Showing posts with label Ligaya. Show all posts
Showing posts with label Ligaya. Show all posts

Saturday, June 7, 2008

Disturbing Behavior IV

Hindi inaasahan ng TSOKO na magkakaroon pa ng isang masusing pagsisiyasat ng mga natatanging disturbing behavior para sa ika-apat na yugto. Maraming nakalap na ebidensya at impormasyon ang aming sources. Salamat na lang at kumpleto kami sa high-tech Kupsit spy gadgets, kung hindi, malamang ay wala ng chapter 4 ng Disturbing Behavior!

Sa ating ika-apat na yugto, mga panibagong mukha ang ating makikilala at ang iba naman ay ang mga sikat na mainstay sa Secret Ingredients etc! (anu pa nga ba?hihi). Sabay-sabay nating saksihan ang pag babalik ng Disturbing Behavior part 4!!!

Sleep my darling baby

Mukhang napalaban ng husto sa sayawan at alak itong si Bechay. Salamat na lang at nandyan ang Kupsit Pillows and Sheets para gawing komportable ang pagtulog ni Bechay kahit sobra ang kanyang hangover. Sino kaya ang nasa panaginip ng dalaga? Tanungin niyo na lang si Mr. Broon!

Chicken Dance Master Lowbat

Umaga na ng malaman ni Ligaya na nawawala ang kanyang nakolektang burubuskay sa dalampasigan. Pilit nya itong hinanap sa kanyang mga kasama sa cabin. Si Alien naman ay walang kamuwang-muwang na basa na pala ang kanyang salwal dahil sa sarap ng kanyang napanaginipan... umiihi daw sya sa dagat sa sobrang kalasingan. At ang Pitogo superstar na si Chicken Dance Master ay nakahilata pa rin sa kama. Naubos ang kanyang lakas sa sobrang pagka hyper nya sa dance floor nung gabi ng party.

Sweet Corn!

Wow!!! Talaga namang the best ang TSOKO! Isa sa mga pinaka mahusay na spy ng aming team ang nangalap pa ng mga ebidensya sa Pasig! Sa tagpong ito, mukhang sarap na sarap si Aratsi sa nabili nyang sweet corn! Isa sa tatlong inorder nyang mais ay nakain na nya, ang pangalawa naman ay hawak nya sa kanyang kanang kamay, ngunit nasaan ang pangatlo? Napatirik na lang ang mga mata ng binatang dalaga at sabay napasabing, "push it upward!" Tsk tsk, mas masarap nga ba kung may kasama pa itong butter?

Bato ni Darna

Panay ang paghahanap nina mr. Festival at Boy Kupsit ng burubuskay sa tabing dagat. Hanggang sa makatuklas ang Lion King ng 'di inaasahang bagay...ang bato ni Darna! Agad itong ipinagkaloob kay Mr.festival dahil hindi na kailangan ni Kupsit ang anting-anting. Ang tatlong kababaihan naman ay ipinamalas ang kanilang best pose & smile sa harap ng cam. Mapapansin ninyo na may itim sa mga mata nina Miss Marlboro Girl at Bechay...wala lang, naka shades kasi si Ligaya!HAHA!

Wat Nalambat

Ang former varsity volleyball star ng Unibersity of Malabog ay di maikakailang athletic talaga! S a eksenang ito, handa na sanang i-kill ng star player ang bola papasok sa kalaban. Sa sobrang taas ng talon ni Watsy na parang nag ala Jordan, nasobrahan ito ng elevation at acceleration; at dahil na rin sa sobrang hangin sa Pitogo... nawalan ng preno at tuloy sumalpok sa net. Sa kagandahang palad, hindi naman siya gaanong nasaktan. Kaunting marka lang ng net ang natamo ng kanyang pisngi.

The Soft Side of Haring T

Masayang nag inuman ang tropa para sa selebrasyon ng kaarawan ni ANgelo D. Suki nung nakaraang buwan. Si Haring T, ang hollywood guest ng celebrant ay sarap na sarap sa Red Horses! Anim na ang kanyang napatumbang bote kaya naman panay ang lapit nya a rakistang si J. But wait, anung nangyari at biglang nag back out ang binata?

Invasion of the Dancing Rabbits

Hindi na mapigilan ang Dancing Rabbit syndrome kaya naman kahit itong si Rockstar ay nahawaan na! Si Cool Dude naman ay balik sa kanyang dating kinagawian... ang mangurot ng Nips ng kapwa nya lalake! Habang naintriga naman si FB Nacho Libre sa narinig nyang Tsismis na nanggaling kay Chismax Queen and songbabe JK!

SMS

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH..LOL

The Granma Efek!

Napangiwi ang ating bida na si Cool Dude sa tagpong ito pagkatapos nyang laklakin ang 1 centimeter tagay ng Granma! Sa sobrang tapang ay nangyari nanaman ang inaasahan...The Cool Boy turned Show boy part 2!!!HAHAHA!

Abangan na lang po ang Disturbing Behavior V sa susunod nating pagkikita! Have a happy weekend GUYS!!!!

Friday, May 30, 2008

Disturbing Behavior III

Naging mahirap sa TSOKO ang pangangalap ng mga inpormasyon at datos para sa ika-tatlong yugto ng Disturbing Behavior. Maraming sensitibong bagay ang hindi dapat buksan sa mata ng publiko, subalit ginawa pa rin namin ang lahat upang ihatid ang isa nanamang mawkela at kontrobersyal na "unguarded moments" na naganap, saan pa? Kundi sa Pitogo! HAHA. At meron din palang ibang mga eksena na kuha sa birthday celebration ni Angelo D. Suki!:D

Kaya humanda na ang lahat, itigil ang inyong pag pipindot sa 'makinilya' at sabay-sabay tayong maging saksi sa mga natatanging disturbing behavior...ika-tatlong tagpo! Ay sandali lang, nais ko rin mabatid kung sino talaga ang Tander. Marami na ang nagiging agresibo at bayolente dahil sa nilalang na ito. Tsk tsk. Pati si Tsip Carol d' Protector ay di nakaligtas. Bueno, heto na po...

**************************************************

The Wednesday Group

Mistulang mga celebrity ang barkadahan sa tagpong ito. Sa eksenang ito, matatandaan natin ang mga magaganda at mga papalicious na miyembro ng That's Entertainment. Siyempre, hindi mawawala ang ating bida na si Cool Dude na medyo may hawig kay Jojo Alejar. Anjan rin si Mr.Oasis na may hawig kay Romnick! Wow, at si Tootsie Guevarra nandyan din! Pero wala akong natatandaan na si Ultra-Man ay kasapi rin sa Wednesday group.Tsk tsk..

Ultraviolet Vision

Paubos na ang isang buwang sweldo ni Ligaya dahil talaga namang minamalas siya sa sugal. Trenta pesos na lang ang natitirang cash sa kanyang bulsa habang ang Tong-its master na si Alien ay tiba-tiba na sa kanyang napanalunang salapi. Desperada na ang dalaga, kailangan nyang manalo at mabawi ang kanyang pera dahil may paglalaanan ito...pambili ng METatayon. Nilabas na ni Ligaya ang kanyang dirty tactics! Halos maputol na ang kaniyang ugat sa bandang leeg na nag sanhi ng stiff-neck sa kakasilip sa baraha ng ating starlet na si JK...

Nacho Libre Dive

Walang duda na kakayanin ni FB ang gantong stunt. Base sa kanyang resume, naging stuntman/double siya ng Pinoy superhero na si Bagwis! Naging madali sa kanya ang pagtawid sa electric fence, ngunit sa kasamaang palad, sumabit ang isa sa kanyang matutulis na in-grown sa paa. Sayang!

Kung-Fu Panda Fever

Laganap na ang Kung-Fu Panda moves na pinauso ng KFP guru na si Rita Avila aka Cyntia Patag! Sa tagpong ito, walang humpay na pinag-husayan ni Salvy ang pagkabisado sa sayaw na siya namang ituturo nya sa kanyang mga kababarrio.

Kupsit Strikes Again!

Nagkagulo sa Pitogo hall ng agawin ni Boy Kupsit ang mikropono sa hindi malamang kadahilanan. Yun pala, gusto lang ipakita ng Lion King ang kanyang bagong produkto, ang EKWJ (Easy Kupsit Water Jug)! Idenemonstrate ng nag ala promodizer na binata kung paano ang tamang pag-pakupsit ng orange juice mula sa jug. Natuwa ang lahat sa quality at performance ng kanyang Kupsit products!

I Saw The Sign!

Nawili ng sobra ang ating Miss Marlboro Green ng patugtugin ang "brader Luwi-luwi!" Sarap na sarap ang dalaga sa paggiling kasama ang kanyang kaibigan, walang iba kundi si Chicken Dance Master! Nagrequest pa Si Miss MG at Badong sa Dj kung pwede pang ulitin ang kanta na siya namang ikinawindang ng marami! Nag showdown ang dalawa to the max, kung sa bicol, "nagpaaralpugan!"

Uhum!

Kurot Sa Dibdib

Hindi nakapagpigil ang bidang si Cool Dude ng tanggalin ni Angelo ang kaniyang shirt. Walang-alinlangang kinurot nito ang maselang bahagi ng katawan ng walang-labang si Angelo. Si Rockstar naman ay nawawala na sa kaniyang sarili sa tagpong ito.

Kitty-Kiti Girls

Sa dance floor ulit...

Napagod na rin sa wakas si Miss Marlboro Green! Hindi na ito masyadong hyper. Si Kuting aka Emily Rose naman ang hindi nag papigil sa dance floor na parang nakatira ng extra joss, habang si Michikoy naman ay kinakapa pa ang tamang steps ng Chicken dance.

*******************************************

Dito nag tatapos ang ika-tatlong yugto ng Disturbing Behavior. Asahan niyo na hindi dito magtatapos ang ating segment kahit konti lang ang nasagap ng TSOKO. Marami pang dapat abangan na siguradong magpapasaya sa ating lahat! Have a happy weekend Pipol! Shottings na!

Coming SOON........