Monday, May 26, 2008

Nang Tumanda Si Angelo D. Suki

Isang araw, nabigla na lamang ang lahat ng malamang araw ng kapanganakan ni Angelo D. Suki. Hindi ko lubos maisip na natandaan pala ng mga magulang niya ang araw na siya'y iniluwal sa mundo. Akala ko pa naman ay isinabog lang siya ng Mayon at tumilapon sa harap ng kanilang bahay. Ngunit hindi pala ganun. (Pero ang kuwentong ito ay hindi tungkol sa kapanganakan ni Angelo D. Suki)

Kung kaya nagsimula ang araw na iyon nung dumating ang ating may birthday. Mukha siyang walang tulog at mukhang lasing pa. Sabagay, sino ba naman ang hindi papasok sa opisina ng lasing at antok kung alas-tres na ng umaga natapos ang inuman dahil sinalubong ng mga tropapips ang kanyang araw ng kapanganakan. Mahilig talaga itong si Angelo D. Suki sa magarbong selebrasyon. Pero gustong-gusto din naman namin ang ganun. Haha.

Sa opisina, hindi ko alam kung natulog siya maghapon tulad ng dati niyang ginawa. Pero nang dumating ang alas-tres ng hapon, nagpakain si Angelo D. Suki. Hindi siya ang kinain. Nagpaluto siya ng pansit sa isa din naming tropapips. Masarap as usual ang pansit. Siyempre pa, hindi na nawala ang inumin. Oo, hindi alak ang pinainom ni Angelo D. Suki. Kasi nasa opisina pa raw kami. Maghintay daw kami kasi mamayang gabi ay ang kanyang Birthday Concert. Kung ano man yun, hanggang ngayon, hindi ko pa malaman kasi English yun eh. You know.

Siyempre, nung gabi na, dumagsa ang mga uhaw sa alak sa Chef's Haus kung saan ilang bote ng Matador ang tumambad sa amin. Hindi lang Matador ang naroon kundi pulutan, iced tea, at beer din. Ang bilib nga ako kay Angelo D. Suki dahil lahat ng nakalatag sa mga mesang inukupa ng mga nagsipuntahan ay lahat donated by. Ang ideyang iyon ay malapit ko na rin isagawa. Haha. At dahil dun, isang bow sa iyo Angelo D. Suki. Asteeg nga eh.

Ayaw ko nang isa-isahin ang mga nangyari ng gabing iyon. Tignan niyo na lang ang mga larawan sa baba at mag-iwan ng koment kung ano man ang inyong mga maikukuwento tungkol sa mga tao sa larawan.

Basta marami ang nalasing. Marami ang nakikanta. Marami ang nabusog. At tumanda si Angelo D. Suki. Haha. Para sa iyo Angelo D. Suki, sana'y linggo-linggo ay kaarawan mo. Para masaya.

GIF animations generator gifup.com


GIF animations generator gifup.com
P.S. Balita ko'y may part two daw ang inuman ng araw ng kapanganakan mo. May isang pipit na nagsabi sa'kin. Hehe.

JK's Debut Album

the album cover

Hindi natin maipag-kakaila ang talento ng ating kasamahan na si Jesika Kalaka. Umaga, tanghali, hapon hanggang lumubog ang araw, naririnig natin ang kanyang makalaglag-brief na boses mula sa kaniyang kinauupuan. Maliban sa kanyang mala-higanteng tawa (kalaka), talagang talentado itong si JK. Ang kanyang mga influences ay sina Lianne Rhymes, Jessa Zaragosa, Tina Paner at Pelita Corales.

At the age of two, nasaulo na nya ang kantang 'Twinkle-twinkle Little Star" na talaga namang nagpamangha sa kanyang mga magulang. Hindi lubos maisip ng kaniyang mama na ang gatas ng kambing ay mabisa para ma-enhance ang skills ng isang bata. Kaya hanggang naging makulit at malusog na 4th grader itong si JK, patuloy pa rin itong lumalaklak ng milk. cool.:D

Nang makarating ng hayskul, patuloy na hinasa ni JK ang kanyang talento sa pagkanta. Sumali ito sa mga aurora prosesyon bilang isang 'kantora' sa kanilang barangay tuwing bakasyon at sa mga amateur singing contest sa kanilang probinsya.

