Sunday, March 16, 2008

Bloggable Enough For Ya?


Humahalukay ube ako sa mga lumang litrato ko na nakalimutan ko na'y naririto pa rin pala sa folder ko. At sa aking paghahalukay ube, nahanap ko ang larawan na ito. Isang scandal. Siyempre, hindi ko na papangalanan kung sino sila pero kung kilala niyo ang mga taong nagsusulat sa blog na ito, malalaman niyo kung sino ang mga andirito sa larawan. Hulaan niyo na lang kung sino ito.

Nakakatawa nga lang at parang pareho sila tuwang-tuwa sa nangyayari. Kinuha pala ito noong isang taon ngunit hindi ko lang matandaan kung anong eksaktong petsa. Basta sa Chef's House ito at gabi na nang maganap ang karimarimarin na larawan. Nakakatawa nga't mukhang hindi pa sila lasing. Pero ang isa sa mga taong naririto sa larawan ay may sinabi ring rebelasyon - may gusto daw siya sa isang kaopisina niya (tu da lep, tu da lep). Hay naku.

Mabuti nga at naipost ko na ito. Maaari ko na siya ngayong i-delete sa aking files at nakakahindik kung mahagilap ko pa siya sa mga susunod na araw (o buwan o taon).

Sa mga nagsusulat sa blog na ito, kapag may mga gusto kayong i-share sa sangka-blog-an, mangyaring huwag mahiya at magsulat na. Tinutubuan na kasi itong blog na ito ng lumot.

Ay teka. May pinuntahan kaming bahay noong nakaraang Sabado at ang kulay ng loob ng bahay na yun ay kasing kulay ng blog na ito. Haha. Sayang nga at walang nakaisip na kuhanan ng larawan ang interior ng bahay na yun.

Siya. Sobrang haba na nitong sinulat ko. May naghihintay pa sa akin na ilang articles at kailangang matapos ko na siya ngayon para makatulog pa ako ng mahaba-haba. Ay... hindi pala. Hindi pala ako makatulog dito. Mambubulabog na lang ako sa ibang nagtatrabaho pa dito. Para masaya.

Wednesday, March 5, 2008

The Other Kalaka

Guys, meet Arnold Kalaka. Nget hu!
Yaman din lamang na nagtatagalog na ang mga manunulat ng blag na ito, aba, hindi din ako magpapahuli. Subalit, datapwat, mahina ako sa tagalog, kaya't sa punto pa lamang na ito, ako ay humihingi na ng paumanhin sa mga mambabasa ng blag na ito. Ang nais ko lamang naman po ay ipakalaka sainyo si Arnold(Nget hu! pa din)


CHEDENG! Siya po si Arnold!

Pagkilala(Acknowledgement):
Ako po ay nagpapasalamat sa SOCO para sa masusing pangangalap ng larawan ni Arnold Kalaka.

Tuesday, March 4, 2008

Aparisyon Sa Manhattan

Noong nakaraang Linggo, nagkaroon ng munting salo-salo at swimming sa Manhattan Beach Resort sa Sto. Domingo, Albay (at hindi sa New York). Selebrasyon kasi ng kapanganakan ng aming katrabahong si Ryan. Umulan ng alak at tawa (nang malasing na ang sangkatauhan). Maraming larawan din ang kinuha at nang aming tignan, may isang aparisyon na lumabas.

GIF animations generator gifup.com
GIF animations generator gifup.com