang mga mhahalagang kasangkapan. Hasel kase ito sa mga ganitong okasyon, at baka ma pick-pocket pa yan! Nang makapasok kami sa venue, ay hindi pa gaanong puno sa Gold-A section (second to the first) habang ang VIP area (first row) naman ay malapit na ring mapuno. Nang lumingon ako sa likod, sa Silver section at general admission ay namangha ako sa sobrang dami ng tao, parang woodstock. Ganyan kamahal ng tao ang Eraserheads! Kahit sobrang siksikan ay nagtiyaga sila upang mapanood ang 'kahuli-hulihang' (sana hindi ito ang last) pagsasama ng apat sa entablado. Anyways, very convenient ang pwesto namin, bukod sa malapit kami sa stage ay may space ka pa na puwede mong upuan habang hindi pa nag sisimula ang countdown. Napakalaki ng venue kaya maraming fans ang nakapanood ng concert. May mga stall sa palibot in case gusto nyong bumili ng pagakin at drinks. Naroon ang McDo, Tindahan ni Aleng Nena, Huling El Bimbo store etc.



8:20pm nag simula ang concert. Nag umpisa ang programa with the 'short' (acknowledgments for the sponsors na parang nobela) introduction ng mga MTV VJs (Ang ganda ng Diyosa!). Naiinip na ang bayan sa haba ng pinag sasabi ng mga VJs na 'to. Kaya sila-sila sa likod ay nag-umpisa ng mag countdown... mga limang beses na 7...6...5.....4....3....2.....1..... hanggang sa napagod na lang sila sa kakasigaw. Nang matapos na ang introduction, nag umpisa na ang kasiyahan ng i-play sa big screen ang isang maikling dokyu ng Eheads... and the countdown is on! Ibang klase rin ang naging countdown nila, I mean very unique. Check nyo sa vid. At pasensya pala sa quality ng video, bawal ang professional cameras and other recording materials kaya celfone na lang ang ginamit kong pang dokyument. Of course, hindi mawawala ang masigabong fireworks na dumagdag pa sa overall presentatyion ng Eheads... Magasin - opening song!




Maraming surprises ang inihatid ng banda. Kumanta si pareng Marcus ng kaniyang sariling version (reggae) ng 'Huwag Mo ng Itanong'. Hindi rin mapapantayan ang showmanship ni pareng Raimund. Sobrang hyper ito at sayang-saya sa kanyang pinag-gagawa sa stage habang kumakanta. Si pareng Buddy naman ay tahimik pa rin, pero hanep din sa mga maiikling punchlines at pag sesecond voice. At si pareng Ely ay wala pa rin kupas! Maganda ang set-up ng stage at ng production design. May isang parte sa concert na nag acoustic ang banda na parang nasa salas lang nakaupo at nag jajaming. Very kewl ang acoustic jam nila. Just like the good old days. Nag back-up pala sa percussions, keyboards at guitars si Jazz Nicholas, miyembro ng bandang Itchyworms. Maraming celebrities din ang naki rakenrol. Nandun si Aiza Seguerra, kuya Echo, Anne Curtis, Joanne Quintas, pareng Wendell at marami pang iba...as in madami!




I dedicate the "Pare Ko" video clip to John Oloks! This one's for you bro. Lahat kami ay napapatalon, napapakanta, napapasayaw at napapasigaw sa mga classic at sikat na mga kantang ginawa ng banda! Parang nag time travel ako going back to grade school and high school days. Sumisigaw kami ng group hug, at eto ang sabi ni Ely, "Kayo muna!" Tuwang-tuwa ang apat na para bang ayos na ang tampuhan at away na namagitan sa kanila. Kaya nabaliw ang mga tao ng kantahin nila yung "MInsan".

Walang halong plastikan. Nag uusap-usap sila at talagang nag eenjoy. Ngabigay din sila ng papugay sa namayapang si Francis M. Tinugtog nila ang chorus part ng original hit ni Kiko na Kaleidoscope World na talaga namang nakaka-tindig balahibo at nakakalungkot. Sumigaw ang Eheads ng Francis! Francis! Francis! Sumigaw din ang mga tao at binigyan ng masigabong palakpakan ang tinaguriang "the Man from Manila." Pag katapos ng kanta ay sumigaw si Ely ng "Mabuhay ka Francis!" Napag alaman na mag giguest sana si pareng Kiko sa Final Set concert, unfortunately, hindi na siya nakaabot. Too bad. Three Stars and a Sun, We bow down... Peace out Francis M.

Anyway, tinamad na akong mag video dahil gusto ko ng makirakenrol at makikantahan! Kaya yun....



The best ang finale nila, ang kantang El Bimbo ang kanilang naging last song with matching spectacular fireworks display na tumagal ng 5 minutes sa kalawakan at makulay na confetti na nagsiliparan sa ere. Ang last act ng banda ay ang pagsunog ni Ely ng old piano na makikita natin sa Sticker Happy album. Sinunog ito at tinadyakan hanggang sa masira. Hindi ko alam kung anu ang eksaktong mensahe na gusto nilang iparating. Ito ba ay dahil naka pag move on na silang lahat? OK na ba talaga silang apat? Friends ulit? Friends forever? Anu man yun ay siguradong positive yun. At sa wakas ang minimithi ng lahat na mag group hug ang apat ay nangyari na!

