Thursday, June 5, 2008

United Colors Of Cool Dude & Kupsit


Ang pinaka-aabangang tambalan ng dalawa sa mga pinaka sikat na personalidad sa ating bansa ay naisakatuparan na! Si Cool Dude at Boy Kupsit ay nagkasama sa isang proyekto na talaga namang kaaaliwan ng karamihan. Ang proyektong ito ay ang pinag-samang konsepto ng isa sa mga premyadong TV network at ang malawak na imahinasyon ng dalawang talentadong binata. Hindi lang musika at pagsasayaw ang sakop ng kanilang mga kakayahan. Pinasok ni Cool Dude ang mundo ng hosting habang si Lion King naman ay tumutok sa pag didirek ng mga programa sa telebisyon kasama ng kanyang mga first-rate equipments, ang BK products.


Pumirma ng 1-year contract ang dalawa nagkakahalaga ng humigit kumulang P5,000 under Machopapa TV, isa sa mga kinagigiliwang music and entertainment tsanel na patok at sikat sa mga kabataan ngayon. Ang taping ay nasimulan na noong nakaraang buwan, at ang launching namn ng kanilang programang "Pimpled Ride" ay inere na noong nakaraang lunes. Ang TV premiere ng programa ay na sinalubong naman ng isang magarbong selebrasyon na naganap sa Legaspi Rotonda kung saan nag paulan ng fishballs, kwek-kwek, mani at palamig ang Machopapa TV. Ang Boy Kupsit (BK) Products at Red Horses naman ang main sponsors ng nasabing show.

Pimpled Ride show

Ang programang Pimpled Ride ay under ng BKTE o ang Boy Kupsit TV Entertainment Productions sa pakikipagtulungan ng Machopapa TV. Ang host ng nasabing programa ay walang iba kundi si Cool Dude sa direksyon ni Lion King BK. Ang show na ito ay may kinalaman sa pag papaganda at pag-aayos ng mga luma, sira at hindi-kagandahang mga kotse. Kada-lunes ay pipili ang staff ng isang lucky car owner para bigyan ang kanyang kotse ng isang bonggang overall make over. Walang gagastusin ang lucky winner na ito dahil ang BK Products Inc. ang siyang sasagot at mag susupply ng mga kinakailangang accessories at parts. Maganda ang naging TV premiere ng Pimpled Ride. Nasurpresa ang lahat ng magbigay ng special dance number ang host na si cool dude kasama ang mga tinitingalang dancers na sina Rita Avila aka Kung-fu Panda, Chicken Dance Master at Miss Marlboro Green. Successful ang unang episode dahil unang palabas pa lamang ay mataas na ang ratings. Maganda ang pag kaka host ni Cool Dude kasama ang kanyang mga artists, taong grasa at mekaniko na tinawag na Kupsit Krew, habang mahusay naman ang pag kakadirek ni Boy Kupsit.

Panoorin natin ang mga kaganapan na nangyari sa first episode:

Alien: First lucky winner!

Sinugod ng Pimpled Ride staff ang bahay ng ating very first winner sa si Alien. Siya ay nakahilata sa kama ng sya'y abutan ng staff, medyo lasing pa at wala sa sarili. Nabigla ang binata ng nalaman nya ang balita. Si Alien ay napasali sa contest dahil ito'y masugid na consumer ng Red Horses beer at siya ang nabunot sa nakaraang electronic raffle draw. Sa sobrang tuwa ng binata ay agad itong tumungo sa kanyang garahe upang kunin ang kanyang kotse na bibigyan ng overall make over at modification.

Before

Ito ang kotse ni Alien, simple at mistulang walang buhay. Madumi at mabaho ang interyor dahil dumikit na ang nicotine sa kanyang upholstery at may mga Boy Bawang pa sa ilalim ng carpet. Sira ang aircon, marami na itong gasgas sa ibat-ibang bahagi ng kaha, at higit sa lahat, walang sounds!!! Kaya ba itong ayusin at pagandahin ng ating bida na si Cool Dude at kanyang Kupsit Krew? Tingnan natin....

after

Naks naman! Sa sobrang bongga at kinang, sino ba naman ang maniniwala na ito ay ang dating kotse ni Alien??! Ibang klase talaga si Cool Dude, Kupsit Krew at ang BK products! Ang dating walang kabuhay-buhay na kotse ng binata ay isa na ngayong luxury item! Ang kinalabasan ng modification ay higit pa sa inaasahan ng karamihan. Ang kotse ay pininturahan ng latest Kupsit custom paint na may temang "smileys & flowers" na makikita ninyo sa exterior styling. Ininstall sa kotse ang dalawang surplus Carrier airconditioner sa likod at harap, 15inch B&W TV with family computer, muffler ng PNR train at isang damungkal pang BK products! WOW! Talagang Wagi!

Huwag kalilimutang manood ng Pimpled Ride para sa mga susunod na episodes sa Machopapa TV!!! Kita-kits!

Wednesday, June 4, 2008

Matsing Tayp (Part II)

Da Gerls Torn. Yu ken do et. Agen, der es a prays. Kis sabay Hag. Yododoy.

Matsing Tayp (Part I)

Nges es a ngimpol nget hu ngeym. Ol u hab to do es mats da pectyors on da lep to da pectyors on da rayt. Sempol, rayt? To meyk it isiyer, seyb the pectyor and open it wid em es peynt. Yus da pensil panksyon to mats the imedyes. Wan. Tu. Tri. Istart.



