Wednesday, July 9, 2008

The Adventures Of Cool Dude & Dennis The Baker

Sa hirap ng buhay sa probinsya, at dahil na rin sa nawalan ng trabaho noong June 19, nagpasya ang mag kaibigan na si Cool Dude at Dennis the Baker na makipag sapalaran sa syudad. Sa isang luma at kalawanging bapor sila sumakay dahil mura ang pamasahe. Excited ang dalawa sa panibagong adventure sa kanilang buhay...

*****************************************************

Sa kasamaang palad ay nadatnan sila ng paparating na bagyo sa gitnga ng karagatan. Ang bagyong Frank & Burgers ay humagupet sa sinasakyang barko ng dalawang bida. Lumubog ito ng dahil na rin sa sobrang laksa ng alon at ihip ng hangin. Bumigay na ang kalawanging barko. Tsk tsk...


***************************************************

Sa awa ng Diyos ay nasagip ang buhay ng dalawang binata. Napadpad si Cool Dude at Dennis the Baker sa isang isolated at 'Virgin' island. (uhum, paborito ng dalawang bida) Inikot nila ang buong isla sa pag aakalang may mga taong nakatira doon... ngunit wala silang nasilayan 'ni isa. Kahit si apokalipto ay wala rin dito.


The Virgin Island


Sa sobrang gutom ay sinanay ng dalawa ang kanilang hunting skills para makahuli ng kahit anong pwedeng kainin. Si Dennis the Baker ay natutong maghukay ng kamote at kung anu-anu pang mga pananim habang si Cool Dude naman ay bihasa na sa pag katay ng mga buitiki at bayawak...


Naging eksperto ang dalawa at tuluyan ng naging certified Island Boys. Si Cool Dude ay tuluyan ng naging taong-aso sa sobrANG bangis nya sa pang huhunting. Astig! Si Dennis the Baker ay nakaimbento ng isang chewing gum na gawa sa Atot-atot leaves... Sa likod ng kanilang malawak na kaalaman tungkol sa jungle survival ay nais pa rin ng dalawa na makauwi sa kanilang mga tahanan...




Sa wakas ay nasagot din ang kanilang mga dasal ng maka diskubre si Dennis ng mga abondoned bangka habang sila ay naghahabulan ni Cool Dude dahil sa pag aagawan ng Atot-atot leaves chewing gum. Tuwang tuwa ang dalawa dahil may pag-asa na silang makauwi sa kanilang probinsya... at tuparin ang kanilang mga pangarap sa buhay!


Dali-daling gumawa ng mga improvised sagwan ang dalawang bida. Nag impok ng maraming food supplies ang dalawa dahil medyo malayo ang kanilang tatahaking landas sa karagatan. Buo na ang loob ng ating mga bida... sila ay lumisan na ng Virgin Island....


Yahoooo!! Hindi pa nag iisang oras ay nakakita na nang pag-asa ang dalawa. Malapit na sila sa isang daungan. Sayang-saya ang ating mga bida ng makakita ito ng liwanag sa gitnga ng dilim. Dumaong ang kanilang bangka sa Manito, Albay at dali-daling humingi ng saklolo.

*************************************

Sa wakas ay nakauwi na sina Cool Dude at Dennis the Baker. Nag pasya uli silang bumiyahe papuntang syudad, pero sakay sa isang ordinary bus. Nakarating sila ng Maynila at agad sinimulan ang pagsasakatuparan ng kanilang mga pangarap.....

*************************************


Ang pangarap ni Cool Dude na maging isang artista ay natupad na sa wakas! Na discover ang binata ng isang talent manager habang siya'y nagbebenta ng nilagang mani malapit sa simbahan. Agad itong ginawang modelo sa isang papaya soap commercial dahil sa taglay nitong makikinis at maputing kutis! At hindi lang yun, naging dancing sensation at showboy din si Cool Dude at ngayon ay masayang-masaya kapiling ang kaniyang long-time girlfrend na si Rika Pajakero.

***************************************************

Si Baker naman ay naging isang tanyag na IT expert at kasalukuyang mina manage ang kanyang kumpanya. Binigayan ng magandang trabaho at offer ang mga dating empleyado ng YUES OTOFARTS. 50K a month!!! Waw! Asteeg ka talaga Dennis the Baker!


********************************************************

At dito nag tatapos ang adventure ni Cool Dude at Dennis the Baker!

Miss You Guys!!!


Thursday, July 3, 2008

Disturbing Behavior V (Ang Pagbabalik)

HELLO, HELLO, HELLO!!!!!

Yehey! Sa wakas ay nanumbalik na ang aking sigla sa pagsulat...kahit papano. Nang dahil ito sa walang sawang pagsuporta ng barkadahan sa ating home sweet home blog! Once again, F#@% Y@* YUES OTOFARTS!!! Sarap sa feeling, whooooh! Okay na kami, naka move on na kaming lahat at handa na sa mga panibagong pagsubok na darating sa aming buhay! Naks, madrama nanaman tayo!

