Showing posts with label JK. Show all posts
Showing posts with label JK. Show all posts

Thursday, April 16, 2009

Panda Origins: Lil' Po

Medyo bitin ang aking baksyon sa Kabikolan noong nakaraang Holy Week... Ngunit masaya at puno ng galak ang mga araw na yun. Puno ng tawanan, adventures, alkohol at pulutan. Ngunit ang pinaka magandang nangyari noong nakaraang linggo bukod sa inuman at kuro-kuro kasama ng aking mga kapamilya at kaibigan, ay ang aking engkwentro sa isang Legendary baby boy.

Kung may X-Men Origins: Wolverine sa Hollywood, meron din tayo sa ating munting province... Hatid sa atin ng Secret Ingredients ETC entertainment and TSOKO Productions ang.....

Panda Origins: Lil' Po

Dito lang po, as in dito nyo lang mapapanood ang umaatikabong trailer ng nasabing palabas na siguradong pipilahan sa pinilakang tabing! Kewl! Ang bida sa pelikulang ito ay ang cute na anak ng nalaos na celebrity singer na si Jesikka Kalaka. Kung nasaan man siya ngayon, huwag na siyang magpapakita. HAHAHAHA! Ang premiere night ng Panda Origins: Lil' Po sa Roselle Cinema ay nakatakda sa a-kinse ng Hulyo 2009! Starring din sina Mek as Master Tsipoo the Red panda, Mayan (love-ineterest ni Lil' Po), Oloks as Matsing, Cool Dude as Mr. Tipaklong, Pink-Poknat as Master Tiger Balm, Bug Marley as Salampati, Yonabelles as Alimoranon, FB the HB as Tai Short, JK as Master Pong-Pagong at special guest si Mr. Joel Bean. Special guest din si ARJ the dancing rabbit... WOW!!! Star-Studded!!!!! So abangan ang Panda Origins: Lil' Po dahil siguradong kaaliwan ng buong pamilya!!!

*
*
*
*
*
panoorin ang trailer!





Legend tells of a legendary warrior...


Monday, February 2, 2009

Three-Day Christmas Party

Day 1:
Nakaplano talaga. Merong Christmas Dinner kami kasi pare-pareho kaming mga walang pinuntahan na Christmas party (except kay Yonabelles). Tsaka munting salo-salo din ng mga taong walang magawa sa buhay. Kaya nagtipon-tipon kami sa kabayahan ni Pedring! (Yiz Atee?).

Ang aming pinagsaluhan? Sosyal kami. Carbonara. Roasted chicken. Garlic bread. At red tea. O di ba? Bonggang bongga! Kasama sa salu-salo sila Poknat, Yonabelles, John Olops, at siyempre, si Pedring! (Yiz Atee?) kasi nga bahay niya yun. May cute na cute pa nga siyang Christmas tree eh.



Nung umuwi sila Poknat at Yonabelles ng mga bandang 9 ng gabi, aba'y ang tatlong natira - ako yun, si John Olops, at si Pedring! (Yiz Atee?) - ay nanood ng Eva Fonda. Sa lahat naman kasi ng puwedeng ipalabas ay yun pa ang channel na aming napuntahan. Take note, lahat kami nagsasabi ng kung anu-ano kontra sa palabas pero di rin namin pinapalitan ang channel. Wahaha. Napaghahalata.

Anyway, sa aming pagninilay-nilay, naisipan naming uminom at pinuntahan namin si FB. Aba'y si FB ay taong bahay sa kanila noong gabing iyo kaya't di nakarating sa aming salu-salo. Pero nakatikim din siya ng pagkasarapsarap na carbonara na gawa ni JK na pagkaganda-ganda naman. Wahaha.

Ano pa't lumabas na ang Matador at aming pinagpiyestahan. May chicharon din palang lumabas kaya't si FB ay kumuha din ng sukang pinakurat. Kung ano man yun, basta yun na yun.



Day 2:
Pinuntahan namin ni Poknat si Pedring! (Yiz Atee?) sa kanyang tahanan kasi wala kaming ibang magawa. At nung andun na kami ay biglang naisipan ni Poknat na uminom. Pero nagninilay-nilay pa kami kung itutuloy ang naiisip.

