Thursday, September 25, 2008

Sa Anak Ko, Kung Sakaling Mawala Ako Bigla At Hindi Ko Masabi Sa Iyo To

*galing sa peyups*

Anak, sa maniwala ka o sa hindi, ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko.

Kahit hindi kami naging mag-asawa ng nanay mo, sana huwag kang magtatampo kung ikasal kami sa iba at magkaroon ka ng mga bagong kapatid. Magmahalan kayo bilang magkakapatid, at huwag ninyong gawing telenobela ang buhay ninyo dahil sa walang kakwenta-kwentang bagay.

Mahalin mo ang nanay mo. Wala siyang ibang inisip kundi kapakanan mo. Kung paluin ka man niya o sigawan, ito ay dahil may nagawa kang hindi sang-ayon sa mga prinsipyo niya. Itanong mo kung bakit ka niya pinapagalitan. Kung mali naman talaga, huwag mo nang ulitin.

Piliin mong mabuti ang mga kaibigan mo. Huwag sumali sa barkada na may iisang stereotype. Huwag sumali sa barkada na puro jologs, puro conio, puro bakla, puro nerd, puro manginginom, o puro manyak. Siguraduhin mong nakikita mo ang lahat ng klase ng tao sa barkada mo. Mas marami kang matututunan sa kanila kesa sa TV o sa bahay mo. Marami silang maituturo sa yo na hindi namin kaya, o hindi appropriate na kami ang magturo.

Maging fluent ka sa written and spoken English. Pag-aralan mong mabuti ang subject-verb agreement. Huwag kang matakot mag-consult sa dictionary o thesaurus kapag may hindi ka naiintindihan. Kasi anak, darating ang araw, makakaapak ka sa ibang bansa, at sigurado akong marami kang makakausap na hindi makakaintindi ng Tagalog. Kahit saang sulok sa mundo, makakahanap ka ng nagsasalita ng English.

Gawin mo ang lahat para matuto kang mag-gitara. Pag-aralan mo ding kumanta ng nasa tono. Kahit saan mo kasi dalhin ang gitara, maaaliw ka e. Isipin mo yung mga bulag. Hindi sila nakakapag-Playstation. Hindi sila nakakapag-Internet. Hindi sila nanonood ng TV, at hindi sila nakakapag-enjoy sa mall. Pero bigyan mo sila ng gitara at pakantahin mo, matutuwa sila. May kuryente man o wala, mapapasaya ka ng gitara.

Makinig ka sa mga kanta ng Beatles. Kapag naging aware ka na sa pag-develop ng musical style ng Beatles, kahit anong genre kaya mong i-appreciate. Sa kanila ka matututong magsulat ng poetry, at sa kanila mo rin matututunan kung paano lagyan ng music ang poetry na ito. Saan ka nakakita ng banda na lampas 30 years nang naghiwalay, patay na ang ilan sa mga miyembro, pero sikat at ginagaya pa rin? Beatles lang ang makakagawa nun, anak.

Pagdating mo ng college, huwag mong kakalimutang subukan lahat ng kalokohan sa mundo. Bakit college? Kasi kung high school ka magiging sira ulo, mawawalan ka ng options sa college. Baka sa walang kwentang money-centric computer institute ka bumagsak. Mag-aral ka ng mabuti sa elementary at high school. Dapat makapasok ka sa UP, Ateneo, La Salle, o UST. Dapat maganda yung course mo. Sa college, balansehin mo yung academics mo tsaka kalokohan. Gumimik ka pero pasukan mo lahat ng klase mo kinbukasan. Huwag magpakalasing kung wala kang siguradong uuwian at kung walang aalalay sa yo pag sumusuka ka na. Wag maadik sa droga. Sumubok kang mag-marijuana pero subok lang. Kung dadating yung panahong hindi mo na mapigilang makipag-sex, siguraduhin mo lang na gaganda ang lahi natin kung sakaling mabuntis mo yung makaka-sex mo. Practice safe sex. Wag mong kakalimutang mag-survey ng lugar kung may camera o wala. Kawawa naman ang nanay mo kung malalaman niyang may scandal ka.

Huwag mong gawing trial and error ang pagkakaroon ng girlfriend. Alamin mo muna kung ano ang kaya mong ibigay sa isang relationship, at kapag nalaman mo na, doon ka maghanap ng isang babaeng magiging masaya sa mga maibibigay mo. Pakinggan mong mabuti ang mga kuwento ng girlfriend mo. Alamin mo kung ano ang mga gusto niya at mga ayaw niya. Huwag mong sisigawan. Dahil ang babae, kapag pinakinggan mo siya at alam niyang nirerespeto mo siya, mamahalin ka nun habambuhay.