Alam kong namiss nyo ang mga kwelang segments dito sa Secret Ingerdients ETC; lalung-lalo na ang Disturbing Behavior na ngayon ay pilit naming ibinalik para sa inyong lahat. Oo nga't naging madrama ang ating buhay pagkatapos ng mga pangyayari, ngunit hindi dito nagtatapos ang ating kalokohan! Ang Disturbing Behavior ay narito uli para mag silbing lapis na guguhit ng mga ngiti at tawa sa ating mga mukha. O dba!? Ang fifth chapter ng segment na ito ay nagsisimbolo ng ating bagong simula na dapat ay salubungin ng saya at konting kalokohan! Heto na po....

**************************************************

June 19, 2008 (Hindi na ako magkakamali sa petsa, thanks phoebe and senadora), sino ba naman ang makakalimot sa araw na ito??! Huh? Ok, so nangyari na nga, blah blah blah! Wait, one more time, "F#@% Y@* YUES OTOFARTS!!!" Okay nako...hihi... Sa kabila ng lungkot at luha ay may funny side naman ang naging farewell party ng barkadahan na naganap sa isang resort na bukod-tangi. Anu pa nga ba, kundi ang mga nakaka aliw na mga eksena! Heto tunghayan natin lahat...

**************************************************

Pray Ober

Idinaan na lang sa kanta ng reigning Singing Bulilit Champion na si Sally girl ang kanyang sama ng loob sa pagkanta ng awiting "Aray." Sa sobrang dalok ng emosyon ay di na napigilang bumirit and dalaga, kaya naman ang tropa ay dali-daling priney ober and singing champ at 'di naglaon ay kumalma na rin ito.


****************************************************

Videosingko Dominator!

Kagaya rin ng Singing Bulilit Champ, si Haring T ay hindi rin nagpaawat sa biritan. Sa umpisa ng party ay pinainit nito ang mikropono sa pagkanta ng mga maka tindig balahibong rock n roll songs. Sa sobrang galit sa mga salarin ay 'di na naiwasan ng wild na binata na mapa luha at sumigaw na "F#@% Y@* YUES OTOFARTS!!!" tsk tsk...ang sakit!

****************************************************

WOAH! I Got Ur Back!

WOW!!! Kanino kaya itong cute ass? Mukhang napaka tender and soft! Parang ang sarap sampalin ng mga pisngi at kurutin.HHIHI!

***********************************************

Palos?

Nagkagulo ang party sa resort ng sumulpot ang isang celebrity at inagaw ang mikropono... Si Palos pala!!! WOW! Pero teka, mali... parang si Romy D...ngek, ang Chicken Dance Master lang pala!

*************************************************

The Lion's Roar

Ang party ay kumpleto sa mga kagamitan at produkto na inisponsoran ng Kupsit Products. Si Boy Kupsit aka Lion King ay hindi rin naitago ang kanyang hinanakit sa mga salarin ng mga pangyayari. Bumitaw ito ng napakalakas na lion roar na sya namang ikinbahala ng tropa. Ng hindi na kayang pigilan ang Lion King ay agad itong pinakupsitan ng tranquilizer.



Hindi umipekto ang tranquilizer kay Boy Kupsit. Sa katunayan, tinuruan ng binata ang karamihan na ilabas ang sama ng loob sa pag roar ala Lion King. Madaling nakuha ng tropa ang trick na ito kaya sabay-sabay silang sumigaw ng "F#@% Y@* YUES OTOFARTS!!!" Oryt!!!!

****************************************************

Rebirth of the Showboy

Kung si Boy kupsit ay nag ala leon, si Cool Dude naman ay ipinakita ang kanyang Kung-Fu tricks, the monkey style! Sa ikalawang pagkakataon ay ipinamalas ng maliit na binata ang kanyang pagiging all around showman. Si Broon naman ay ipinamalas ang kanyang sariling kung-fu technique... ang Leaping Frog Style!

**********************************************


Sa sobrang kalasingan ay hindi na alam ng dalawang binatang ito kung panu mag operate ng video singko! Akala ng Chicken Dance Master na si Bhudz ay isa itong arcade game sa Gleco's habang si Haring T ay inaatake ng kanyang Zubi-zubi!


Hindi na nakapag hintay si Boy Kupsit, inagaw nito ang mikropono sabay kanta ng kanyang all-time favorite song, ang "Hakuna-Matata!" habang si Haring T ay patuloy pa rin g inaatake!

************************************************


Uhum!!! Baby girl number 5?

***************************************************

Shall we Dance?