Dumating si Jho D' Sexy at kami'y naghuntahan ng mahigit isang oras. Dumating na din si John Olops. Nung umalis si Jho D' Sexy, ice cream ang gustong kainin ng sangkatauhan. Nag ice cream kami, thanks to Poknat! Yahoo!

Nung uuwi na ako bago mag-alas dose (Cinderella kasi ako eh! Wehehe!), ayaw akong pauwiin ng mga mokong at mag-iinuman na lang daw. Kaya si Matador ay nagpakitang muli at inumaga na kami ng inom.


Day 3:
At dahil dalawang araw nang umiinom, nagmukha kaming SQwater kinaumagahan. That's Day 3. Nagtagal pa kami dun hanggang halos magtanghali.

Friday, July 18, 2008

Ang Pagbibinata NI JK (SPECIAL EDITION daw)


Malaki ang naging presensya ni JK sa barkadahan (speaking literal) at sa ating munting ofis noon. Isa sa mga namimiss natin sa dalagang-ama na ito ay ang kanyang makagibang-dibdib na halakhak, ang bungisngis sa kanyang mukha maghapon, ang kanyang mga napaka korning jokes at ang never-ending singing festival.


Ang 'special post' (daw) na ito, na sadyang hinintay ni JK noong nakaraang linggo pa ay narito na! Walang iba kundi ang selebrasyon ng kanyang pagbibinata. Noong nakaraang July 10, araw ng kanyang kapangakan, ay sinalubong na ito ng sangkaterbang text messages at greetings galing sa kanyang mga gutom at uhaw na mga friendships. Nag umpisa ang lahat sa District Ofis ng DP habang naghihintay ng basketball game ang binatang-ina (mahilig ito sa mga bsketbol players). Biglang dumating ang cute na cute na si Poknat na may dalang cute na box at kasama nito ang isa sa mga espesyal na tao sa buhay ni JK... si John Oloks! Ang alam ng lahat ay nasa Maynila itong Kimerald die hard (pero alam kong nandito na siya). In short, sinorpresa ng maliit na dalaga ang kaniyang friend...

Pose bago Blow



Blow blow blow... and make a wish! (lovelife?)


Aba aba, naki-blow din ng candle ang pretty girl na si Jho D. Seksi! Pagbigyan!

Cake eating time


Ini-slice na ni Master Chef Kiko ang cake at pinagpasapasahan na ito ng tropa. Nanguna sa pagpapak ng cake si Jho D. Seksi na talaga namang sarap na sarap sa kaniyang kinakain!

Hapi Berday Mamu! - Kai-Kai a.k.a. lil' Po

***********************************************************

THE CELEBRATION


Ang nakatakdang araw ng selebrasyon ng kapanganakan ni JK ay dumating na. Sinugod ang party house (thanks kay Ate Pinx) ng tropapips na kinabibilangan nina Tanging Ina Yonabelle w/ kids, the Chef and First Lady, Angelo D. Suki, Cool Dude, Bug Marley, FB Nacho Libre, Poknat, Jho D. Seksi, Mike Monggopie, Pedring, Jamil, Haring T, Teyon, JK's cousin at siyempre, si John Oloks!


Tuwang-tuwa ang mga bruskong binata dahil umaapaw ang alak, iced tea at sangkatutak na pulutan na karamihan ay Donated By (mandatory). HAHAHAHA! Joke lang...

***********************************************************************
SPECIAL GREETINGS

Happy Birthday Bro! - from: John & Ringgo
******************************************************


Ang dalawa sa mga featuring na pulutan! Yummy!

***********************************************
Ang mga sususunod na tagpo na ating matutunghayan ay hango sa mga aktwal na mga pangyayari sa isa nanamang makasaysayang kaganapan sa buhay ni JK! Check it out!

Katsoob! Katsoob! Naka Tsiken Joy ang Cool Dude!


Scary!!!


Another Cool Kupsit Product...



The Gift!



The Not-So-Cool Dude

Love Triangle?;))




Ang Tanging Ina... Yonabelles



the early birds


Syet ang saket!

Sleep my darling Bebe!

Once again, Happy Birthday to Miss Pauline Rose Galias aka atomic girl, Jesikka Kalaka, Fred Flinstones, the Mob, the Group, the Heavyweight, pound for pound, extra large, go big time etc...HAHAHAHAHAHAHA!!!!


