Wednesday, June 11, 2008

Borlogs Festival

Medyo mainit ang panahon sa mga nagdaang araw. Kung pwede nga lang maupo sa ilalim ng punong mangga at dun maidlip. Masarap matulog lalu na tuwing day-off, maulan at siyempre, kapag malakas ang hangover! Minsan, hindi natin maiwasang maidlip at tuluyang makatulog dahil sa sobrang tamlay ng araw sa ating workplace o kung 'san man. Kagaya ng nangyari sa akin sa Pitogo beach resort.HAHA! Kung sa YM, ito ang mga tinatawag na "American Idle!"

Matiyagang siniyasat ng TSOKO ang mga sangkot sa kasong POWERnapping na patuloy pa rin sa pagtaas ng bilang. Kilalanin natin sila dito sa segment na pinamagatang...Borlogs Festival!

*************************************************************************************

The Dreamer

Sa sobrang sipag sa kakahabol ng binatang ito sa insentibs, tuluyan na siyang tinangay sa dreamland kung saan nag sasayawan ang mga lingks sa kalangitan kasama ng mga spammers sa ibat-ibang forn sites.

***************************************************************************************

The Rakista Rest

Kool na kool pa rin ang rakistang si J habang nag popower-nap! Isa sa kanyang paboritong music na pinakikinggan habang natutulog ay ang Aegis medley. Madalas din itong puyat dahil sa mga kabilaang gigs na gabi-gabi.

********************************************************************************


WoW! ang binatang dalagang ito ay inabot na ng liwanag sa isang bar diyan sa baba. Nung gabi kase ay ang grand EB ng mga miyembro ng Jipor-Em Bacacay Tsapter. Naging masaya ang pagtatagpo ng kanilang samahan. Umulan din nung gabing iyon; alak, pulutan at mentsu! It's raining men haleluya!

****************************************************************************

Sitting Pretty

Hindi na bago ang eksenang ito sa mga nag daang taon... Ito ang pinaka ordinaryong senaryong makikita mo tuwing pupunta ka sa banyo ng mga brusko!

*****************************************************************************


Tsk Tsk

uhum! Nasobrahan nanaman ng karga ng alcohol ang utak ni Angelo D. Suki dahil sa kanyang walang-humpay na pananaliksik ng mga kakaibang kaganapan! Akala niya siguro ay mahimbing na siyang natutulog sa kanyang home sweet home. Ang hindi niya alam ay nasa Beggs Diner pa pala sila para kumain ng tapsi habang ang kumuha ng litratong ito ay siya namang sumunod na nakatulog. (see Poknat)

******************************************************************************

THe Unborn

Sa ikalawang pagkakataon, umapaw din ang alcohol-intake ni Bechay. Hindi siya makatulog na hindi kasiping ang kanyang toy car na nanggaling pa sa promo ng isang gas station. Nag ala fetus ang dalaga sa sobrang lamig; parang sopdrinks na 'maginaw' ika nga ng mga paslit.hihi.

****************************************************************************

Mr. Broon

Si Mr. Broon ay isa sa mga stock-holders ng nakaraang Makanos Festival. Hands-on ito sa kanyang papel bilang taga pangasiwa ng event. Gabi-gabi itong nag iinvest ng Red Horses at kung anu-anu pang Kupsit products na available sa nasabing selebrasyon na siya namang tatalakayin natin sa mga susunod na posts. Eniwei, sa sobrang dedikasyon nya sa pag papalago ng kaniyang tiyan ay naging limitado na ang kanyang sleeping hours.

********************************************************************************

Nget Hu?

Ang soon-to-be-daddy na ito ay mahilig mag powernap tuwing tanghali...Ito ang kaniyang favorite spot! :D Hanapin nyo na lang sa akwryum!

********************************************************************************

i-Ris Analysis

Matyagang nag hintay ang dalagang ito sa pagbukas ng isang Enef-ei outlet sa palengke. Marami kaseng mamimiling pumipila pagpatak ng alas syete ng umaga kaya nauna na siya sa pilahan alas kwatro pa lang ng madaling araw. Medyo may kamahalan na kase ang bigas ngayon kaya no more extra rice para sa mga taong malakas sa carbo.

