Showing posts with label secret ingredients. Show all posts
Showing posts with label secret ingredients. Show all posts

Tuesday, August 26, 2008

Pakinabangan Natin Ang Secret Ingredients!

At dahil lahat tayo ay naging bahagi na ng buhay natin ang Secret Ingredients, pakinabangan din natin siya ngayon. Sa lahat po ng may mga blog diyan na dating kasama sa trabaho na gusto i-add ang blog nila sa blogroll, mag-iwan na lamang po ng mensahe. Ilagay ang mga sumusunod na impormasyon:

1. Pangalan ng may-ari ng blog
2. Ang URL at ang anchor text ng blog mo.

Ilagay po ang lahat ng ito sa comments at hindi sa cbox.

Marami pong salamat. :D

By the way, bisitahin niyo din bago kong blog sa atomicgirl.net. Hehe.

Monday, May 26, 2008

Kumukulong Pakulo


Dahil kayo'y naintriga at kami'y natutuwa sa dami ng nagbabasa ng napakamabuluhan na blog na ito, nais naming magpasalamat sa inyo sa pamamagitan ng isang pakulo. We're having a contest guys!

Sa post na Bureyking Nyus!, mayroong mga nabanggit na mga residente ng Barrio Maepep. Maraming nagtanong kung sino sila. Ngayon, para manalo sa pakulong ito, kailangan mong magsulat ng isang blog post sa sarili ninyong blog na naka-link dito sa blog na ito. Kailangan mong sabihin kung sino ang mga taga-Barrio Maepep at kung sino-sino sila sa totoong buhay. Kailangan mo ding sabihin kung bakit the best ang Secret Ingredients. Pagkatapos, mag-iwan ng comment sa blog post na ito kung saan ilalagay ninyo ang permalink ng ginawa ninyong blog post. Puwedeng English o Filipino ang gamiting midyum sa pagsusulat. Bahala kayo. Hanggang May 31, 2008, alasdose ng hatinggabi matatapos ang pakulong ito kaya magsimula na kayong mag-isip kung sino nga sila. Hindi puwedeng sumali ang mga taga-Barrio Maepep. Kailangan din pala na i-link sa mga blog ng mga taga-Barrio Maepep. Para masaya.

Kung maraming tama ang sagot, magkakaroon ng palabunutan para mapili ang mananalo. Isang bote ng Fit 'n Right 330mL ang mapapanalunan. Kasama na rin pala ang isang halik mula sa kahit sinong tagaBarrio Maepep.

O ano pang hinihintay niyo? Pag-isipan niyo na at sumali sa aming pakulong ito.

Sunday, March 16, 2008

Bloggable Enough For Ya?


Humahalukay ube ako sa mga lumang litrato ko na nakalimutan ko na'y naririto pa rin pala sa folder ko. At sa aking paghahalukay ube, nahanap ko ang larawan na ito. Isang scandal. Siyempre, hindi ko na papangalanan kung sino sila pero kung kilala niyo ang mga taong nagsusulat sa blog na ito, malalaman niyo kung sino ang mga andirito sa larawan. Hulaan niyo na lang kung sino ito.

Nakakatawa nga lang at parang pareho sila tuwang-tuwa sa nangyayari. Kinuha pala ito noong isang taon ngunit hindi ko lang matandaan kung anong eksaktong petsa. Basta sa Chef's House ito at gabi na nang maganap ang karimarimarin na larawan. Nakakatawa nga't mukhang hindi pa sila lasing. Pero ang isa sa mga taong naririto sa larawan ay may sinabi ring rebelasyon - may gusto daw siya sa isang kaopisina niya (tu da lep, tu da lep). Hay naku.

Mabuti nga at naipost ko na ito. Maaari ko na siya ngayong i-delete sa aking files at nakakahindik kung mahagilap ko pa siya sa mga susunod na araw (o buwan o taon).

Sa mga nagsusulat sa blog na ito, kapag may mga gusto kayong i-share sa sangka-blog-an, mangyaring huwag mahiya at magsulat na. Tinutubuan na kasi itong blog na ito ng lumot.

Ay teka. May pinuntahan kaming bahay noong nakaraang Sabado at ang kulay ng loob ng bahay na yun ay kasing kulay ng blog na ito. Haha. Sayang nga at walang nakaisip na kuhanan ng larawan ang interior ng bahay na yun.

Siya. Sobrang haba na nitong sinulat ko. May naghihintay pa sa akin na ilang articles at kailangang matapos ko na siya ngayon para makatulog pa ako ng mahaba-haba. Ay... hindi pala. Hindi pala ako makatulog dito. Mambubulabog na lang ako sa ibang nagtatrabaho pa dito. Para masaya.