Pagka-graduate mo, iwanan mo na ang mga araw na umaasa ka pa sa ibang tao para mabuhay. Matuto kang mag-ipon. Alamin mo kung tama yung kinakaltas sa sweldo mo. Pinaghirapan mo yang pera na yan. Huwag mong hayaang kunin na lang ng kung sinu-sino. Bago ka gumastos, lagi mong itanong sa sarili mo kung ang bibilhin mo ay isang NEED o isa lamang WANT.

Sana maging accountable sa lahat ng ginagawa mo. Oo, hindi maganda ang sitwasyon nung dumating ka sa mundo. Pero sana sa paglaki mo, huwag mong sisisihin ang mga pangyayaring ito kaya ka nagrerebelde o nalulugar sa masamang landas. Ang buhay mo ngayon ay dahil sa desisyon namin na mabuhay ka. Pero tandaan mo to: lahat ng mangyayari sa buhay mo e dahil sa mga desisyon mo.

Anak, marami pa akong gustong sabihin sa iyo. Buti na lang naitanong ko sa isang kaibigan ko kung ano ang kaisa-isang advice na maibibigay niya sa anak nya, at eto yung nasabi niya sa kin. Sa lahat ng maibibigay kong advice, eto ang pinakamahalaga:

LEARN.

Huwag kang matakot matuto. Matuto ka sa Discovery at National Geographic channels. Matuto ka sa library. Matuto ka sa Internet. Matuto ka sa news. Matuto ka sa Bible, Koran, at teachings ni Buddha.

Matuto ka sa mga pagkakamali namin ng nanay mo. Matuto ka sa mga kaibigan mo.

Matuto ka sa mga pagkakamali mo.

Saturday, September 13, 2008

SCARY...

Guys, medyo boring posts namin lately, courtesy of the corny queen herself, JK!!! HAHAHA! Joke lang. ''GOBIL" lang yan amiga!

Anyway, ang inyong matutunghayang video ay isa lamang sa mga nakalap na paranormal activities dito sa mundong ibabaw. Habang wala tayong magawa sa buhay, mag enjoy muna tayo sa panonood ng natatanging eksenang ito na ubod ng kanguraspakan!HAHAHAHA!!!

WARNING: Not for the faint-hearted... Ihanda ang inyong sarili sa isang nakakakilabot na engkwentro!..........

z
z
z
z
z
z
z
z
z
z
z
zz
z
z

z
z

Thursday, September 11, 2008

Fiftieth Birthday?

Ano nga ba at Fiftieth Birthday ang title ng post na ito? It's like he's not so Farang Bata anymore. Or is it a Fersonal Bisyo to stay old? I know what I'm writing is fo Fucking Boring pero I don't care. I just wanna say that a Filipino Beer-drinker is having his birthday. Sino nga ba?

a. Fharlie Boma
b. Feonel Baya
c. Folops Boderos
d. Fona Bespinosa
e. Fexter Baldon
f. Falie Buenaagua
g. Farang Bangag ang nagsusulat - wala sa mga choices noh!

And so sino nga? Ang kulit anek? Siya.


GIF animations generator gifup.com

And so...

HAPPY BIRTHDAY FB!

Tuesday, September 9, 2008

Mas May Lumalandi Pa Kay Lando!

Yiz. May mas lumalandi pa sa ating malanding Lando, a.k.a. Bug Marley.


*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*



Salamat kay Green Pinoy.

Thursday, September 4, 2008

Trivia Sa Kantang 'Happy Birthday'

Wala lang. Naaliw lang kasi ako. Kasi sabi ng prof ko noon sa BroadComm, kailangan mo pa daw kumuha ng pahintulot para lang gamitin ang kantang 'Happy Birthday' sa isang pelikula, palabas, o commercial.

Eto ang nahanap kong depinisyon ng kantang ito sa Wiki:
"Happy Birthday to You," also known more simply as "Happy Birthday," is a traditional song that is sung with joy to celebrate and commemorate the anniversary of a person's birth. Per the Guinness Book of World Records, "Happy Birthday to You" is presently noted as the most well recognized song in the English language, followed by, yet just as well liked, "For He's a Jolly Good Fellow" and "Auld Lang Syne". The song's base lyrics have been translated into at least 18 languages.
Kaya yun. Wala lang. Tapos aliw na aliw pa ako sa kantang Happy Birthday ng Click Five.