*********************************************************************************

Magdamag sa Oasis

Kagagaling lang ni Dennis the Baker sa kaniyang favorite hang-out spot...ang Oasis of Love! Nakipagtagpo ang tisoy na binata sa kanyang business associate na si KC. Hindi na nakauwi si Dennis dahil wala ng nagagawing PARADA 5 sa kalsada.

***********************************************************************************


Sleeping Green TEddy

Pati si green Teddy ay inantok na rin dahil sa sobrang na absorb na radiation. Tuluyan na itong nakatulog habang yakap-yakap ang kaniyang priced possession, uhum!

***********************************************************************************

Kimerald fever

Kahit pagod na pagod na itong si Poknat galing sa trabaho ay hindi pa rin siya paaawat sa pagsubaybay ng mga teleserye sa telebisyon. Paborito nya ang tambalang John en Marsha, este Kim & Gerard. Sila ang starring sa pinakabagong palabas sa TV, ang My Gurl! Gabi-gabing inaabangan ng dalaga ang programa, lalung-lalo na ang mga kilig moments at kissing scene ng loveteam. HAHA

************************************************************************************
Invisible Cloak

Laging dala ng lalakeng ito ang kanyang invisible cloak ala Harry Patter. Ang kapirasong tela na ito ay makapangyarihan. Kahit sino ay kaya nitong protektahan.... sa kahihiyan; kung ang natutulog ay nakabuwangwang ang bunganga! :))

**********************************************************************************

Basilio Food Corporation

Kahit nakapikit si Mr. Suave ay kayang-kaya nitong gumawa ng napaka sarap na potahe! Paunti-unting lumalago ang negosyo ng Basilio Food Corporation dahil sa sarap ng kaniyang luto. Sa sobrang demand ng mga consumers ay kinakailangang mag dobol time si Suave para matugunan ang mga kumakalam na sikmura...


Diyan nagtatapos ang unang yugto ng Borlogs Festival. Kita-kits sa 2nd tsapter! Sleep tight!

Tuesday, June 10, 2008

Pout To Da Maks!

Pout... yan ang pinaka makalag-lag brief sa lahat ng mga facial expressions. Ito ay kadalasang ginagawa ng mga modelo sa mga pictorials. Ang pag-pout ay sadyang mapang-akit, madrama at higit sa lahat...umaapaw sa appeal! Hindi lang mga tanyag na modelo ang mahilig magsuot ng pouting-face kundi mga ordinaryo at kalog na mga indibidwal na makikita mo lang sa tabi-tabi.

Sa araw na ito, makikilala natin ang mga taong ito na suot ang kanilang mapanindak na pouting-look! Kilalanin natin isa-isa....

Si Haring T ang tipo na laging blangko ang mukha, dahil na rin sa sobrang puyat sa kaka rehearse ng mga stage plays at sa tambak na vaklogs.hihi. Pero kahit ganun kabigat ang dinadala ng mamang 'to, 'di pa rin paaawat si Haring T sa pag hahasik ng kanyang killer pout!

Uhum...excuse me po! :D Kahit medyo wasted na si Angelo D. Suki sa kanyang mga kalokohan at sa kaka research ng mga inpormasyong sobrang maka buluhan, hindi pa rin nahiya na makipaglambingan sa camera ang mokong kahit hindi pa nakapag retouch...Aww, twist and Pout!


Ito si John Oloks, ang nababalitang sangkot sa ating "pahapyaw sa blind-item"... Mahilig itong mag-pout pag may nakikitang mga bruskong guys sa paligid. SMB!


Woah! Si JK!!! Parang hindi na magkasya sa monitor! Ganda naman ng braces! Naka pout sana siya ngunit mas napili pang ipagmayabang ang kanyang 50K stainless braces na gawa sa pandayan diyan sa Maroroy!