P.S: Belated Happy Birthday din kay JEREMY, and kay JULIET ''babygurl" Advanz... at sa mga nakalimutan kong batiin... HAPPY BIRTHDAY! Let's all be happy!

Thursday, May 29, 2008

Disturbing Behavior II

Sa nakaraang DB1 chapter, marami tayong nadiskubreng kagila-gilalas na mga kaganapan. Umaapaw ang kasiyahan sa Pitogo! Sa unang yugto ay ginimbal tayo ng ating bagong kasamahan na si Badong 'd Chicken Dance Master. Akala nating lahat na ang binatang ito ay misteryoso, 'di naman pala kundi isang kenkoy din katulad ni Cool Dude. Mabuhay ka Badong!

Ngayong araw ay pagtutuunan natin ng pansin ang chapter 2 ng Disturbing Behavior kung saan mas lalung pinakulay, pinabongga at pinakwela ang mga tagpo, saan pa, kundi sa Pitogo! HAHAHA!

Chapter 2...

Moral Support From Sto. Niño?

Abala ang lahat para sa pangalawang laro ng timbilding, ang electric fence. Ang lahat ay nagtatalo at nag iisip kung anong pinaka mabuting strategy para manalo sa napakahirap na larong ito. Bale ang electric fence ay may boltaheng 000000 Kilowatts at may laking 2 1/2 square-feet. Tsk. Bakas sa mga mukha ng team members ang hindi mai-drawing na pag-aalinlangan. Pero teka lang...may isa nanamang aparisyon na naganap! Nag pakita ang mahal na sto. niño sa Pitogo! Anu kaya ang dahilan ng kanyang pagpapakita? Tsk...

Success!

Naging matagumpay ang first attempt ng team 2! Kitang-kita sa mga reaksyon ng mga members ang sobrang galak na nagdulot ng tears of joy kay miss Faithful. Wow, at si badong...at ang kaniyang famous Chicken Dance! Si Watsy ay napatalon at ang iba naman ay nakalulon ng buhangin sa sobrang gaslaw!


Pinagpasa-pasahan

Lahat ng miyembro ng team ay kinakailangang makatawid sa electric fence. Ang susunod na sasabak ay si ALAL. Medyo takot ang dalaga at mistulang napapaluha, sino ba naman ang gustong makuryente? Sa sobrang dedication, ginawa pa rin nya ang nararapat! Pinag-pasapasahan ng mga bruskong boys ang dalaga! At ito'y matagumpay! Shoot!

Pasan Ko Ang Mundo!
Pinagpawisan sa kili-kili ang mga bruskong lalaki ng team 1...Dito nakita ang tunay na kahulugan ng teamwork ng dahil kay RK! NAKS!

Haayaah!!!

Ehem! Naks naman! Inapply ni Angelo D. Suki ang kanyang Kung-Fu Panda moves sa tagpong ito. Hindi nyo nalalaman na si A.D.S. ay kababata ni Kung-Fu Panda master Rita Avila sa Jovellar (all things trivia). Sa kasamaang palad, 'di sya nagtagumpay...tsk. Liit naman kase ng square!HAHAHA!

Run Salvy Run!

Ang pinakahuling tatawid sa fence ay si Salvy. Mabangis na pumorma ang bruskong binata malayo sa fence, pumorma ito at sabay tumakbo ng matulin. Ang akala ni Salvy ay babalda sya sa string ala Shadowcat..tsk tsk..hindi nangyari ang inaasahan, subalit naging matagumpay pa rin ang Team 1!

JK and Misslyn

Anu ba 'tong hand gesture? Medyo may pagka-naughty! Anu kaya ang sinisimbolo nito? Ito kaya ang opposite ng Pitogo?hihi...o ang sign ng JK fans club? Oops, andiyan pala si Broon, ang president ng JK Fans Club at hairstylist ng starlet!

Ang Dating Doon?

Habang nag sisiyesta ang karamihan, hindi naiwasang mag sharing ng magagandang balita ang tatlo sa mga pinaka bagong miyembro ng Dating Doon. Sila ay sina Sister Mina, Poknat (ang taga-basa) at si Sister Kung-Fu Panda (interpreter ng mga pipi't bingi). Basa kapatid!