Sa gitnga ng seryosong usapan ng mga bisor ay bigla na lang pumitik ang katawan ni Ziella at hindi na nito napigilan pang gumiling! Nag ala J.Low ito sabay pamalas ng kanyang Killer pout look na siya namang ikinatuwa ni Dennis the Baker, singing sensation Yonabelle, Phoebz at Sally Gurl!

********************************************************

Ngiwi Festival!


Sa tagpong ito ay hindi na naisip pa ng tropapipz na ipakita ang kanilang power pout looks dahil sa sobrang lungkot. Ngumiwi na lang ang karamihan habang si JK naman ay panay pa rin ang pacute sa likod!HAHAHA!!!

*****************************************************

Ang Handog Ni Dennis The Baker!

Ang konserbatibo at mabait na si Dennis ay talaga namang nalungkot sa mga pangyayari. Bago magkahiwa-hiwalay ang tropa ay naghandog ito ng isang awitin. At bago matapos ang lahat ay hindi rin nag pahuli ang binata na ipamalas ang kanyang pag ka showboy!!!

**********

Hanggang sa susunod na Chapter!!! Missing you all guys! :(

Ingat lagi! We can do this







Friday, June 27, 2008

Kumusta Na Ang Tropa?


June 18, 2008, kung hindi ako nagkakamali, ay ang pinaka malungkot at masaklap na araw sa ating mga buhay-buhay... sa ating samahan... sa ating tinatawag na 'munting opis'. Bumaha ng luha at naging emosyonal ang karamihan sa natanggap na balita. Ang buhay nga naman, kung kelan pa naging matatag at masaya ang ating samahan, sa isang kisap mata, ang lahat ay naglaho! p%!@&#$*!

The Class of 2008

Hindi lang sa nawalan tayo ng pang kabuhayan showcase, ang pinakamasakit at nakalulungkot na pangyayari ay magiging iba na ang takbo ng ating buhay...hindi na katulad ng dati na masaya, tawanan araw-araw, yosi break tuwing alas nuebe, tanghali at alas dos ng hapon, turbo mode sa kakahabol sa backlogs at iba pang masasayang alaala. Nakaka miss ang salu-salo sa 'fantry', pag timpla ng kape kasama si Kung Fu Panda Master, at siyempre, ang mga katrabaho natin na sa pag lipas ng panahon ay napamahal na sa atin bilang isang kaibigan, lil'/big sis or bro, lover?hmmm at higit sa lahat, isang kapamilya!


Isa ako sa maraming napaiyak sa nangyari. Naibuhos ko na ang aking sama ng loob kasama si Bug Marley, Poknat at iba pa. Pati ang bruskong si JK ay hindi rin napigilang mapa krayola. Nung una ko pa lang nakitang lumuha ang aming pinakamamahal na bisor na si Ziella, ay agad ng nanghina ang buong katawan ko...tsk tsk, as in nanlambot. Anyway, it's time for us to move on! And alam kong kayang-kaya natin 'to. Back to zero uli tayo, but not totally zero dahil kahit papano naman ay may budget pa rin tayo habang nagsisimula ng panibagong chapter sa ating mga buhay-buhay! Haaaaayyy... Nakaka miss na! :'(

Group Hug!!!:)

Ang Secret Ingredients ETC ay magpapatuloy pa rin sa pagpapalaganap ng ibat-ibang kalokohan. And guys, comment na lang po sa mga gustong mangumusta and sa may mga gustong magshare sa inyo, feel free lang! This is our home sweet home! Yabyu all!

Wednesday, June 18, 2008

...

I am feeling sad right now. Well, all of us are feeling sad. Wala munang gaguhan ngayon. Kasi mukhang gago mga itsura natin so far. Kasi naman, kayo ba naman mawalan ng trabaho, matuwa ka pa? O siya. Paalam sa mga friendship. Magkikita pa naman tayo, di ba? Magkakaroon tayo ng reunion every year. Para masaya, di ba?

Ano pa nga ba ang sasabihin ko? Hmmm... Goodluck na lang sa ating lahat. Ang hindi pumunta sa farewell party mamaya, pangit! Haha. Okay. Sige. Kita-kits mamaya sa Manhattan. Dun natin ilabas ang ating sama ng loob. Ang hindi umiyak, pangit ulit! :p

I love you guys!

Tuesday, June 17, 2008

Pout To Da Maks 3

Wow! Ilang araw lang ang nakalipas at heto nanaman tayo sa pinaka malinamnam at pinaka malutong na portion ng Sec. Ing. ETC, parang Boy bawang! Maliligayahan uli tayo sa mga bagong Power Pout Looks na hatid sa atin ng mga natatanging pouting pipz na maaring katabi na natin ngayon o andiyan lang sa tabi-tabi. Kung ang ikalawang yugto ay nagbigay sa atin ng isang "maliputok" na tawanan, ang part 3 ay nakasisigurong mas pinakwela!