'Di naglaon, naging sikat si JK sa larangan ng musika at ngayon ay pinag aagawan na ng mga talent scouts. At sa wakas, pumirma ito ng P3,000.00 1-year deal sa isang sikat na recording company. At sa darating na linggo, ang kanyang pinakaka abangang album ay ilalaunch na. Ang "JK Learns How To Pluck". Ang album ay hango sa makulay na buhay ni JK. Sa kaniyang mga kanta ilalathala ang kanyang mga karanasan sa buhay, lalung-lau na ang kaniyang mga "first-time" experiences. Ang debut album ay nagkakahalaga ng P40.00. Pwede itong tawaran ng P35 at 25 pesos ang pinaka sagad. Mabibili ito sa Hong enterp. at sa lahat ng Muslim Music outlets sa buong bansa.

Tangkilikin ang sariling atin! JK, we are proud of you!

Friday, May 23, 2008

Cool Dude Turned Show Boy: Remembering The Pitogo Night

the cool dude

Nagsimula ang lahat ng lumubog ang araw sa karagatan ng Pitogo Beach resort. Si "Cool Dude", ang ating bida, ay masugid na hinanda ang mga kinakailangan para sa isang kasiyahan sa gabing iyon. Masipag, galante at maasikaso etong si cool dude. Nang makuha ang baso, shot glass, pitsel at iba pang mga kasangkapan para sa inuman, dito na nagsimula ang transpormasyon ng ating bida...

ang namumulang si cool dude (after 3 shots)

Naging masaya ang pulong-pulong ng mga mag kakatrabaho at magkakaibigan sa Cabin 5. Mas naging kwela pa ang kwentuhan ng mag pasabog si FB aka Nacho Libre ng mga makatindig-balahibong mga "quotes" na binigkas ni Romy Diaz sa kaniyang mga pelikula:

FB: "Maghubad ka na nene!" at "hehe...yan ang gusto ko, lumalaban!hehehe!"

Naaliw ang lahat lalung-lalu na si Zarah. Sa sobrang saya ng jamming ay naisipan ng magkakaibigan na bumuo ng isang Fight Club. First match: Cool Dude vs Bug Marley. Heto ang ilan sa mga tagpo.

Ang bakbakang cool dude at Bug Marley kasama ang mga kasapi ng FC

Pagkatapos ng laban, naubos na rin sa wakas ang isang litrong GranMa at dumating na rin ang inorder ni Angelo D. Suki...prinitong manok at adobong pusit. Nang biglang...

G


...isang maliit na tinig ang narinig mula sa pinto."Oist, duman na lang daa mag irinom sa hall." Si G pala! Napagpasyahan ng grupo na lumipat na sa function hall para sa second round ng inuman. Dali-dali nilang binitbit isa-isa ang mga pangkabuhayan showcase.

Sa Function Hall...

Si cool dude (after 13th tagay)

Dito na nagsimula ang "transformation" ng ating bida. Hindi akalain ng lahat na si cool dude ay isa rin palang Show Boy. Nang kantahin ng isang content writer (allen) ang 'Di Na Ako Aasa Pang Muli', biglang tumayo si cool dude at inagaw ang mikropono na hawak ng walang puwang na binata. Walang-hiyang bumirit ang cool dude at lumapit sa kanyang babaeng sinisinta...(aaaaaaayyyy)


Miss Marlboro Green

Heto po ang ilan sa mga linya ng kanta:

Ilang gabi na akong lito
‘Di ko maisip kung bakit nagkalayo
Mahal kita ngunit mahal mo siya
Ang hinihiling ko lamang mahalin ka niya