WOW! The best ang naging reunion concert nila. Maraming surprises, pakulo etc... PEro ang pinaka importnate sa lahat ay makita uli ang apat na tinutugtog ang kanilang mga masterpieces na masaya at nag eenjoy habang ang fans naman ay nasasayahin din ng sobra! Isa ito sa mga makasaysayang pangyayari sa ating bansa at sa music industry. Ang pagka buklod-bukold ng mga living legends ng musika ng Pilipinas! NAKS! Sulit talaga... Uulitin ko ito... kung meron pang kasunod...SANA NGA...


ERASERHEADS FOREVER!

Wednesday, March 4, 2009

Because It's Yo Birthday....

*Limited Edition lang po ang album cover kaya sorry nalang sa mga nahuli...LOL

Mga minamahal kong Barrio Maepepans,

Bertday ngayon ng ating minamahal na si Doña Pepita "Pepi" Cara-cata y Araci-ac. Malugod nating batiin ng sabay-sabay ng bonggang-bongga si Doña Pepi ng...

Happy Nyu Nyir!!!

p.s.

Abangan ang kanyang album na pinamagatang "Shades Nalang ang Kulang"
Merci Beaucoup!

Presenting!


While having the usual conversations with my alter personalities, we were actually having a board meeting if I were to keep my sanity or not, but then we decided it can wait and we also decided to become more productive this minute. So here it is...

Make way for the new venture of Secret Ingredients Etc. durudotcom(ambiciosa!)...

Secret Ingredients Etc. The Magazine!!!

Find out what's hot and what's not in our own little Secret Ingredients Etc. World with the SIE Magazine (yes, my abbreviation na sha!)

Coverboy: Hunk John Olops
photo by: TSOKO

Watch out for the next issue. It might be you!

iyo man sana tabi.

Sunday, March 1, 2009

Edward Cullet is a Hybrid!


Isang kahindik-hindik na pangyayari ang naganap dalawang buwan na ang nakakalipas. Ito ay kinabibilangan ng sikat na bampira na si Cool Dude a.k.a. Edward Cullet. Heto ang kwento....

Biyernes ng gabi, pangatlong linggo ng Enero, weekend nun... Off ko na sa trabaho. Siyempre, alam na, party time! Umuwi muna ako ng apartment upang magpahinga ng saglit at mag "shower" (oo, meron kami nyan sa banyo.hahaha). Mag tatakipsilim na ng biglang bumulaga ang cute na cute na vampire na si Edward Cullet. May dala itong bag, tila handa na rin sa bakbakan. Perfect timing!

Edward Cullet: Miss me?

Angelo DS: Whaoh! Kewl!

EC: Time to reminich (reminisce)!

ADS: It's time...wait...

EC: We have to go...

ADS: Are you in a hurry?

EC: Yes...

ADS: Why?

EC: Eh nayn terti na, magsasara na emartiiii...

ADS: Oh, okay, kewl.

Hindi na namin naabutan ang Emartiii, kase ten tertiii na eh. Sumakay na lang kami ng boos sa EDSA. Nang makarating na sa party place ay agad kaming umorder ng napaka-'ginaw' na beer at nagsimula sa pag 'reminich' ng mga bagay-bagay. Favorite color pala ni Edward ay Phosya (fuchsia accdg to cool dude). Masarap ang kwentuhan namin kasama ang iba pang mga vampires na masayang lumalaklak ng alkohol at lumalafang ng pulutan. Nang biglang.............

Full moon pala nung gabing iyon....


All smiles si Edward na parang smiley ng biglang may naramdaman siyang kakaiba sa kanyang katawan...


...parang nasusuka ito... or hindi kaya nabilaukan dahil sa sisig? at bigla itong naglaway ng pag kadami-dami at sobrang makaati! ewwww...




Ayan na.... parang unti-unting nag tatransform ang binatang bampira... Lahat kami ay nanginginig na sa takot... Baka mag transform uli ang binata as the Show Boy... pero hindi... siya pala ay isang............




*********************************************************************************



Isang hybrid!!! Vampire + Lycan!


ADS: Bro, anung nangyayari saiyo?!

EC: Anong oras na pre?

ADS: lagpas na atang 12mm...not sure. Why?

EC: SH#%! Hindi pwede mag reminich kapag full moon!

ADS: WTF?!

EC: Kase pag eleben tertiii, at full moon, nagiging hybrid vampire at lycan ako... isn't that kewl?

Inamin ni Edward na may isang bagay na kumagat sa kanyang neck nung siya'y lasing nang nakaraang buwan, mga bandang eleben tertiii rin... Hindi nya alam kung ano dahil siya ay burat na nung mga oras na yun... Natatandaan lang nya na may bigote, long hair, labas ang panga at malaki ang lips (with lipstick) ng salarin... At ang bukang bibig nito ay "Papa!" Anu kaya ito? Isa ba itong linta na naninipsip ng dugo at lakas? O isang makapangyarihang elemento na may dalawang kasarian? hmmm...

Hindi ko rin alam, pero base sa detalyeng binigay ni Edward, ay malamang may clue na tayong lahat... tsk tsk... A

ABANGAN ANG SUSUNOD NA KABANATA!