Spot The Difference

Pag masdan kung alin sa anim ang may pagkakaiba? Siyasatin mula ulo, bewang hanggang pata, ay paa pala.

Ang babaeng nasa bandang likuaran naman ay abala sa pag kokodak sa kaniyang sarili.

Emily Rose, is that you?

Ang fasyonista at marikit na si Kuting ay mistulang nasapian ng masamang espiritu ng kaniyang malanghap ang mabantot na amoy na nanggagaling sa kubeta? Sino kaya ang suspetsado?

Senadora Sa Damuhan

Sa sobrang nakaing extra rice, hipon at bicol express, 'di na nakayanan pa ng Senadora ang tawag ng trono! Sa kasamaang palad ay may gumagamit ng kubeta. Agad syang tumungo sa malapit na damuhan. Sa sobrang pag mamadali, sya'y natalisod at saka nya naramdaman na false alarm lang pala.

Yen @ 3pm

Ang tagpong ito ay nakuha bandang alas tres ng hapon habang nag papahinga ang lahat sa kanilang mga kabana. Nakalimutan ng magandang dalagang ito na inumin ang kaniyang 2pm daily medication. Nalipasan na ito kaya ganito ang nangyari sa kanya.

Normal stage

Nabigyang lunas ni Boy Kupsit ang cute na babaeng si Yen. Balik na ito sa kanyang normal na pag-iisip. Salamat sa mga nakolektang mahiwagang buru-buskay sa dalampasigan, buti na lang at may background sa Major in Spiritual Healing itong si Kupsit. Tuwan-tuwa naman si Yen at handa na itong pumarty anytime habang si Miss Faithful naman ay napaiyak sa sobrang tuwa!

Diyan nagtatapos ang ikalawang yugto ng Disturbing Behavior! Hanggang sa susunod!!! Kita-Kits sa Pitogo! :D

Tuesday, May 27, 2008

JK VS JB: There Can Only Be One

There can only be one..

Malapit na ang album launching ng dalawa sa mga pinipitagang starlet ng music industry. Ito ang pinaka mainit at maaksyong laban sa biritan, kurutan at halakhakan ngayong taon, 'highly-anticipated' ika nga. Lahat ng residente ng Barrio Maepep ay handa na upang salubungin ang kanilang idolo na tubong Barcelona, Sorsogon na si JK aka Fred Flinstones. Si Jesika Kalaka ay naka schedule sa linggo upang ilaunch ang kaniyang debut album na pinamagatang, "JK Learns How To Pluck", habang si Yonabelle aka Johny Bravo kasama ng kaniyang kaanak na nag mula pa sa Bulan, Sorsogon ay handa na rin sa kaniyang album launching sa darating na lunes. Wow, anu pa ba ang mas iinit kesa dito?! Ang Opis? pwede rin.

Nagiging tensyonado na ang rivalry ng dalawang songbirds sa kasalukuyan. Ayon sa hindi nag pakilalang source na aming nakapanayam na itago na lang po natin sa pangalang Rosalie Buenaagua, dati pala silang mag 'Amiga". Nawasak ang kanilang pagkakaibigan ng dumating sa buhay ni JK si MAO. Hindi na nakwento ng aming source kung anu talaga ang dahilan, lumalabas sa aming imbestigasyon na ang tanging sanhi ng pag aaway ay 'Love Triangle'. Huwaaat?! Ilang araw lamang ang nakalipas at ang aming source ay tinangkang panain sa puso...ni Kupido! Aduduy...at ang mastermind? Si FB Nacho Libre. Tsk.

si MAO

Una naming nakapanayam ang personal assistant ni JK na si Mech na tubong Jovellar. Medyo friendly ito sa PRESS, ipinagtimpla kami ng kape with a pinch of sugar habang hinihintay naming matapos ang pictorial ni Jesika Kalaka. Nang matapos ang photo shoot ng starlet, agad namin siyang binato ng mga katanungan.

TSOKO: Bakit?

