Monday, February 2, 2009

Three-Day Christmas Party

Day 1:
Nakaplano talaga. Merong Christmas Dinner kami kasi pare-pareho kaming mga walang pinuntahan na Christmas party (except kay Yonabelles). Tsaka munting salo-salo din ng mga taong walang magawa sa buhay. Kaya nagtipon-tipon kami sa kabayahan ni Pedring! (Yiz Atee?).

Ang aming pinagsaluhan? Sosyal kami. Carbonara. Roasted chicken. Garlic bread. At red tea. O di ba? Bonggang bongga! Kasama sa salu-salo sila Poknat, Yonabelles, John Olops, at siyempre, si Pedring! (Yiz Atee?) kasi nga bahay niya yun. May cute na cute pa nga siyang Christmas tree eh.



Nung umuwi sila Poknat at Yonabelles ng mga bandang 9 ng gabi, aba'y ang tatlong natira - ako yun, si John Olops, at si Pedring! (Yiz Atee?) - ay nanood ng Eva Fonda. Sa lahat naman kasi ng puwedeng ipalabas ay yun pa ang channel na aming napuntahan. Take note, lahat kami nagsasabi ng kung anu-ano kontra sa palabas pero di rin namin pinapalitan ang channel. Wahaha. Napaghahalata.

Anyway, sa aming pagninilay-nilay, naisipan naming uminom at pinuntahan namin si FB. Aba'y si FB ay taong bahay sa kanila noong gabing iyo kaya't di nakarating sa aming salu-salo. Pero nakatikim din siya ng pagkasarapsarap na carbonara na gawa ni JK na pagkaganda-ganda naman. Wahaha.

Ano pa't lumabas na ang Matador at aming pinagpiyestahan. May chicharon din palang lumabas kaya't si FB ay kumuha din ng sukang pinakurat. Kung ano man yun, basta yun na yun.



Day 2:
Pinuntahan namin ni Poknat si Pedring! (Yiz Atee?) sa kanyang tahanan kasi wala kaming ibang magawa. At nung andun na kami ay biglang naisipan ni Poknat na uminom. Pero nagninilay-nilay pa kami kung itutuloy ang naiisip.

Dumating si Jho D' Sexy at kami'y naghuntahan ng mahigit isang oras. Dumating na din si John Olops. Nung umalis si Jho D' Sexy, ice cream ang gustong kainin ng sangkatauhan. Nag ice cream kami, thanks to Poknat! Yahoo!

Nung uuwi na ako bago mag-alas dose (Cinderella kasi ako eh! Wehehe!), ayaw akong pauwiin ng mga mokong at mag-iinuman na lang daw. Kaya si Matador ay nagpakitang muli at inumaga na kami ng inom.


Day 3:
At dahil dalawang araw nang umiinom, nagmukha kaming SQwater kinaumagahan. That's Day 3. Nagtagal pa kami dun hanggang halos magtanghali.

No comments: