Showing posts with label Pout. Show all posts
Showing posts with label Pout. Show all posts

Sunday, July 27, 2008

Secret Ingredients ETC Goes To Manila: The Adventures of Angelo D. Suki & Friends (SPECIAL EDITION)

Ang Simula ng Paglalakbay ni Angelo (uhum)

Ang head ng Sec. Ing. ETC's TSOKO team na si Angelo D. Suki ay dumayo pa ng Maynila upang kumustahin ang mga natatanging nilalang na ngayon ay nagsisimula ng kanilang panibagong buhay sa malaking syudad. Umalis ng madaling araw ang layas na si Angelo, bitbit ang kaniyang bag at kanyang killer smile... Dito nagsimula ang kanyang adventure! Ang kwento ay ilalahad ng mga kwelang images at mga videos na sobrang nakaka aliw. Check it out!

*******************************************************

MGA KAGANAPAN

Napagod kaka stroll ang tropa...naks, sosyal ang drinks ng dalawang dalaga, tsk tsk!




ooops!!! What do we have here? Uhum..Sino ba sila?Ask Jeremy a.k.a. the Lover Boi na lang!


Oh yes!!! Isa sa mga new found friend ng mga boys...Lalapit ba si Lover Boi o hindi?


Never mind! Masyadong mailap si Miss... Karen yoohoo..:D



Let's get the party started - Dennis


Naks naman! Iba ang tama ng Senadora. Tsk tsk..FYI, siya lang ang nag red horse saamin! Astig!



Clash of the Crablet and The Shrimp!



Phoebe calling her Legaspi friends!


Ang taba na ni Arachi!!!!:D


Wow! Ang cool na cool na Zen ultra-modern gadget ni Arachi ay pinag piyestahan ng mga rockers! Anu pa nga ba kundi PORNO clips!!!

The supreme Pout Master... Arachi Rey



Mr. Festival & the Pout Pioneer


Dennis & Cardz...mahaba-habang inuman!


*********************************************************************************



Bagets 3!

***********************************************************************************




Messages para sa mga Legaspi friendships!:D

**********************************************************************************




Party Time!!!!

*****************************************************************************




Ang pinaka favorite ng mga boys!!! It's Showtime!

*******************

Waw...ang saya namin diyan, as in! Alam kong memorable ito kay Dennis, Lover Boi at sa lahat ng aming nakasama sa gimik na itoi! Sana next time, kasama na yung iba..Hanggang sa muli, enjoy... at ako'y matutulog muna..bugbog sa byahe eh.. Mwah!!!

Thursday, June 12, 2008

Pout To Da Maks II

Sa wakas, thousanaires na uli tayo! Congrats sa ating lahat. Anyway, andito nanaman tayo sa pinakabagong segment ng Secret Ingredients ETC...ang Pout To da Maks part 2. Sa ating ikalawang yugto, ibat-ibang mukha ang ating makikilala, mga panibagong entries na muling mang aakit sa atin...gamit ang kanilang mga Power Pout Looks!

Sino ba naman ang hindi mabibighani sa mga labing mapupula na puno ng kariktan? Juicy lips ika nga! Dito natin masasaksihan ang ibat-ibang uri ng Power Pout na talaga namang makalag-lag brief! Hindi ko na papatagalin pa dahil ako mismo ay excited na! Heto na ang mga natatanging nilalang suot ang kanilang mga mapang-akit na pout 2 da maks...

**********************************************************************

2 cute little pout

Wow! Ang birthday girl na si Senadora at ang pinkistang si Poknat ay walang alinlangang ipinamalas ang kanilang killer pout habang si Dennis the Baker naman ay nagka stiffed-lips sa kaka smile!

Sweet Brusko Pout

Anu kaya ang nakita ni Homie at siya'y biglang napapout? Ito ba ay dahil sa kaniyang nakaing Bicol express? O ang tinga ng prinitong manok na natrap sa kanyang mga ngipin?



Pout ala Mommyoh!

Kahit busing-busy sa pagpapak ng pananghalian itong si Mommyoh, hindi ito naging hadlang para ipamalas niya ang kanyang power pout! Hindi lang isa kundi dalawang nag uusbungang pout poses! Napag alaman ng TSOKO na pagkatapos makuha ang kodak na ito ay dali-daling lumaklak ng tubig si Mommyoh dahil sa nakabarang buto ng chicken sa kanyang lalamunan! Kaya pala naka taas ang kilay...

The G's Pout

Hindi kumbinsido si G sa kanyang narinig na joke galing kay Dancing Rabbit master Arj, kaya binigyan na lamang ito ng isang Art Paper Pout (APP) na ibig sabihin ay..."Whatever!" Taray ng lola mo.:D

Oops Pout

Sa hindi sinasadyang pagkakaton ay nakunan ng kodak ang pinaka-tinatagong killer look ni Shamitos...ang Oops Pout! Lagi nya itong ipinamamlas pag nakikinig sa mga R&B songs.

the drunkard's pout

Hindi talaga maitatanggi na masarap ang Red Horses bir na siya namang paboritong laklakin ni Mr. Broon! Maganda ang epekto ng Red Horses, napapapula nito ang labi ng sinu mang bruskong lalake. Tingnan niyo naman ang lips ni Mr. Broon at parang isang malinamnam na makopa na kahit sinong Eba ay hindi makakapag pigil na papakin ang mga labi ni Broon! Hindi magiging epektibo ang look na ito kung hindi mo sasamahan ng isang mapang akit na beautiful eyes!:D

Pa demure Pout

Ang singing sensation at ang former no.1 sa Pout to da Maks top 10 ay hindi pa rin paaawat sa pagpapamalas ng kaniyang mga killer looks. Ang pout na ito ay hindi alintanang mas "buskad" sa naunang yugto. Subalit, isa pa ring wagi ang kanyang demure pout na talaga namang kababaliwan ng mga bruskong menchu!

Sarap Asim Pout

Hindi na napigilang mapa pout ni Pranz dahil sa nalanghap nyang masangsang na amoy na parang inihaw na sibuyas na kadalasan nating naamoy sa burger! Bakas sa mukha ng dalaga ang 'di maipaliwanag na sensation dala ng misteryosong sarap asim scent na nanggaling sa kilikili ng hindi nakilalang suspek.


Pa kiss Pout

Ito ay isa sa mga pinaka cute at pinaka effective na Power Pout Looks! Ang mabisang pout na ito ay sadyang malakas ang appeal...kaya nitong makipagtukaan sa isang daang lips sa loob lamang ng isang minuto! Astig! BABALA sa mga dalagita: Huwag magpapadala sa look na ito at baka yan ang maging sanhi ng pagka Loka de amor...so powerful talaga!

No Look Pout

Ang No Look Pout ay pinauso ng ating kasamahang si Cyber-Men. Ito ay kadalasang nakikita sa mukha ng machopapa kapag nakakakita siya ng flash drive at mga nag dadownload ng movies, mp3s at iba pa! Ito rin ang kaniyang expression kapag mag cchange power!


Pout ala Angelina Jolly

Last but not the least... Ang pinakapipitagang pout ngayong linggo na matyagang siniyasat ng TSOKO...Ang Angelina Jolly pout! Lahat ay mapapasigaw ng, "Labi pa lang, ulam na!" Ang mga labing ito ay tumitimbang ng half kilo each..pwedeng-pwede ng iihaw at papakin kapag nasa outingo inuman! Oh yeah! Salamat sa impormasyon at detalye courtesy of Oka Tokat!

Abangan ang part 3 sa susunod na kabanata ng...Pout To Da Maks!!!

HAPPY BIRTHDAY GLADY & GLENDA!!! mwah!

Have a happy weekend pipz! Withdraw time!

Tuesday, June 10, 2008

Pout To Da Maks!

Pout... yan ang pinaka makalag-lag brief sa lahat ng mga facial expressions. Ito ay kadalasang ginagawa ng mga modelo sa mga pictorials. Ang pag-pout ay sadyang mapang-akit, madrama at higit sa lahat...umaapaw sa appeal! Hindi lang mga tanyag na modelo ang mahilig magsuot ng pouting-face kundi mga ordinaryo at kalog na mga indibidwal na makikita mo lang sa tabi-tabi.

Sa araw na ito, makikilala natin ang mga taong ito na suot ang kanilang mapanindak na pouting-look! Kilalanin natin isa-isa....

Si Haring T ang tipo na laging blangko ang mukha, dahil na rin sa sobrang puyat sa kaka rehearse ng mga stage plays at sa tambak na vaklogs.hihi. Pero kahit ganun kabigat ang dinadala ng mamang 'to, 'di pa rin paaawat si Haring T sa pag hahasik ng kanyang killer pout!

Uhum...excuse me po! :D Kahit medyo wasted na si Angelo D. Suki sa kanyang mga kalokohan at sa kaka research ng mga inpormasyong sobrang maka buluhan, hindi pa rin nahiya na makipaglambingan sa camera ang mokong kahit hindi pa nakapag retouch...Aww, twist and Pout!


Ito si John Oloks, ang nababalitang sangkot sa ating "pahapyaw sa blind-item"... Mahilig itong mag-pout pag may nakikitang mga bruskong guys sa paligid. SMB!


Woah! Si JK!!! Parang hindi na magkasya sa monitor! Ganda naman ng braces! Naka pout sana siya ngunit mas napili pang ipagmayabang ang kanyang 50K stainless braces na gawa sa pandayan diyan sa Maroroy!


Naks naman! Mr. Festival with his Pout Festival look. Si Mr. Festy ay nahahanay na sa mga matitinding fasyonista sa kasalukuyan dahil sa kanyang creativity sa pagdadamit. Makikita natin madalas itong si Mr. Festival na laging dala ang kaniyang mga Festival props at siyempre, ang pouting-look! Saan ka pa?!


Wow! Parang nakikita ko si Gabby C. 15 years ago! Ito na yata ang pinaka malupet na facial expression ng binata! Gumamit pa ito ng lip gloss para mas maging maganada ang efek sa camera...at konting press fowder din! Bongga!


Hindi na mapipigilan si Miss Marlboro Green kapag ito'y nakaapak na sa dance floor. Sa sobrang pag "feel" niya sa sayaw, hindi na nya makontrol ang kanyang emosyon lalung-lalo na kapag ang tugtog ay ang 'brader luwi-luwi!" Mpapa pout ka sa sobrang saya!


Kupsit sabay pout; yan ang istilo ng ating Lion King! Pala tawa at komedyante ang binatang 'to, Wala na yatang mas lulupit pa sa kanyang mga Kupsit BK products na talaga namang napaka kwela at mabenta sa palengke. Ang kanyang kupsit pout ay talaga namang mkalag-lag Langka dahil sa sobrang appeal nito sa masa!


Wala na yatang tatalo pa sa pout ng singing sensation na si Yonabelle kahit may braces na si JK! Ito ang pout na siguradong tutunaw sa ating lahat! Daig nito ang lakas ng isang tabagwang na nakadikit sa pader. Isang tingin lang ng pouting look galing sa babaeng ito ay sure bol na malalaglag kung anu man ang iyong pinanghahawakan!

Wanted: Pictures, pix, photos! Send na lang sako!