Dito sa ikatlong yugto ng P.T.D.M., asahang iba't-ibang mukha ang masisilayan, at siyempre, hindi pa rin pahuhuli ang mga batikang Pouting Masters na lagi nating nasusubaybayan dito. So brace yourself kagaya ng kay JK na worth 50K, at ihanda ang sarili... Let's Pout It Out Loud!




*******************************************

Fish Lips Pout

Ito ang pout na kadalasang nakikita sa mga kikay. Ngunit sa panahon ngayon, kahit mga bruskong lalake na gaya kay Oloks ay puwedeng-puwede na ring gamitin ang Fish Lips pout. Sa katunayan, ang look na ito ay mas nakaka akit pa kumpara sa lips ni Juday! Madalas, ganito rin ang porma ng mukha ng mga golden gays!

*************************************************

The A.Con Pout

Ang A.Con pout ay pinauso naman ng ating lawmaker, from her name itself, miss A.Con! Ito ay ina-apply tuwing ang bibig ay puno ng pansit special. Ang mga labi ay mapapansin na nag mamantika at limitado lang ang guhit ng ngiti dahil baka pumuslit ang isang piraso ng pansit lapad.

********************************************************

Goddess of Ice Pout

Wala na yatang mas bobongga pa sa look na ito! Naks, costume pa lang, festival na! Ang power pout na ito ay hindi magiging mabisa kung wala kang sapat na creativity upang makabuo ng isang costume na talaga namang dress to kill! At ang pinaka importanteng tip para magaya ang Goddess of Ice pout.......lakihan ang butas ng ilong ala kingkong!

******************************************

Bagwis Pout

Ang mala San Miguel na pinoy superhero na si Chak Perez ay muli nanamang sumaklolo sa mga nangangailangan. Kahit wala ng espada at panangga ang ating bida, ang mga masasamang loob ay walang panama sa lupet ng hagupet ng killer pout na ito!

*******************************************

The Werxwell Pout

Sa kaniyang bakanteng oras, hindi aakalain ng marami na si Mr. Werxwell ay isa palang secret agent ng MIB (Mikrobyo Inspeksyon Bureau)! Kung ang Bagwis pout ay malupet, ang Werxwell pout naman ay sing tindi ng Mister Masel! Isang yupi lang ng mga labi at kurap ng mata, ang lahat ng mikrobyo ay dedbol kahit saan mang sulok ito magtago! Tsk!

***********************************

Turista Pout

Sakali mang maisipan mong mag out of town o mag bakasyon sa mga astig na resort, kakailanganin mo ang Turista pout! Ito ay proven and tested na ng ating kasamahang si Dennis the Baker! Ang look na ito ay effective kung makikipag eye-to-eye contact ka sa mga foreign tourists...One look at talaga namang lalapit sayo ang mga white chicks, latina pati na rin mga German Sheperds! hihi

***********************************************

Ganda Lalake Pout

Kung sa effectiveness, mag kasing bisa ito ng Fish Lips pout; hindi nga lang alam kung para sa gurlet o sa boylet ang panama nito! Ganun pa rin, mabisa itong pang-akit kung gusto mong "ibaling sa iba" ang iyong pagmamahal! Give me a K!

******************************************

Transform & Roll Pout

Kahit isang natatanging otobot ay puwede ring ipamalas ang kaniyang killer look. Tsk tsk. Ito ang pinaka malupet na secret weapon na puwedeng itapat sa mga Desetpikons!

*****************************************

The Real Kung-Fu Panda Pout!

Sa wakas ay natagpuan din ng TSOKO ang genuine Kung-fu Panda pout! Ang look na ito ay natagpuan sa kahabaan pa ng Mongolia suot ng walang iba kundi si Mo...ang X ni JK! Ang kodak na ito ay sadyang ni resize na, ngunit tila naka zoom pa rin!

*************************************************

Closed Eyes Angelina Jolly pout

Sa ikalawang pagkakataon, ang Angelina Jolly pout ay kasama pa rin sa ating top 3 pouts of the week! Yun nga lang, may konting pagkakaiba ito sa ordinaryong AJ pout. Medyo madrama ito at puno ng passion, lust, ngunit dati pa rin ang timbang ng lips which is half kilo each... Let's eat!

***********************************************

Welcome To Bohol Pout

Hindi magiging kumpleto ang bakasyon sa Bohol kung hindi niyo bibisitahin ang TarsYer Farm. Dito nakatira ang pinaka rare at endangered kind ng nasabing specie na kilala sa tawag na "The Pouting Tarsyer".Ito ang pinaka atraksyon sa nasabing lugar na kamakailan lang ay napasama sa Top 100 most Incredible Animals sa Diskoberry Tsannel!

****************************

Congratulations sa mga taga hanga ng Boston Celtics! (plastik!) haha