May award ang makatapos. Ang Matsing Award. Ngusto nyo?

Tuesday, June 3, 2008

The Lion King's Debut Album With Kupsit Products

Dahil sa mga nag lalabasang young talents sa music industry at showbizniz ngayon, hindi maipagkakaila na mas tumitindi ang kupetisyon ng ating mga superstars. Nauna na nga ang labanang JK at Yonabelle na siyang nagtala ng pinakamalaking sales sa kanilang album launching noong nakaraang linggo at lunes. Masusubaybayan ang overall sales result ng dalawang songbabes sa mga susunod na araw.

Sa kabilang dako naman ay nasaksihan natin ang pag dadalaga ng ating kasamahan na si Boy Kupsit. Napag alaman na ang binatang ito ay namulat sa isang konserbatibo at makulay na mundo. Mula't sapul, taglay na ni Boy Kupsit ang pagiging isang hari... hari ng komedya! Talo nito ang kakayahan at sense of humor ng pinagsamang Jimmy Santos at Carding. Magaling din ang Lion King pag dating sa biritan. Kahapon lamang, kasabay ng kanyang Bday celebration, si Kupsit ay nag release ng kanyang self-recorded debut album na pinamagatang "THe Cub Is Now A King!" Ayon sa aming insider, maganda ang quality ng kopya dahil ito ay prinoseso ng ultra-modern Kupsit recording equipments.


Ang Debut album ni BK aka Lion King ay naglalaman ng 27 tracks, sampu dito ay original compositions na kinabibilangan ng kaniyang hit single na pinamagatang "Ikupsit MO!" Kasama rin sa linup ang remix/medley ng "can U Feel d Love 2nyt," Akunamatata at the Animal Song.

Malaki ang naging impluwensya ng sikat na bandang NO Bail Band sa buhay ni Kupsit. Ito ang kanyang tinitingala nung sya'y nakapiit sa bilangguan sa salang pagnakaw ng kambing sa kanilang probinsya. Pagkalipas ng bente kwatro oras, napalaya rin ang binata dahil siya'y napag alamang menor de edad na agad namang ikina-surpresa ng buong pulisya. Sa kasalukuyan ay mabuti na ang takbo ng buhay ng binata. Isa na siyang sikat at matagumapy na may ari at endorser ng kaniyang sariling produkto... ang Kupsit products!

Alamin natin isa-isa ang kanyang mga produkto:

Easy Kupsit Water Jug

Ito ang pinakaunang lumabas na produkto mula sa Kupsit Products Inc., ang EK Water Jug. Ipinamalas ni Lion King ang kakayahan ng EK water jugs sa Pitogo. Namangha ang lahat ng nag tala ito ng world record, 3 KPS (kupsits per second).

Kupsit Jeans

Ang Kupsit Jeans ay gawa sa high-quality retaso na nanggaling pa sa bansang Nigeria. Maganda ang design na talaga naman pasok sa panlasa ng mga kabataan ngayon.

Kupsit Bag, iPhones and Agimats

Batid sa mga Kupsit products ang pagiging fasyonista ni Lion King. Bag? Hindi ito ang basta-bastang bag na makikita mo sa mercado ngayon. Ito ay MPB (multi purpose bag) na pwedeng paglutuan ng pansit kanton, at pwede rin gawing basurahan. 3 in 1 dba?!

Pagdating naman sa mga gaheto, hindi pahuhuli ang BK products . Meron din silang BK iPhones na talaga naman maeenjoy ng karamihan. Ang kanyang napiling endorser ay walang iba kundi si Broon, ang defending champion sa amateur singing contest sa kanilang baraggay. Ang BK iPhones ay pwedeng downloadan ng higit sa benteng kanta.

Ang BK agimat necklace naman ay mabisa kung ikaw ay nakasuot ng body fit sando na kulay black. Nilalabanan nito ang napakaraming elemento sa ating paligid lalung lalu na sa mga aswang kapag gabi.:D

BK BeachBakya

Ang beach bakya ay malupit at kaya nitong patumabahin ang isang lata ng evap milk sa tumbang preso sa layong 50 meters. Isa ito sa mga produktong nilagyan ng Kupsit aerodynamic system. Lupit noh?

BK Pillows and Sheets

Anu pa ba ang mas sasarap sa BK Pillow and Sheets? Ito ang tinatawag na ultimate comfort na gawa sa de-kalidad na materyales na nanggaling pa sa Mongolia! Talaga namang Kupsit Komfort to the Max! May special feature din na nag aabsorb sa mga tumutulong laway!

***********************************

Bago ko makalimutan, ang debut album ng Lion King ay hindi pa mabibili sa ngayon dahil sa mga maseselang lyrics na pinag aaralan pa ng mga awtoridad. Ang The Cub is now a King album ay nagkakahalaga ng PHP25.00 o isang sapad ng saging. Iaanunsiyo na lang kung saan mabibili ang Kupsit album sa pinakamadaling panahon! Kup-SIT! Kup-Sit!

Monday, June 2, 2008

Sino Si Lion King (a.k.a. Boy Kupsit)?

GIF animations generator gifup.com

Sige. Hulaan niyo kung sino siya.

Happy birthday Lion King/Boy Kupsit!