CHORUS
‘Di na ‘ko aasa pang muli
Kung ikaw ay babalik, saka na lamang ngingiti
Tandaan mong mahal kang talaga
Tanging ikaw lamang ang nasa aking alaala

INTERLUDE

Naglalakad, hawak-kamay
Tila bang ligaya n’yo’y walang katapusan
Ang nakaraan nating dalawa
‘Di ko na makita sa ‘yong mga mata

[Repeat CHORUS]

BRIDGE
Sa iyo sana’y maghihintay
Ito ang gusto ko sa habambuhay
Ngunit…

Pagkatapos ng mapanlaglag-brief na awitin ng ating bida, ang sumunod na mga eksena ang bumulantang sa lahat! Nag hubad ng T-shirt ang cool dude sabay umakyat ng long table at nag ala Giggolong sayaw na ikinabaliw ng karamihan. Hahahahhahahahahaha! Todo ang tawanan nina Jesika at Arnold Kalaka sa mga sandaling iyon, pati na rin ang lahat na nakasaksi sa mga pangyayari. (hindi kami pinayagan ng MTRCB mag post ng mga lawaran kuha sa eksena ng mga pangyayari dahil sa mga malalaswang imaheng nakita!)

Heto na lang...Ang Kasagsagan ni Cool Dude a.k.a. The Show Boy @ Pitogo!


Wednesday, May 21, 2008

Birthday Speech


Ako with the Rockstar ;)

Matagal tagal na rin bago ko uli maisipan na maghandog ng isang marikit na post dito sa aming Secret Ingredients corner. Hindi ko maipapangako na matutuwa kayo sa aking ilalathala, subalit, nais ko lang ipadama ang galak kong pasasalamat sa mga nilalang na nagmamahal sa akin. Ang aking pamilya, mga kaibigan, katrabaho at katropa, kasama na rin ang mga taong nasaktan ko at mga nag paiyak sa akin.

Sa aking ika 25th kaarawan, naramdaman ko ang higit na pagmamalasakit ng aking mga close friends. :D. Naka tanggap ako ng isang napaka cute na cake at isang original Adidas basketball shorts na aking gagamitin sa Huwebes. makakatulong ito sa aking mga lateral moves at shooting. Kaninang umaga, ipinagluto ako ng aming katulong ng isang napakasarap na sotanghon. Kahit mali-late nako, hindi ako nag atubiling dumampot at kumain ng isang platito. Masarap siya, lalu na yung mga itlog ng pugo(Quail egg) .

Bago ko makalimutan, bago nag alas dose ng hating gabi kagabi (tama ba), sinalubong ko kasama ng aking mga magigiting na kaibigan ang aking kaarawan. Sila ay sina FB Palacio aka Nacho Libre, Ryan RaknRoll, Dynes the Cool Dude, Mike the Cutipie, Chef Kiko, Jo d' Sexy, Jessika Kalaka, Pinkista, Luis oink-oink at si Buddy Love. Tumagay kami ng dalawang litro ng brandy, at apat na bote ng red horse na may kasamang Krispi Nakols at litson manok. Binati ako ng aking mga kaibigan thru text pag sapit ng alas dose. Panay naman ang kanta ng B-day song ang aking mga kasama na siyang ikinagalak ko ng sobra. Sino pala si Angelo D. Suki? Sounds familiar.

Buweno, birthday ko pa ngayon! Ako'y uuwi muna at bibili ng pagkain para pang blow-out ko mamaya sa bahay. Sa ganitong paraan, mararamdaman ko ang aking pag asenso. LOL. At medyo sumasakit nanamna ang tiyan ko, ako'y magpapahinga na para sa aking Birthday concert @ the Chef's House. See you there na lang! Salamat sa inyong lahat! Love you Guys! Happy Birthday din kay Rhiz!

Sino Si Angelo D. Suki?

Sino nga ba? Kayo na bahala.


GIF animations generator gifup.com

GIF animations generator gifup.com

GIF animations generator gifup.com


Owel. Happy happy happy birthday! Inuman na!