Monday, September 1, 2008

Ingat Sa Mga Nilalagay Ninyo Online

Ingat po tayo sa mga nilalagay ninyong impormasyon online. Maaaring hindi niyo nga credit card number (tulad ko na walang credit card) pero ang ibang impormasyon na ayaw niyong ipangalandakan (tulad ng birthday niyo) eh wag niyo nang ipagkalat.

Kanina lamang at wala akong magawa, nagsesearch ako sa Gugul ng kung anu-ano. Siyempre, isang dokumento ang tumambad sa monitor ko. At nang aking buksan, aba! Files ng WayPek! Aba, aba, aba. At makikita mo dito ang pangalan ng mga miyembro, ang YM ID (ctc?), ang selpon number (wer u? d2 n me.), address, email, at birthday (inuman na!). Ayan. Sige. Ano masasabi niyo? Kasi ako, ayoko na ganito nakikita ang aking mga impormasyon. Kakatakot. Malay mo may bigla na lang pumunta sa bahay niyo dahil alam ang full address mo. O di ba?

Kung alam niyo keyword na ginamit ko, baka makuha niyo ang same file. Diretso download pati. O kung gusto niyo malamang kung anong impormasyon ninyo ang nasa Internet, try niyo gamitin ang pangalan ninyo o kung ano mang keyword na related sa inyo. Wala lang. Tignan niyo kung anong madiskubre ninyo.

Anyway, happy birthday sa mga September babies:
  • Badong - 08
  • FB - 11
Haha. Madulag pa kamo?

This public service announcement was brought to you by the Labor Day holiday in the US at kami'y naririto at nagtatrabaho. Waaaahhhh! :(

2 comments:

dex said...

nata tagalogon ka na pitcheh?

haha

Anonymous said...

wara lang. trip lang baga dadee dex.