Naks naman! Mr. Festival with his Pout Festival look. Si Mr. Festy ay nahahanay na sa mga matitinding fasyonista sa kasalukuyan dahil sa kanyang creativity sa pagdadamit. Makikita natin madalas itong si Mr. Festival na laging dala ang kaniyang mga Festival props at siyempre, ang pouting-look! Saan ka pa?!


Wow! Parang nakikita ko si Gabby C. 15 years ago! Ito na yata ang pinaka malupet na facial expression ng binata! Gumamit pa ito ng lip gloss para mas maging maganada ang efek sa camera...at konting press fowder din! Bongga!


Hindi na mapipigilan si Miss Marlboro Green kapag ito'y nakaapak na sa dance floor. Sa sobrang pag "feel" niya sa sayaw, hindi na nya makontrol ang kanyang emosyon lalung-lalo na kapag ang tugtog ay ang 'brader luwi-luwi!" Mpapa pout ka sa sobrang saya!


Kupsit sabay pout; yan ang istilo ng ating Lion King! Pala tawa at komedyante ang binatang 'to, Wala na yatang mas lulupit pa sa kanyang mga Kupsit BK products na talaga namang napaka kwela at mabenta sa palengke. Ang kanyang kupsit pout ay talaga namang mkalag-lag Langka dahil sa sobrang appeal nito sa masa!


Wala na yatang tatalo pa sa pout ng singing sensation na si Yonabelle kahit may braces na si JK! Ito ang pout na siguradong tutunaw sa ating lahat! Daig nito ang lakas ng isang tabagwang na nakadikit sa pader. Isang tingin lang ng pouting look galing sa babaeng ito ay sure bol na malalaglag kung anu man ang iyong pinanghahawakan!

Wanted: Pictures, pix, photos! Send na lang sako!

Saturday, June 7, 2008

Disturbing Behavior IV

Hindi inaasahan ng TSOKO na magkakaroon pa ng isang masusing pagsisiyasat ng mga natatanging disturbing behavior para sa ika-apat na yugto. Maraming nakalap na ebidensya at impormasyon ang aming sources. Salamat na lang at kumpleto kami sa high-tech Kupsit spy gadgets, kung hindi, malamang ay wala ng chapter 4 ng Disturbing Behavior!

Sa ating ika-apat na yugto, mga panibagong mukha ang ating makikilala at ang iba naman ay ang mga sikat na mainstay sa Secret Ingredients etc! (anu pa nga ba?hihi). Sabay-sabay nating saksihan ang pag babalik ng Disturbing Behavior part 4!!!

Sleep my darling baby

Mukhang napalaban ng husto sa sayawan at alak itong si Bechay. Salamat na lang at nandyan ang Kupsit Pillows and Sheets para gawing komportable ang pagtulog ni Bechay kahit sobra ang kanyang hangover. Sino kaya ang nasa panaginip ng dalaga? Tanungin niyo na lang si Mr. Broon!

Chicken Dance Master Lowbat

Umaga na ng malaman ni Ligaya na nawawala ang kanyang nakolektang burubuskay sa dalampasigan. Pilit nya itong hinanap sa kanyang mga kasama sa cabin. Si Alien naman ay walang kamuwang-muwang na basa na pala ang kanyang salwal dahil sa sarap ng kanyang napanaginipan... umiihi daw sya sa dagat sa sobrang kalasingan. At ang Pitogo superstar na si Chicken Dance Master ay nakahilata pa rin sa kama. Naubos ang kanyang lakas sa sobrang pagka hyper nya sa dance floor nung gabi ng party.

Sweet Corn!

Wow!!! Talaga namang the best ang TSOKO! Isa sa mga pinaka mahusay na spy ng aming team ang nangalap pa ng mga ebidensya sa Pasig! Sa tagpong ito, mukhang sarap na sarap si Aratsi sa nabili nyang sweet corn! Isa sa tatlong inorder nyang mais ay nakain na nya, ang pangalawa naman ay hawak nya sa kanyang kanang kamay, ngunit nasaan ang pangatlo? Napatirik na lang ang mga mata ng binatang dalaga at sabay napasabing, "push it upward!" Tsk tsk, mas masarap nga ba kung may kasama pa itong butter?