JK: I know why you're here, Yonabelle. I know what you've been doing... why you hardly sleep, why you live alone, and why night after night, you sit by your computer. I know because I was once looking for the same thing. And when it found me, it told me I wasn't really looking for that thing. I was looking for an answer. It's the question that drives us, Yonabelle. It's the question that brought you here. You know the question, just as I did.

TSOKO: huh?

JK: I'd like to share a revelation that I've had during my time here. It came to me when I tried to classify your species and I realized that you're not actually mammals. Every mammal on this planet instinctively develops a natural equilibrium with the surrounding environment but you do not. You move to an area and you multiply and multiply until every natural resource is consumed and the only way you can survive is to spread to another area. There is another organism on this planet that follows the same pattern. Do you know what it is? A virus. Your specie is a disease, a cancer of this planet. You're a plague and I am the cure.

TSOKO: Psst...Oist...come again?

JK: I know you're out there. I can feel you now. I know that you're afraid... you're afraid of me. You're afraid of change. I don't know the future. I didn't come here to tell you how this is going to end. I came here to tell you how it's going to begin. I'm going to hang up this phone, and then I'm going to show these people what you don't want them to see. I'm going to show them a world without you. A world without rules and controls, without borders or boundaries. A world where anything is possible. Where we go from there is a choice I leave to you.

TSOKO: hmm..yeah..Huwaaaat? Mauli na kami!

Medyo maanghang ang pananalita ni JK at medyo nakaka antok, nawindang kami sa Ingles ng starlet!whoooo!

Anu naman kaya ang sagot ng kanyang karibal?...

Yonabelle: If I'm a plague, then people worship plagues. If I were you, I wouldn't want to be the cure 'coz the people don't actually want to be cured, especially if it's you. LOL

tsk tsk tsk...Lagot! Pano ba 'to, bakbakan na!!! San kayo pupusta?

good luck JK and JB

PS: Thanks Bug Marley sa napakagandang picture...wow! Perfect!

Monday, May 26, 2008

JK's Rival


ang makulay na debut album cover

Kung may Lavinia at Doreen Pineda, Mara Clara, B1 & B2, Julio at Julia and of course, FPJ at Romy Diaz, siyempre hindi pahuhuli ang Jesika Kalaka at Yonabelle rivalry. Matagal-tagal na ring nagbabanggaan ang kapwa starlet. Sino ba naman ang makakalimot nang kanilang "showdown" sa "dance floor" ng Pitogo Beach Resort. Chos! Kung experience ang pag-uusapan, lamang lang ng bahagya ang superstar na tubong Bulan, Sorsogon dahil sa nakalipas na pitong taon, dalawang tropeyo na ang kanyang natanggap habang ang superstar from Barcelona (sorsogon) naman ay isang tropeyo pa lamang. Lumalabas na medyo mas masipag itong si Yonabelle aka Johny Bravo kesa kay JK.

Buweno, ang rivalry ng dalawa ay umabot sa larangan ng musika. Kung sa darating na linggo ang launching debut album ni Jesika Kalaka, humabol at nag recording na rin itong si Yigae. Magaganap ang kanyang album launching sa lunes, June 2, 2008 sa bangketa ng Daraga Market-Market (malapit sa estasyon ng tren) kung saan darating ang mga special guests na si Dennis the Baker, Bert the Cybermen at marami pang tinitingalang mga persona from showbizniz. Ang debut album ni Yonabelle ay pinamagatang "No More Extra Rice" na hango sa kanyang personal na mga karanasan. Sa kanyang debut album, may isang track kung saan may special number ang sikat na si Cool Dude. Ito ay ang remix ng "Dino 'Ko Aasa Pang Muli" at 'Popepopepe-PoPo.' May duet din kasama ang world-renowned stage actor na si Haring Tsinelas. Inaasahang magiging matagumpay ang kanyang album launching next week.


There can only be one...

Hindi maitatanggi na ang dalawang superstars ay malulupit pag dating sa kantahan. Aasahan ng mga fans na magiging kwela ang kanilang rivalry. Mabibili rin ang copy ng "No More Extra Rice" sa lahat ng Muslim Music Outlets sa buong bansa.

Special Promo: Buy a copy of Yonabelle's album with autograph at the nearest Hong Eterp. and get a free poster of Kimerald;)

P.S: Yonabelle o JK? Your choice, your music!

Safe........