Hey you
I know I'm in the wrong
Time flies
When you're having fun
You wake up
Another year is gone
You're twenty-one

I guess you wanna know
Why I'm on the phone
It's been a day or so
I know it's kind of late
But Happy Birthday

Yeah yeah whoa
I know you hate me
Yeah yeah whoa
Well I miss you, too
Yeah yeah I know
I know it's kinda late
But Happy Birthday

So hard
When you're far away
It's lame but I forgot the date
I won't make the same mistake
I'm so to blame

So now you know
Don't hang up the phone
I wish I was at home
I know it's way too late
But Happy Birthday

Yeah yeah whoa
I know you hate me
Yeah yeah whoa
Well I miss you, too
Yeah yeah I know
I know it's kinda late
But Happy Birthday

It's not that I don't care
You know I'll make it up to you
If I could, I'd be there

Yeah yeah whoa
Yeah yeah whoa

Well I miss you, too
Yeah yeah I know
I know it's kind of lame
But Happy Birthday

Yeah yeah whoa
I know you hate me
Yeah yeah whoa
Well I miss you, too
Yeah yeah I know
I know it's kind of late
But Happy Birthday
To you

Ay teka. May taong may birthday ngayon? Talaga?

Happy birthday Con!




Ang Pagdadalaga ni Lando (aka Bug Marley)

Eto si Lando. Kilala din natin siya bilang Bug Marley.
Isa siya sa mga manunulat ng Secret Ingredients. Isa din siyang taong nakadreads at mahilig sa Gudang.

Siguro dahil sa kanyang trabaho, o dahil gabi siya kumakayod, o marahil sa medyo late niya makuha ang kanyang sahod at wala na siyang makain, o dahil siya'y kadalasang natatamaan sa ErSopt, o siguro dahil katol na lang ang kanyang tinitira, isang malaking pagbabago ang naganap kani-kanina lamang. Siya'y biglang nagdalaga.

GIF animations generator gifup.com


Say niyo ngayon mga sister? :p

Ang magdelete kaini, lapa. Wahaha!

Tuesday, September 2, 2008

Pa-GET TOGETHER Echos

Umuwi si Mr. Festival kamakailan para sa fiesta sa kanilang nayon at para painumin ang mga uhaw na mga camels sa oasis na forty-eight years nang hindi nakakatikim ng serbesa...











wala lang...










Gusto ko lang naman ibahagi sa mga hindi nakadalo sa munting kasiyahan ng gabing iyon ang mga kaunting larawan na nakalap ng TSOKO...










...na forty-eight years din ang pag-upload...

Monday, September 1, 2008

Ingat Sa Mga Nilalagay Ninyo Online

Ingat po tayo sa mga nilalagay ninyong impormasyon online. Maaaring hindi niyo nga credit card number (tulad ko na walang credit card) pero ang ibang impormasyon na ayaw niyong ipangalandakan (tulad ng birthday niyo) eh wag niyo nang ipagkalat.

Kanina lamang at wala akong magawa, nagsesearch ako sa Gugul ng kung anu-ano. Siyempre, isang dokumento ang tumambad sa monitor ko. At nang aking buksan, aba! Files ng WayPek! Aba, aba, aba. At makikita mo dito ang pangalan ng mga miyembro, ang YM ID (ctc?), ang selpon number (wer u? d2 n me.), address, email, at birthday (inuman na!). Ayan. Sige. Ano masasabi niyo? Kasi ako, ayoko na ganito nakikita ang aking mga impormasyon. Kakatakot. Malay mo may bigla na lang pumunta sa bahay niyo dahil alam ang full address mo. O di ba?

Kung alam niyo keyword na ginamit ko, baka makuha niyo ang same file. Diretso download pati. O kung gusto niyo malamang kung anong impormasyon ninyo ang nasa Internet, try niyo gamitin ang pangalan ninyo o kung ano mang keyword na related sa inyo. Wala lang. Tignan niyo kung anong madiskubre ninyo.

Anyway, happy birthday sa mga September babies:
  • Badong - 08
  • FB - 11
Haha. Madulag pa kamo?

This public service announcement was brought to you by the Labor Day holiday in the US at kami'y naririto at nagtatrabaho. Waaaahhhh! :(