Bato ni Darna

Panay ang paghahanap nina mr. Festival at Boy Kupsit ng burubuskay sa tabing dagat. Hanggang sa makatuklas ang Lion King ng 'di inaasahang bagay...ang bato ni Darna! Agad itong ipinagkaloob kay Mr.festival dahil hindi na kailangan ni Kupsit ang anting-anting. Ang tatlong kababaihan naman ay ipinamalas ang kanilang best pose & smile sa harap ng cam. Mapapansin ninyo na may itim sa mga mata nina Miss Marlboro Girl at Bechay...wala lang, naka shades kasi si Ligaya!HAHA!

Wat Nalambat

Ang former varsity volleyball star ng Unibersity of Malabog ay di maikakailang athletic talaga! S a eksenang ito, handa na sanang i-kill ng star player ang bola papasok sa kalaban. Sa sobrang taas ng talon ni Watsy na parang nag ala Jordan, nasobrahan ito ng elevation at acceleration; at dahil na rin sa sobrang hangin sa Pitogo... nawalan ng preno at tuloy sumalpok sa net. Sa kagandahang palad, hindi naman siya gaanong nasaktan. Kaunting marka lang ng net ang natamo ng kanyang pisngi.

The Soft Side of Haring T

Masayang nag inuman ang tropa para sa selebrasyon ng kaarawan ni ANgelo D. Suki nung nakaraang buwan. Si Haring T, ang hollywood guest ng celebrant ay sarap na sarap sa Red Horses! Anim na ang kanyang napatumbang bote kaya naman panay ang lapit nya a rakistang si J. But wait, anung nangyari at biglang nag back out ang binata?

Invasion of the Dancing Rabbits

Hindi na mapigilan ang Dancing Rabbit syndrome kaya naman kahit itong si Rockstar ay nahawaan na! Si Cool Dude naman ay balik sa kanyang dating kinagawian... ang mangurot ng Nips ng kapwa nya lalake! Habang naintriga naman si FB Nacho Libre sa narinig nyang Tsismis na nanggaling kay Chismax Queen and songbabe JK!

SMS

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH..LOL

The Granma Efek!

Napangiwi ang ating bida na si Cool Dude sa tagpong ito pagkatapos nyang laklakin ang 1 centimeter tagay ng Granma! Sa sobrang tapang ay nangyari nanaman ang inaasahan...The Cool Boy turned Show boy part 2!!!HAHAHA!

Abangan na lang po ang Disturbing Behavior V sa susunod nating pagkikita! Have a happy weekend GUYS!!!!

Thursday, June 5, 2008

United Colors Of Cool Dude & Kupsit


Ang pinaka-aabangang tambalan ng dalawa sa mga pinaka sikat na personalidad sa ating bansa ay naisakatuparan na! Si Cool Dude at Boy Kupsit ay nagkasama sa isang proyekto na talaga namang kaaaliwan ng karamihan. Ang proyektong ito ay ang pinag-samang konsepto ng isa sa mga premyadong TV network at ang malawak na imahinasyon ng dalawang talentadong binata. Hindi lang musika at pagsasayaw ang sakop ng kanilang mga kakayahan. Pinasok ni Cool Dude ang mundo ng hosting habang si Lion King naman ay tumutok sa pag didirek ng mga programa sa telebisyon kasama ng kanyang mga first-rate equipments, ang BK products.


Pumirma ng 1-year contract ang dalawa nagkakahalaga ng humigit kumulang P5,000 under Machopapa TV, isa sa mga kinagigiliwang music and entertainment tsanel na patok at sikat sa mga kabataan ngayon. Ang taping ay nasimulan na noong nakaraang buwan, at ang launching namn ng kanilang programang "Pimpled Ride" ay inere na noong nakaraang lunes. Ang TV premiere ng programa ay na sinalubong naman ng isang magarbong selebrasyon na naganap sa Legaspi Rotonda kung saan nag paulan ng fishballs, kwek-kwek, mani at palamig ang Machopapa TV. Ang Boy Kupsit (BK) Products at Red Horses naman ang main sponsors ng nasabing show.

Pimpled Ride show

Ang programang Pimpled Ride ay under ng BKTE o ang Boy Kupsit TV Entertainment Productions sa pakikipagtulungan ng Machopapa TV. Ang host ng nasabing programa ay walang iba kundi si Cool Dude sa direksyon ni Lion King BK. Ang show na ito ay may kinalaman sa pag papaganda at pag-aayos ng mga luma, sira at hindi-kagandahang mga kotse. Kada-lunes ay pipili ang staff ng isang lucky car owner para bigyan ang kanyang kotse ng isang bonggang overall make over. Walang gagastusin ang lucky winner na ito dahil ang BK Products Inc. ang siyang sasagot at mag susupply ng mga kinakailangang accessories at parts. Maganda ang naging TV premiere ng Pimpled Ride. Nasurpresa ang lahat ng magbigay ng special dance number ang host na si cool dude kasama ang mga tinitingalang dancers na sina Rita Avila aka Kung-fu Panda, Chicken Dance Master at Miss Marlboro Green. Successful ang unang episode dahil unang palabas pa lamang ay mataas na ang ratings. Maganda ang pag kaka host ni Cool Dude kasama ang kanyang mga artists, taong grasa at mekaniko na tinawag na Kupsit Krew, habang mahusay naman ang pag kakadirek ni Boy Kupsit.

Panoorin natin ang mga kaganapan na nangyari sa first episode:

Alien: First lucky winner!

Sinugod ng Pimpled Ride staff ang bahay ng ating very first winner sa si Alien. Siya ay nakahilata sa kama ng sya'y abutan ng staff, medyo lasing pa at wala sa sarili. Nabigla ang binata ng nalaman nya ang balita. Si Alien ay napasali sa contest dahil ito'y masugid na consumer ng Red Horses beer at siya ang nabunot sa nakaraang electronic raffle draw. Sa sobrang tuwa ng binata ay agad itong tumungo sa kanyang garahe upang kunin ang kanyang kotse na bibigyan ng overall make over at modification.

Before

Ito ang kotse ni Alien, simple at mistulang walang buhay. Madumi at mabaho ang interyor dahil dumikit na ang nicotine sa kanyang upholstery at may mga Boy Bawang pa sa ilalim ng carpet. Sira ang aircon, marami na itong gasgas sa ibat-ibang bahagi ng kaha, at higit sa lahat, walang sounds!!! Kaya ba itong ayusin at pagandahin ng ating bida na si Cool Dude at kanyang Kupsit Krew? Tingnan natin....

after

Naks naman! Sa sobrang bongga at kinang, sino ba naman ang maniniwala na ito ay ang dating kotse ni Alien??! Ibang klase talaga si Cool Dude, Kupsit Krew at ang BK products! Ang dating walang kabuhay-buhay na kotse ng binata ay isa na ngayong luxury item! Ang kinalabasan ng modification ay higit pa sa inaasahan ng karamihan. Ang kotse ay pininturahan ng latest Kupsit custom paint na may temang "smileys & flowers" na makikita ninyo sa exterior styling. Ininstall sa kotse ang dalawang surplus Carrier airconditioner sa likod at harap, 15inch B&W TV with family computer, muffler ng PNR train at isang damungkal pang BK products! WOW! Talagang Wagi!

Huwag kalilimutang manood ng Pimpled Ride para sa mga susunod na episodes sa Machopapa TV!!! Kita-kits!

Wednesday, June 4, 2008

Matsing Tayp (Part II)

Da Gerls Torn. Yu ken do et. Agen, der es a prays. Kis sabay Hag. Yododoy.